Chapter 21

99.8K 2.1K 634
                                    


Scarlett's POV

He's really acting weird. Pag kinakausap ko siya iniiwasan niya ako. Pag humahalik ako sa kanya umiiwas rin siya.

W-Wait... Alam niya kaya ang nangyari samin ni Jack noong nakaraang araw?

"Edward...." seryosong tawag ko rito

Hindi na kami nagtatabi na matulog dahil iniiwasan niya ako. Nandito ako sa kwarto niya para makausap siya.

"Yes?" sagot nito habang nagtatype sa laptop niya

Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Naiinis na ako dahil parang balewala lang ako sa kanya. Hindi niya ako halos kinakausap.

"What's wrong with you?" hindi ko mapigilang tanong

Napatingin ito sakin at napatitig sandali pero maya-maya binalik niya ang tingin niya sa laptop niya at nagtype na parang walang nangyari.

"What are you talking about Red? I'm busy."

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya at pabalibag na sinarado ang pinto ng kwarto niya. Nagulat siya sa ginawa ko dahil ngayon ko lang iyon ginawa. Alam kong kabastusan iyon lalo na't hindi ko ito pamamahay.

"What is wrong with you?" ulit ko sa tanong ko kanina

"I'm busy Scarlett. Nothing's wrong with me."

Scarlett? He called me Red awhile ago but now he's calling me Scarlett?

"Nothing? Hindi ako tanga para hindi mapansin na iniiwasan mo ako." inis na sabi ko rito

"Busy lang ako." tipid na sabi nito

"Wag mong irason sakin yang pagiging busy mo! Iniintindi kita kahit hindi ko alam kung anong problema mo! You're acting weird mula nang umuwi ka ng umaga!" hindi ko mapigilang mapagtaasan siya ng boses

He stood up and he looked pissed. Ito na ang pinakamalala na pinag-awayan namin dahil hindi naman kami nagtataasan ng boses dati.

"Nothing's wrong Scarlett! Nothing! Stop being paranoid!"

"I am not paranoid! I am just saying the truth Edward! You're not sweet to me! You acted like you never care!" sumbat ko sa kanya

"Yun lang ba ang problema mo? Dahil hindi ako sweet sa'yo?" mahinang tanong nito

I am about to speak when he grabbed me and kissed me hard. This is not my Edward. He never kissed me like this.

Pilit ko siyang tinutulak pero hindi ko siya maitulak dahil sobrang higpit ng hawak niya sa bewang ko. Nalalasahan ko na rin ang dugo sa labi ko. Napaiyak nalang ako dahil pagod na ako sa pagtulak sa kanya. Nanghihina ako at nawawalan na ng hininga.

Humiwalay siya nang maramdaman niyang hindi na ako nanlalaban. He looked at me with pained expression. His eyes were full of regrets but I care less.

I slapped him hard. Ito ang unang beses na mapagbuhatan ko siya ng kamay.

"How dare you?!" nanggigigil na sabi ko

Hindi pa rin nahinto ang luha ko sa pagtulo. Hndi ko inakalang ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng ilang taon kaya akong saktan ng ganito. Pakiramdam ko nabastos ako sa ginawa niya.

Tumalikod ako at hinila ang maleta ko sa gilid. Sinilid ko lahat ng damit ko doon na nasa closet niya.

"H-Hon.... I-I'm sorry.." he said in a crack voice

Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako sa kwarto ng kambal. Inimpake ko rin ang mga damit nila at ramdam ko ang pagsunod ni Edward sakin.

"Red.... Please stay...."

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon