◈DEDICATED TO Chrix_Linx ◈
◆CHAPTER 07◆
Unexpected Caller|Aldrene POV|
"Pa, can I go to lola?" Kalabit sa akin ni Yruss habang hinuhugasan ko ang pinagkainan namin kanina. Nahatid ko na rin si Jhainnah na di pa rin ako pinapansin hayyttts.
Kaya nga magiging good hubby ako ngayon, maglilinis ako ng buong bahay, maglalaba para naman pag-uwi niya mamaya mababawasan na ang inis niya sa akin.
Hindi ko naman din ginusto ang nangyari kahapon, sadyang nasisiyahan lang si Yruss kaya hinayaan ko na lang muna. Ayos naman din palang kasama si Mareng Thana, napakabait at sweet sa mga bata.
"Sige nak, basta huwag magpapawis ng sobra," sagot ko sa kaniya. Tumango naman ito at saka tumakbo palabas ng bahay. Na-bored yata sa paglalaro ng mag-isa. Mas better naman talaga pag may kasama kang kalaro diba.
Pagkatapos kong maghugas ay umupo na ako sa sofa kaharap ang malabunduking mga nalabahan na kailangang kong tupiin. Hayyyyy buhay may asawa ammp!
*Kringgggggg!!!*
Napatigil ako sa pagtupi ng tumunog ang cellphone ko, sino na naman kaya itong tumatawag.
"Unrigestered number," basa ko sa screen ng madampot ko na ito. Sino na naman kaya itong istorbo, I tapped the answer button baka importante.
Hinintay kong may magsalita sa kabilang linya pero wala, timang ba ito patawag-tawag di naman nagsasalita.
"Hello?" Salita ko at pinakikinggan kung may magsasalita. Pipi ba ito?
"Psh!" Inis kong tugon, baka mali lang ang na-dial niya na number
[Good Morning hihihi,]
Nagulat ako nang may narinig ako ng isang malambing at mahinhin na boses na may pahagikgik pa talaga sa dulo. Buti nagsalita pa, papatayin ko na sana.
"S-sino 'to?" Tanong ko sa kaniya. Iba ang tono ng pananalita niya. 'Yon bang parang naakit ka.
[Oppss di mo na kilala ang boses ko?]
Tanong niya pabalik. Magtatanong ba ako kung alam o kilala ko diba.
"Kung sino ka man, pasensya ka na may ginagawa pa ako," sagot ko rito at pinatay ang tawag ng walang anu-ano. Nakakasayng ng oras, madami pa akong tutupiin na mga damit.
*Kringgg!!!!*
Nag-ring ulit kaya kumunot ang noo ko, sino ba itong makulit na ito. Wala ba itong magawa sa buhay. Pinatay ko ulit ang tawag at pinatay na rin ang aking selpon para wala ng distorbo.
Wala akong oras sa mga kalokohan ngayon, iisipin ko pa kung paano paamuhin ang asawa ko. Pagkatapos kong gawin lahat, ipagluluto ko siya ng pinakapaborito niyang pagkain with lambing para talab na talab talaga, sagad na sagad hanggang buto.
"Tao poooooo!!!!
"Tao pooo!!!"
"Tao pooo!!!!"
Sinilip ko sa bintana namin kung sino ang nasa labas ng gate. Napakunot ako ng isa itong delivery driver. Ano na naman ito? May order ba si Jhainnah.
Lumabas na lang ako para puntahan si manong na nasa labas ng gate.
"Magandang umaga po, dito po ba nakatira si Aldrene Delgado?" Tanong niya sa akin ng pinagbuksan ko siya ng gate. Isa itong food panda delivery.
"Yes po, bakit po ba?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Bakit ba nila ako hinahanap?
BINABASA MO ANG
Awakening Her Demon Inside ✔ |VS 01| COMPLETED (UNDER EDITING)
Action☆VALDREAL SERIES 01☆ COMPLETED ✔ Jhainnah Ylshiah Valdreal Delgado is a loving mother and wife. She forgot her past and distanced herself from her old self. She choose a simple life over a luxurious living just to be her one and only love. Everythi...