Chapter 5

46 2 0
                                    

Jazmine



Ngayong araw ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Pinipilit kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawang makatulog pang muli. Nakatulala at nakatitig lamang ako sa kisame ng buong kwarto, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganito.


Nakakawalang gana. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos.


Aaminin kong namimiss ko na ang mga kaibigan at pamilya ko. But I don't have a choice kung hindi ang takasan panandalian ang buhay ko sa amin. Hindi ko ba talaga alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. Pakiramdam ko, mayroong kulang. Mayroong nawawalang parte ng aking sarili na hindi ko mawari kung ano. At hindi ko alam kung saan ito matatagpuan.


At sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Para bang may kung anong mabigat sa aking dibdib ang hindi ko makapa kung anong dahilan at saan nagmumula.


Ang tanging alam ko lamang ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan na dapat ay masaya ako.


Niyakap ko ang unan na malapit sa akin atsaka hinayaan ang aking sarili na umiyak lamang ng umiyak. Hanggang sa mawala ang sakit, hanggang maubos ang mga luha at para sa susunod ay wala nang magiging dahilan pa para ako ay lumuha.


Hindi ko rin alam kung ilang oras ako namalagi sa ganoong posisyon, dahil hindi ko narin namalayan na nakatulog na pala akong muli habang hinahayaan sa pag-iyak ang aking sarili.


Bigla akong napabalikwas ng tayo nang mapansing magdidilim na ang paligid. Nanlalaki ang aking mga mata habang nagpapalipat lipat ang tingin mula sa bintana ng kwarto, at pati na rin sa wall clock ng aking silid.


Ganun ako katagal na nakatulog?! Napapapatalak ako ng disoras sa aking sarili atsaka dali daling nagtungo sa banyo para maligo.


Hindi na ako nagtagal pa sa banyo, lumabas na agad ako at nagbihis na.


Habang nagpapatuyo ng aking buhok ay panay naman ang pag buntong hininga ko dahil sa magtatakip silim na. Pagkatapos ko sa aking buhok ay naglagay narin ako ng konting lip tint, dahil hindi ako naglalagay ng makapal na make up. Naglagay lang ako ng konting face powder at ng masiguradong okay na ang aking sarili ay nagmamadaling lumabas na ako ng aking silid.


Hinihingal na nakarating ako sa may high way, mag aabang sana ako ng masasakyang tricycle ngunit lahat ay punuan naman na. Nakakainis! Bagsak balikat na nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang naiiling.


Saglit akong natigilan sa paglalakad noong makita ko ang isang lalaki at babaeng masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Magkahawak pa ang mga kamay na para bang ayaw nilang bitawan ang isa't isa.


Napangiti ako ng mapait sa aking sarili. Maswerte sila dahil buo sila. I mean, masaya talaga sila. Alam ng mga ito kung ano ang siyang bubuo sa kanila. Samantalang ako, heto. Sa halip na masaya at maging thankful ay mas pinili ang lumayo at hanapin ang bagay na wala namang kasiguraduhan kung mahahanap ko ba.

Here's Your Perfect COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon