1

62 3 1
                                    


Pag bukas ko ng aming pinto sa pag uwi ko mula sa paaralan ay nagtataka ako sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking nakatatandang kapatid na si Kuya Kaloy. Ang kanyang pagpapaalam saakin ay hindi daw muna siya uuwi ng ilang araw ngunit nakapagtataka dahil umuuwi naman ang aking kapatid bago mag tatlong araw at ngayon ay nag mamarka na ng isang linggo ang kanyang pagkawala. Hindi siya sumasagot sa aking mga tawag at ang sabi ng kanyang mga kaibigan ay hindi naman daw nila ito nakasama.

Nang malaman ko ang sinabi ng kanyang mga kaibigan ay napag desisyonang kong pasukin ang kanyang silid upang bakasakali ay meron duon na makasasagot ng aking mga katanungan.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang mga nakakalat na kagamitan at mga damit. Nangibabaw sakin ang takot at pag aalala ng inakala ko na naglayas ang aking Kapatid.

Bago pa man ako mag simulang umiyak ay nahagip ng aking mga mata ang isang dilaw na papel. Napagtanto ko na isa itong liham mula kay kuya, at hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad itong binasa.


"Mahal kong kapatid, 

Kamusta ka na Nela? Patawad sa aking pag alis ng walang pasabi. Dito sa liham na ito ay itatala ko sa iyo ang lahat ng aking nalalaman sa pagkamatay ng ating mga magulang. 

Nang araw na namatay ang ating mga magulang, Naabutan ko pa sila sa ating tahanan. Ang ating ina'y ay walanang pulso at kalong kalong ni ama ang kanyang bangkay, habang siya naman ay naghihingalo, ngunit nagawa ko pa na makausap kahit na sandali. 

Si ama ay naghihingalo at hindi na rin aabot sa hospital kung itakbo ko man, kahit alam ko iyon ay sinubukan ko parin na itakbo si ama pero pinigilan niya ako at sinabihang wag na mag-abala na dalin siya sa hospital dahil ilang minuto na lang ay aagawan na rin siya ng buhay at sinabihan akong pakinggan ko nalang ang mga sasabihin niya. Kaya wala na akong nagawa kundi pakinggan na lamang siya. Ini habilin ni ama sa akin na alagaan at protektahan ka, at humingi siya ng tawad dahil sa tingin niya ay kasalanan niya ang mga nangyayaring ito. Sinabi niya sa akin na dapat tayong umalis sa ating tirahan at lumipat kung saan hindi tayo makikita o mahahanap ng mga hindi maipaliwanag na nilalang. Dahil sa kagustuhan at habilin ni ama eto ang naging dahilan ng pag tira natin sa puder ni Tiya Kara. 

Ang mga nilalang na pumatay sa ating mga magulang ay ang tinatawag nilang aswang at iyon ay ang pamilya Almogera. Tinuro ni ama sa akin kung saan nakalagay ang libro at binigay niya sa akin ang anting-anting na kaniyang ginamit upang labanan ang mga aswang. Mula noon ay binasa at pinag aralan ko ang libro at ritwal na ginagawa. 

Matagal ko nang pinaplano ang pag balik ko sa ating probinsya at pagtugis sa pumatay ng ating mga magulang. Dahil sigurado ako na tayo ay hinahanap nila at uunahan ko lamang sila sa pagtugis. Alam ko na ang lahat ng ito ay mahirap paniwalaan at iyon ay naiintindihan ko. 

Ang aking mahal na kapatid patawad at nilihim ko sayo ang mga bagay na ito... ngunit gusto ko lamang protektahan ka. Ayoko lang naman na malaman mo ang nakagigimbal na katotohanan at na malagay ka sa panganib. Sana ako'y maintindihan mo. 

Nela ako ay babalik sa ating pinanggalingan at aalamin ang nangyari. Babalik ako doon upang ubusin at bigyan hustisya ang pagkamatay ng ating pamilya. Huwag mo na akong sundan sapagkat ito ay napaka delikado. Pinapangako ko na ako ay babalik diyan kaya wag kanang mangamba sapagkat tayo'y magkikita muli pagkatapos ng aking misyon dito.

At muli ay patawad sapagkat di ko nagawang sabihin ang lahat ng ito nang harap-harapan ngunit sana'y ika'y makaintindi.

Nagmamahal, Kuya Kaloy"

Ang PagpapaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon