Chapter 3 - "Ex girlfriend. Ex bestfriend"

69 0 0
                                    


"..Actually, she's my ex girlfriend.."

Si Tom, ex ni Paula? Biset na Paula yan! Nakadalawa ka na! Peste! Una pala, si Tom? Tas ngayon, si Kevin na dapat ay akin lang? Pucha talaga! Ang landi mo sobra!

"Grabe.." Syempre tahimik lang ako in reality.
"Ate? Ok ka lang ba?" Tanung sakin ni Tricia na worried.
"I'm fine bunso. There's nothing to worry about." Mahinahon kong pagsagot.

At lumabas na nga agad sila Kevin at Paula dito sa canteen. Yung tutuo? Paepal lang sa lahat ganun?
Di naman ako nagselos no? Sobra sobra lang! Pero I'm sure. Nagselos din si Tom? Kahit papano naging sila din ni Paula eh.

"Nawalan na ko ng ganang kumain."
"Huh? Ate? Sure ka ba? Kumain ka pa!"
"Ayoko na bunso. Busog na ako.."
"No, your not, Sarah." Pagsagot ni Tom.
"Tom?" Nagulat nalang ako sa sinabi nya.
"(Bulong)*Sarah, can I ask you something?"
"Ano yun Tom?"
"(Bulong)*Naging kayo ni Kevin, right?"

Huh? Halata ba? Hala?! Awkward..

"Umm.." Hindi ko din masabi. Nahiya ako bigla.
"Hahaha! Tama nga ako. Ang galing ko talaga."
"Tinatawanan ako? Ouch na nga, ganyan ka pa Tom."
"Halata nga eh." Patawa nyang sinabi.
"Hmm.. ang alin?"
"Na.. nagseselos ka."
"Ako? Magseselos? No way!"
"Yes you are."
"Ok fine! You win Tom. Just this time." Wala eh. Alam na nya. Iyak tawa!
"Hmmm.. Ilang months kayo ni Kevin?"
"1 year and 5 months. Ehh.. kayo ni Paula?"
"Haha! 9 months lang. Ganun talaga. Nakahanap sya ng mas better sakin."
"Wala syang nabanggit sakin nun na naging BF nya dati"
"Talaga Sarah?" Nagtatakang tanung nya sakin.
"Oo, close kami dati ni Paula pero ngayon, hindi na kailanman."
"Ahh.. kuya Tom? Di mo ba alam? Naging mag bestfriend sila ni ate Paula dati." Biglang singit ni Tricia sa usapan.

Nagulat si Tom sa narinig nya kay Tricia. Gulat talaga. Napahinto sya eh.

"Grabe! Wala syang nabanggit sakin na bff nya. Kaya nga ikaw? Di kita kilala."

Ano daw? Grabe ah? Hindi ko na kinakaya si Paula. Inaamin ko, nasaktan kasi ako dati. Bestfriends kami ni Paula, since gradeschool. Sya lang naging close kong kaibigan at wala nang iba dahil hindi ako friendly sa iba maliban sa mga canteener. Pero eh? Di nya sinabing may naging BF na pala sya dati bago si Kevin. Tas hindi nya pa ako mapakilalang BFF kay Tom nun? Tsk. Wala pala akong alam sa kanya dati.

"Biset na Paula.."
"Ate, chill lang. Hayaan muna sila."
"Oo bunso.. Hmmm.. let's go na? Magtatime na din eh. Hahaha!"
"Sige ate."

At nag punta na kami. Nauna na si Tricia sa classroom nila. At habang naglalakad kami ni Tom papuntang room.

*Camera flash*

"Ay-?!"
"Oh yeah! Stolen shot of Ms. Villaflores and Mr. Serrano. Bwahaha!"

Sabay takbo palayo nung nag picture samin. Ayus diba? Iyak tawa 😂

"Sino mga yon?" Tanung ni Tom sakin.
"Mga CAA lang yon."
"CAA?"
"Yup, Chismosa/Camera All Around. Hahaha! Astig neh? Masanay ka na."
"Ay. Mga student journalist nyo dito or I should say, mga news maker? Kaya pala puro ikaw asa news eh. Hahaha!"
"Hindi naman."
"Hahahaha! (Bulong)*Maganda ka kasi."
"Huh?"
"Ay bingi naman pala." Sabay peace ng kamay nya sakin.
"Bahala ka dyan" Sabay pagtaray ko sa kanya ng pabiro.
"Bleeeehh!" At nag wacky naman sya sa harap ko.

Ang kulit nya. Hahaha! Ang cute talaga ni Tom pero di ko sya type. Ewan ba? Ni crush hindi eh. Aaahh.. si Kevin parin kasi mahal ko. Bwahaha!

Nakarating na kami sa classroom at hanggang sa ibinalita samin ng isang head teacher na halfday lang. Oh my gosh? Uwian agad? Why..?

"PARTY TIME GUUUUYS?!" Sigaw ng classmate naming uto.
"Yey!!!" Sigaw ng lahat.

At may isang nagpunta sa harap na isa pang rich girl para mag declare ng kaartihan nya

"Ngayong araw na to ay mag pparty party tayo sa place ko. Lahat kayo ay imbitado, maski ang mga fvckboys at kasama. SANA AY MAKARATING KAYONG LAHAT!"

At hanggang sa nagkagulo na sila. Hala? Nagparty party na sila. Hahaha! Nakisali ako! OP ka pag hindi sumali eh. At biglang sinabi ulit ng head, 4th year lang daw. Aww.. broken mga lower year. Haha! Habang andito parin sa classroom. Lumapit si Tom sakin.

"Tara sa canteen, Sarah?"
"Haha! Nag aaya ka nanaman dun? TAKAW?" Pabiro ulit.
"Yeah. Matakaw po ako. Sige, una na ako dun ah? Bye!"

At umalis na nga sya. Nice guy si Tom. Nagpapaalam sakin. Pero kahit matakaw sya. Sakto lang katawan nya. Nagsipag uwian na na yung iba naming classmates. And the rest of the ay talagang tinuloy ang party party sa place ng isang classmate naming rich girl. I'm sure na pool party yun. Nasabihang mababait pero kanya kanya naman pala ng bisyo. Hahaha!

Gusto ko nang umuwi pero tinatamad pa ko. So, mag isa ko lang dito sa classroom ngayon? Iniwan nila akong lahat. Teka? Napagtanto kong wala pala si Kevin at Paula dito kanina. Nag cutting class, ganon? Well, bahala sila! Makapunta nalang sa canteen. Nagutom na din ako eh.

After makamiryenda. Lumabas ako ng canteen at habang naglalakad ako sa hallway at nadaan ako sa lumang building dito. Nakarinig ako ng nag uusap at galing yung mga boses nila sa likod ng building. Nacurious naman ako kaya naman lumapit ako dun, pero syempre nagtago naman ako dito sa puno. At pag silip ko, si Tom at Paula pala!?

"Bakit mo ba ko dinala dito, Paula?" Pagalit na pagtatanung ni Tom sa kanya.
"Oo na. Kaya kita dinala dito kasi I have a confession to make." Mahinahon na pagsagot ni Paula at yumuko. "I'm sorry Tom."
"Huh?"
"I'm sorry kasi.. mas pinili ko si Kevin kesa sayo dati."
"Kaya nga eh. Ang sakit diba? Alam mo yung nag sakripisyo ako para sa relasyon natin?!"
"Hindi ko naman alam yun eh." Pag mamakaawa ni Paula.
"Hindi mo alam, Paula?! How dare you?! You really don't even care for what we have before, right? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo eh. Hindi na ko bumabarkada ng dahil sayo. Lagi nalang din akong nasa bahay namin. Hindi na din ako nakikisalimuha sa iba dati dahil nagseselos ka! Tas ano? Iiwanan mo ako sa ere?! At ngayun, magsosorry ka?"
"Kaya nga andito ako ngayon sa harap mo. Gusto kong humingi ng tawad."
"Tawad? Abuso na ginagawa mo sakin! I will never forgive you. You ruin my freedom!" At sabay walkout si Tom, habang umiiyak naman si Paula sa kinatatayuan nya.

Now, I understand. Pero bakit nagawa nya kay Tom yun? At ngayun, umiiyak sya. Gusto kong icomfort si Paula pero I can't. Ano yon? FC ako sa kanya ganun eh hindi naman na kami BFFs. Pagkatapos nyang agawin si Kevin? Tsk.

Umalis na ko sa likod ng puno at tumakbo sa hallway at hinanap si Tom. Nakita ko sya, nakaupo sa isang bench. Nilapitan ko naman sya at tumabi ako sa kanya.

"Tom?" Mahinahon kong pagtawag.
"Oy? Sarah? Hahaha! Bakit hindi sa pa umuuwi?" Sinabi nya ng papilit ang pag ngiti.
"Sorry Tom. Di ko akalaing ganun pala. Narinig ko lahat ng usapan nyo."
"Sighh.. Ayus lang. Ngayon, naiintindihan mo na siguro. Kaya parin ako nasasaktan."
"Naiintindihan ko. Parehas lang naman tayo, kay Kevin naman ako eh. Pero kay Paula? Hayaan mo na sya. Masasaktan ka lang lalo eh."

Bigla akong may naisip para maging okay sya.

"Magpromise kaya tayo sa isat isa? Para magawa nating mag move on sa mga past natin."
"Sige ba Sarah. Hmm.. ano pala?
"Hahayaan nalang natin sila. Di na tayo masasaktan tuwing makikita natin sila at magfofocus tayo sa pag aaral natin."

Napaisip sya ng malalim. Pero alam ko ikabubuti din namin to.

"Promise?" Nakangiti nyang inabot sakin kamay nya para makipag pinky's swear.
"Promise! We can do it for our own good." At nakipag pinky's swear ako sa kanya.

At nagkatitigan kami ni Tom. Bakit ba ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kanya kahit ngayong araw lang kami nagkakilala? Tom, nakatadhana ka ba para palitan ang dati kong kaibigan na si Paula? Sighh.. sana Tom, ikaw nalang bestfriend ko dati pa. Gusto kitang maging bestfriend Tom..

---------------------------------------------
Sana po nagustuhan nyo chapter na to. Hehehe! Abangan po ulit ang susunod na mangyayari sa buhay ni Sarah. Thanks for reading my story. Godbless po 😊

The Unexpected Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon