Epilogue

125K 2.2K 659
                                    


Scarlett's POV

(LadyCode's Note: Meghan is on the picture)

Nagmulat ako ng mata ko at nakita ko sila Jack na nasa gilid. Nakayuko silang lahat at parang binagsakan ng langit at lupa.

Agad akong napabangon nang maalala ko si Niall.

"Jack, where's Niall? How is he?" naluluhang tanong ko

Saba-sabay silang napatingin sakin lahat. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nila. Nakaramdam ako ng kaba at lungkot.

Naluluha ang mata ni Jack nang lumapit ito sakin. Yumakap ako sa kanya dahil sa ekspresyon pa lang ng mukha niya, parang naiisip ko na ang nangyari.

"Niall.... He's okay, right?" umiiyak na sabi ko

Niyakap rin ako nito ng mahigpit. Napalakas ang iyak ko nang maramdaman kong namamasa ang balikat ko.

"I'm sorry, baby. I'm sorry." umiiyak na sabi ni Jack sa mahinang boses

Napakagat ako sa labi ko at mas sumubsob pa sa kanya. I can't bear the pain. Sobrang sakit. Mas masakit pa ito sa lahat ng nangyari sakin.

"T-Tell me he's okay, Jack. Tell me!" nanghihinang sabi ko

Hinagod nito ang likod ko at naramdaman ko ang pagpunas niya sa luha niya. Humarap ako sa kanya nang hawakan niya ang pisngi ko at halikan ako sa labi ng matagal.

"He's resting now, baby."

----

Nanatili akong nakatitig sa litrato ni Niall at Adam na magkasama. Ilang taon na simula nang mangyari ang aksidente na iyon. Anim na taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sakin ang alaalang iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito at makitang si Jack ang tumatawag.

[Malapit na ako, baby. Ready ka na?]

"Yes. Bababa na ako."

[Okay. I love you.]

"I love you too."

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kay Jack. Bumaba na ako at ilang sandali pa ay narinig ko na ang ugong ng kotse ni Jack. Mabilis na tinungo ko ang labas oara sumakay na sa kotse.

Tahimik lang kami ni Jack hanggang sa makarating kami sa sementeryo. Sabay kaming bumaba ni Jack dala ang bulaklak.

Nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ni Jack. Kahit ako ay hindi maiwasang malungkot. Marahang hinaplos ni Jack ang lapida pagkalapag niya ng bulaklak.

"I miss you." mahinang sabi nito

Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Ngayon ang death anniversary niya kaya narito kami. Ang mga bata naman ay susunod na kasama sila daddy.

Sabay kaming napalingon ni Jack nang marinig ang dalawang boses na iyon.

"Mom!"

"Daddy!"

Nakabusangot si Adam na tinawag ako. Mukhang may kalokohang ginawa nanaman si Meghan. Limang taon na si Meghan. Siya ang pinagbubuntis ko noon and yes, a girl.

Yumapos ito sa kanyang ama habang humahagikgik.

"Meghan sweetie, what did you do again this time?" natatawang tanong ni Jack

Mas napasimangot naman si Adam at maging ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Madalas kasing gumawa ng kalokohan si Meghan sa kanya.

"Nothing!" humahagikgik na sabi nito

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon