Chapter 2 - "New classmate, new friend"

74 0 0
                                    


Next day~

Lumipas ang kahapon at ayoko nang balikan pa yon. Medyo mugto ata mata ko? Nahh.. hindi to! Kako puyat lang kung tanungin nila ako. Hahaha!

Kabababa lang sa kotse, thank God, hindi nila napansin mata ko. Natatanging si Tricia lang nakakaalam na umiyak ako. Mabuti nalang andito si Tricia para sakin kundi wala akong paglalabasan nitong luha ko. Hay nako.. kadrama ko! Ang saya lang, 1st schedule namin ngayon ay Vacant? Sa library ang tuloy ko, diba nga? Focus nalang muna sa pag aaral. Pero di ko na isasama si Tricia, maiinip yun don at baka mag ingay pa, dilikado.

Nauna na ulit sya kaya ako ay patuloy ang paglalakad. Habang naglalakad sa hallway, bigla nalang may nagflash sa harap ko. Wtf? Yung tutuo? Stolen? DSLR pa naman!? Di ako ready eh, bigla nalang kasing susulpot yung mga CAA na yun! Haha! May new meaning na yan at bagong title na sila sakin. Ahem! Dahil "Chismosa/Camera All Around"?! Jusme. Di sila nagsasawa sa peys ko jusko.

Finally! Nakarating na ako dito library, tahimik as usual. Bored pero makakapag aral ka talaga. Hanap hanap na ng books. Shet? Bakit ba andaming books? Sabagay library nga eh. Hay nakoooo ang hirap pumili ah?

Hanggang sa nahikayat akong kumuha ng mga libro, kuha dito, kuha don, at nang nakita ko book ng literature na nag iisa nalang, kukunin ko to nang biglang nagkasabay kami ng hindi ko kilalang lalaki sa paghawak sa nag iisang book. Nagkatinginan kami. The eff?! Nakakahiya?!

"Ah sige, sayo na yan miss "
"Hala? Hindi, ayos lang. Sayo na."
"Nahiya ka pa. Sayo na. Dami ko na din hawak eh saka baka sumabog utak ko dito."
"Hehe! Salamat "
" Hmm.. Ako nga pala si Tom. Ikaw?"
"Sarah nga pala. Hehe! Teka? Di ka pamilyar."
"Ay! Katatransfer ko palang ngayong araw na to. 4th year highschool."
"Wow. Welcome here as a new student, Tom. Nice to meet you. 4th year na din po ako."
"Talaga? Classmates pala tayo? Hehe! Ang galing naman. Its a pleasure to meet you Sarah."
"Wala yun. Ikaw naman."
"Umm, tara don sa table? Magbasa basa na tayo?"
"Sige Tom."

At magkasama nga kami ni Tom, siryoso talaga sya sa mga aralin nya binabasa nya. Actually, ang gaan ng loob ko sa kanya. I dont know why? At inaamin ko, CUTE sya. Kaso medyo nerd kasi kapal ng eye glass nya, messy hair pero amputi nya saka redlips pa. Haha! Tsk. Enough na this. Aral muna. Hindi ko na malayan na naka isang oras na pala kami. Pumunta na kami sa room at saktong pagpasok namin kasunod na namin adviser namin. Habang nagkakagulo ang buong klase, pinakilala si Tom sa harap.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Thomas Serrano. Anak ng ating minamahal na principal."
"Yes class, he is the only son of our principal and the owner of this school." Singit ng adviser namin.

OMG? Anak sya ni Sir Serrano? Hindi ko alam na may anak si Sir? Wow.. .

"Ok, Mr. Serrano, dun ka sa tabi ni Ms. Villaflores."

Napatingin naman sila sakin.. So embarrassing! Sige! Lusaw na po ako oy! Yoohoo?!

At tumabi nga sakin si Tom. Mukhang masaya sya? Wagas makangiti eh. Haha!

Start na klase. Magaling din naman pala si Tom, alam nya ibang lesson kahit namissed nya. Samantalang transfer pa sya. Nakita kong humble naman sya at di nagyayabang. Ang masakit lang, may mga boy classmates akong nagtatanguan. Yung mga gangster ba? Omg?! Hindi ako nakakaramdam ng magandang mangyayari mamaya? At natapos din, recess na! Walang nangyari. Di ako nakikinig eh. Napapatingin kasi ako kay Kevin. Bakit ba ang pogi nya parin? Tsk! Nakakabiset!

"Hi Sarah! " Pagbati ni Tom dakin habang nakatabi sakin sa upuan ko.
"Ah? Hi there Tom hehe hehe"

Pasagot ko naman kahit litang? Nakakahiya tuloy. Tatawa tawa pa ko. Baka isipin nito baliw ako.

The Unexpected Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon