Chapter 1 - "Move On"

69 0 0
                                    

(11 years ago..)

Maraming bagay ang pweding mangyari sa araw-araw nating pagkabuhay. May mga bagay din na hindi natin inaasahan para satin.

Lumaki ako ng marangya sa buhay kasama ang aking pamilya na puno ng saya at hindi naghihirap. Biniyayaan ng malawak na pag iisip para sa sarili.

Pero sa nangyayari sa kasalukuyan ko ngayon, hindi maganda ang mga dinadala kong saloobin dahil sa hindi ko inaasahang pagkakahiwalayan namin ng ex ko. Ang sakit lang na ang bilis nya akong pinagpalit at sa kaibigan ko pa?! Naichapwerahan na beauty ko?! NOOOOOO!!!

"Ate! ATE! HUY!?"
"Huh? Bakit?"
"Ganda na ng eksena dito sa palabas tas hindi ka na nanunuod?"
"Uy? Hindi ah? Nanunuod ako!"
"Ate, move on na kasi kay kuya Kevin. Lagi ka nalang umiiyak. Ampanget mo na! MOVE ON!"

Napaisip ako.. lagi na ngalang talaga ako umiiyak tuwing gabi nang dahil sa kanya. Tama si bunso..

Next day~

Yawn.. Pagmulat ng mata ko, 7:30 na pala. Grabe, late na ako! Kaya bumagon na agad ako sabay ligo. Pagkatapos nun, mabilis akong pumunta sa harap ng lamesa para makasabay sa kanila.

"Mukhang madaling-madali ka Sarah ah?"
"Yes Dad, nalate po akong bumangon eh. Pasensya po."
"Ayos lang yon baby, mas late yang si Tricia."

Napatingin nga ako sa tabi ko. Wala pa pala si Tricia. Naliligo siguro.. tas bigla namang padating na habang naghihikab pa.

"Yawn.. Goodmorning guys. Tapos na po ako"
"Ok baby, have a sit and eat your breakfast."
"Opo Mommy.."

Sa tutuo lang, inaantok pa ako. Naiirita pa ako dito sa uniform namin kasi long sleeve. Ilang minuto ang lumipas, natapos din kami. Ang bilis namang sumikat ng araw kaya papasok na kami pati sila Dad at Mom. Sa office kasi sila eh. Ewan naman kung ano ginagawa nila dun, sobrang dami ng works nila. Kaya ayoko na din isipin.

Nag-aaral kami ni Tricia sa isang private school, medyo malayo samin kaya dapat may service talaga. 4th year high school na ako at 2nd year high school na si Tricia. Wala din namang problema sa school namin kaya minahal na namin to simula gradeschool kami.

Dito parin kami sa kotse at on the way palang kami sa school namin. Ay? Eto na pala

"Ok kids! We're here!"
"Dad! Dalaga na po ako!" Sagot ni Tricia.
"Ahem bunso.. Hehe! Oo nga naman Dear, they are now mga dalaga. Lalo na si Sarah."
"Ang bilis ng panahon Dear, Nakakatuwa.."
"EH! Basta ako Dad! DALAGA NA AKO!"

Nagsipagtawanan naman kami nang dahil kay Tricia. Yan kasi sya eh, Kalog. Pero sya daw ang young version ko sabi ng iba. Bumaba na kami sa kotse at pumasok na sa gate. OMG? Nanaman? Napasok nanaman dito sa school na kahit private, mukhang public dahil sa magugulo ang mga istudyante. Mga sosyal pero rock n' roll! Haha! Push nila yan. Andami pang kaartehan, may mga "CHIZ" lagi kahit kanino. Gets mo? Means "chismosa". Mga gumagawa ng newpapers. At kinasamaang palad, hindi nawawala pagmumukha ko sa news paper nila.  Kadalasan kasi kasali ako sa mga pageants at swerte naman dahil sakin napupunta ang korona. Nahasa na ako simula elementary ako! Bongga kasi eh. Bigatin bawat laban.

Mahaba pa ang hallway dito sa school kaya mahabang lakad ang ginagawa namin ni Tricia. Ang sayang lang kasi ang haba ng lakaran para sa bonding time kaya super duper close kami ni Tricia. Pero may bff sya at ako? Nah, WALA. Mga plastik eh. Hindi ako friendly hindi katulad ng kapatid ko na sya makikipag usap sa iba kahit di nya pa kakilala. Saka sa classroom, hindi kami nagkakausap-usap. Hindi ako pala kibo minsan. Moody kasi ako. Minsang mahiyain? Prangka? Mabait daw? Yan kasi sabi ng iba o dipende sa kaharap kong tao? Higit pa sa lahat, MALDITA daw. Ayos lang, tutuo naman kasi, ayoko makipagplastikan sa kanila. Haha!

Habang naglalakad kami, nauna nang makapasok si Tricia, malapit lang kasi classroom nila. At ako? Yeah.. lakad mag-isa sa hallway kahit nakatingin sila. Lusaw na ako!

Finally, nakarating na ako sa classroom namin. Yung feeling na napatingin sila sakin? Napahinto naman ako tas nagsipag ngitian lahat ng classmates ko sakin. Mga baliw din talaga to. Hanggang sa dumating na teacher namin. Class time!

5 hours later~

Yan.. Eto pinakagusto kong part of schooling, LUNCH TIME! Yup! Matakaw kaming dalawa eh. Hahaha! Umalis na akong classroom para puntahan si Tricia dahil sabay kaming kumakain ng lunch sa canteen. Nung nakarating na ako sa classroom nila, sinalubong ako ng mga classmates nya. Close ko kasi mga batang to at hindi sila suplada sakin. Nahuli daw si Tricia sa activities nila dahil mas inuna pa chismisan. Hahaha! Kahit kailan nga talaga. Sanay na ako. Hahaha!

After 30 minutes, makatapos din sya. Tuwang-tuwa at lunch na daw kaya mabilis kaming pumunta sa canteen. Kilala na kami dun, close na namin mga cook kaya pinagluluto kami ng masasarap na pagkain araw-araw. Pero di ako nagkakanin. Hindi ako sanay. Pati din si Tricia. Puro kami sandwish, fruits, cakes, etc. Mabilis lang kami kumain ni Tricia. Kaya slim kami eh. He he!

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang mga classrooms, medyo unti lang tao? Ay, lunch time nga pala. Haha! At sa hindi ko inaasahan, nakita ko sina Kevin at GF nya na naghahalikan sa isang gilid. Napahinto ako, naramdaman kong nangingilid na luha ko sa mga mata ko. Tumakbo ako sa comport room sabay sara ng pinto habang umiiyak, hinabol ako ni Tricia at bigla nya akong niyakap.

"Alam kong masakit ate, please kayanin mo. Tahan na.."
"Ang sakit sakit talaga bunso eh. Ilang beses ko na syang kinakalimutan pero hindi ko parin magawa. Pagod na kong umiyak. Sobra!"
"Sssshhh.. tahan na ate. Makakalimot ka din. Basta wag mo syang isipin, libangin mo sarili mo, magpakasaya ka, magfocus ka sa studies mo. You don't deserve him ate."
"Pasensya bunso ah? Ang OA ko na kasi.."
"Basta ate, hayaan mo sya. Focus sa pag aaral mo. Forget him. Para naman gumanda ka na ulit ate."

Tutuo nga sabi ni bunso. Hayaan ko na talaga si Kevin. Magfocus dapat sa study dahil bumaba grades ko nito nang dahil sa kakaiyak gabi gabi. Tama si bunso.. eto na ang tinatawag nating.. "MOVE ON"

----------------------------------------------
Pasensya po. Hindi parin po talaga ako ganto kagaling mag isip ng scene. Gagawin ko po best ko para mas mapaganda ko po ito. Thanks for reading my story!

The Unexpected Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon