Chapter 22

98.4K 2.1K 304
                                    


Jack's POV

Hindi ako pinatulog ng isip ko mula nang marinig ko si Leo na tinawag niyang Isabelle si Scarlett. Tinignan ko ang info's na nakuha ko noon kay Scarlett.

Scarlett Isabelle Garcia Lewis

Isabelle Garcia

Naisip kong posibleng iisa lang sila at disguise niya lang si Isabelle. Tinawagan ko yung dating pinasukan ko at tinanong kung may pumasok doon na Scarlett Lewis 5 years ago and they said yes.

How stupid I am not to put the puzzle pieces together? Her accent when I am talking to her as Isabelle. The familiarity I felt when we make out.

Gusto kong makasiguro talaga kaya kinuha ko ang memory card ko na itinabi ko ilang taon na ang lumipas. Nandito iyong record noong nagtatalik kami ni Isabelle. Hindi ko itong pinakinggan noon kaya ito ang unang beses na papakinggan ko ito.

It was her voice. It was her.

I am so stupid! All this time, kasinungalingan lang pala ang lahat. Naghahanap ako ng maling tao at ng taong hindi naman nag-eexist sa mundo. Sinayang ko ang limang taon paghahanap sa maling tao.

Kung ganoon, siya ang nakatalik ko. Siya ang nabuntis ko. Siya ang pinatabuyan ko. Anak namin ni Scarlett ang batang hindi ko ginusto noon. Si Scarlett na babaeng mahal ko ang sinaktan ko. Kaya ba ganoon nalang ang galit nila sakin?

Damn. All along puro kasinungalingan lang pala ang alam ko. Alam ni Leo iyon sigurado ako dahil tinawag niyang Isabelle si Scarlett.

Buong gabi akong gising dahil sa pag-iisip ng mga gagawin ko. Gusto kong magalit dahil tinago nila sakin ang lahat. Tinago nila sakin ang katotohanan pero hindi ko magawa dahil alam kong may kasalanan rin ako. Malaki ang kasalanan ko.

Kinabukasan, hindi ko napigilan ang sarili kong magtungo sa bahay nila Scarlett. Hindi pa rin nagbabago ang isip ko na kunin si Scarlett kay Seth.

Gulat at kaba ang nakarehistro sa mukha niya lalo na nang banggitin ko ang pangalan niyang ginamit niya para malinlang ako. May takot rin sa mata niya. Ano bang ikinakatakot mo Scarlett?

"Ilang taon ang ginugol ko Scarlett. Ilang taon para lang hanapin ang mag-ina ko. I dumped them because I want a life with you not knowing that you're the one who I dumped. Sapat na ba ang limang taon na paghihirap ko Scarlett?" mapait na sabi ko rito

Umiwas ito ng tingin bago magsalita.

"Hindi pa sapat iyon Jack. Hindi pa sapat iyon para sa sakit na naramdaman ko." mahinang sabi nito

"Ano pa bang gusto mo Scarlett? Nawala na ang anak natin. Hinanap ko kayo. Alam mong hinanap ko kayo at patuloy na hinahanap kayo."

Tumingin siya sakin ng may galit sa mata. It hurts me to see her angry with me.

"Pero wala sa kalingkingan ng paghihirap ko ang naranasan mo Jack! Minahal kita pero anong ginawa mo? Ginamit mo lang ako! Pinagpustahan! Binuntis at pinagtabuyan! Kaya wag na wag mong isumbat sakin na hinanap mo kami!" galit na sabi nito

Kahit siguro lumuhod ako rito gagawin ko para lang mapatawad ako ni Scarlett. Ayokong mawala siya sakin.

"Iyon ang totoo Scarlett! Hinanap ko kayo! I am so desperate to find you!"

"Pinagtabuyan mo ako Jack kaya wag mong ipagmalaki na hinanap mo kami! Dahil una sa lahat iyon na ang gusto mo! Ang bait ko nga eh dahil sinunod kita!"

"Sabihin mo kung nasaan ang puntod ng anak natin Scarlett! Parang awa mo na!"

"Wala akong sasabihin sayo!"

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon