◈DEDICATED TO lkcrzy◈
◆CHAPTER 25◆
Missing him badly|Third Person POV|
Napakaaliwalas na ng gabi, tanging tunog ng kuliglig at himig ng gabi ang maririnig. Napakaliwanag ng buwan at punong-puno ng mga bituin ang langit. Sa isang malaking kahoy, may isang babaeng nakasandal dito habang tinitingan ang langit.
"Hayys," malalim na buntong hininga niya at uminom sa kaniyang beer in can, sinasabayan ng kaniyang isipan ang kalaliman ng gabi. Kitang-kita sa kaniya na siya ay nahihirapan na ng sobra.
"Sa totoo lang hindi ko na alam anag gagawin ko hayys," wala sa sariling salita niya sa kawalan. Pumikit siya ng mariin at nag-uunahan ang kaniyang mga luha sa pagdausdos sa kaniyang pisngi.
"Lumayo na nga ako tapos mangyayari pa ito sa'kin ngayon, mabuti pa si Jhainnah puwedeng umiyak kung kailan niya gusto, pero ito bilang Ylshiah kailangan mo maging matatag at matapang hayysss," buntong hininga niyang sabi.
"Sino nagsabi na hindi puwedeng umiyak si Ylshiah?" Laking gulat niya nang may biglang magsalita mula sa likuran niya. Dali-dali niyang pinahiran ang nagsisilaglagan niyang mga luha.
"Gabi na ahh, bakit nandito ka pa?" Dagdag nitong sabi at sinamahan siyang umupo sa tabi niya habang nakasandal din sa puno at tumitingin sa malalim na gabi.
"Bakit ka nandito?" Tanong pabalik sa kaniya ni Jhainnah habang binubuksan ang isang lata ng beer at binigay sa kaniya na agad naman nitong tinanggap.
"Di ako makatulog eh, hindi mawala-wala sa isip ko ang tattoo na iyon," naiiritang sagot ni Phielly at uminom sa kaniyang beer.
"At ang wierd din, bigla lang daw nawala ang heiress ng Velerio, bakit kaya,"
"Kaya nga ehh, sana nga makakuha na ng information sila Ace para malinaw na,"
"Sana nga, hayysss para sa'yo Phielly imposible bang magkaroon ng kaparehong mukha ang dalawang tao?" Tanong ni Jhainnah sa kaniya, gusto niyang malinawan muna para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng kaniyang iniisip.
"What you mean? Tungkol din ba ito sa kanina?" Tanong nito pabalik sa kaniya. Tumahimik lamang si Jhainnah, silence means yes. Pareho lang sila nakatanaw sa sobrang asul na langit na punong-puno ng mga bituin habang nag-uusap.
"Hindi, sabi nga sa science about genes, mas nagkakaroon ng posibilidad na magkadugo kayo kung pare-pareho kayo ng mukha, how much more diba kung magkamukhang-magkamukha talaga, so it has a possibility that they shared only type of bloods in their body," sagot naman ni Phielly na parang kabisadong-kabisado niya talaga.
"Maybe I can count on you naman diba," biglang sabi ni Jhainnah at humarap ito kay Phielly.
"Yes of course, sa lahat ng taong naririto sa'yo ako pinaka-loyal, ikaw ang nakilala ko Jhai sa loob ng kulungan na para bang may something sa iyo na sobrang gaan ng pakiramdam ko, I don't know why pero parang I have this feelings na magkakilala na tayo noon," mahabang sabi nito para mapangiti siya. Hindi lang pala siya ang nakakaramdam ng ganoon kung hindi silang dalawa.
"Glad to know that, so can you be my partner in crimes?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Jhai sabay lahad ng kaniyang kamay. She need someone to lean on.
"Sure it's my pleasure," sagot agad-agad ni Phielly at tinggap niya agad ang kamay ni Jhainnah while smiling ear to ear, kitang-kita sa kanilang mga mata at ngiti na nakahanap na sila ng masasandalan.
BINABASA MO ANG
Awakening Her Demon Inside ✔ |VS 01| COMPLETED (UNDER EDITING)
Action☆VALDREAL SERIES 01☆ COMPLETED ✔ Jhainnah Ylshiah Valdreal Delgado is a loving mother and wife. She forgot her past and distanced herself from her old self. She choose a simple life over a luxurious living just to be her one and only love. Everythi...