“TAY!” tawag ko sa aking ama habang abala sa pag-aani ng mangga. Lumingon naman sa akin si tatay at kumaway. Patakbo akong nagtungo sa kaniya habang bitbit ko ang isang basket na naglalaman ng pagkain.
“Oh, anak, nasaan ang Nanay mo?” tanong ni tatay sa akin habang tinatanggal ang puting tela na nakabalot sa kanyang ulo.
“Nasa bahay pa po, Tay. Susunod lamang daw po siya.” wika ko habang hinahanda na ang pagkain ng aking ama. “Kumain na po kayo Tay, bagong luto po iyan ni Nanay.” nakangiti kong saad.
“Naku, nag-abala pa ang prinsesa ko.” Ginulo ni tatay ang aking buhok saka tumabi sa akin ng upo.
“Ayos lang po iyon Tay, gusto ko po na pagsilbihan kayo.” Nilagyan ko ng kanin ang ang plato ni tatay saka inabot sa kanya.
“Ang bait naman ng anak ko,”
“Mana lang po sa inyo, Tay.” nagtawanan kami ni tatay nang biglang dumating si nanay.“Aba, ang saya naman ng aking mag-ama,” wika ng aking ina. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.
“Nay, halina po kayo,” Tumayo ako at naglakad patungo sa aking ina. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila saka pinaupo sa tabi ni tatay.Masaya kaming kumakain habang nagkukuwentohan. Walang pagsidlan ang saya na aking nadarama ngayon dahil sobrang napaka-suwerte ko sa aking mga magulang. Pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na ang aming pinagkainan. Nagpaalam ako kina nanay at tatay upang maligo sa batis.
“Aprielle, anak, huwag kang tumagal sa paliligo,” wika sa akin ng aking ina.
“Opo, Nay,” tugon ko saka humakbang na palayo sa kanila at nagtungo na sa may batis. Hindi nagtagal ay kaagad din akong umahon mula sa aking paliligo. Muli akong bumalik sa kinaroroonan nina tatay at nanay. Naabutan ko silang abala sa pag-aani ng mangga kaya tumulong na ako sa kanila upang mapadali ang aming pag-aani.Mabuti na lamang at wala kaming pasok dahil araw ng sabado ngayon. Matutulongan ko pa ang mga magulang ko ng gawain sa aming bukid. Habang abala ako sa paghahanda ng aming babaonin ay nakita ko mula sa bintana nitong aming kusina si tiya Roda na pumasok sa aming bahay.
“Abelardo!” tawag niya sa pangalan ng tatay ko, wala pa naman si itay rito dahil maagang pumunta sa bukid. Tanging ako lamang ang naiwan dito sa bahay dahil nasa palengke pa ang aking ina. Dali-dali akong lumabas sa kusina upang puntahan si tiyang Roda.
“Tiyang, wala po si Itay rito. Maaga po siyang umalis patungong bukid.” wika ko kay tiya Roda nang makalapit ako sa kanya. Mataray naman niya akong binalingan saka dinuro niya ako ng abanikong hawak niya.
“Sabihin mo riyan sa Tatay mo na kailangan ko siyang makausap.” mataray na wika nito.
“Opo, Tiyang,” sagot ko ngunit inirapan lamang niya ako bago ito humakbang palabas ng bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago si tiya Roda, lulong pa rin ito sa sugal. Napailing lamang ako saka muling bumalik sa kusina.“Oh, anak, akala ko baʼy nakaalis ka na?” tanong sa akin ng aking ina nang maabutan niya ako sa kusina.
“Eh, Nay, pumunta po rito si Tiya Roda. Hinahanap niya si Tatay, gusto raw niya itong makausap.” wika ko saka muling inilapag sa mesa ang bitbit kong basket.
“Naku, iyan talagang si tiya Roda mo, kukumbinsihin na naman niya ang tatay mo na ibenta itong lupain natin.” Humakbang si nanay palapit sa akin at kinuha ang hawak kong basket na naglalaman ng pagkain ni tatay.
“Dito ka na lang sa bahay, anak. Ako na ang magdadala nito sa tatay mo.” Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.Nang makaalis na si nanay ay inabala ko ang aking sarili na maglinis sa buong bahay. Wala naman akong takdang-aralin kaya magagawa ko ang nais kong gawin. Naglaba ako sa aming poso at naglinis ng buong kabahayan. Maliit lamang ang aming bahay kaya madali lang para sa akin ang lahat. Nagpahinga muna ako nang mapagod ako sa aking ginagawa. Umupo ako sa aming sofa na gawa sa kawayan saka marahang ipinikit ang aking mga mata. Maya-maya pa ay may narinig na akong kumakatok sa aming pinto.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
RomanceApril Salva, isang simpleng babae at nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Subalit sa isang iglap naglaho ang pangarap na iyon ng yumao ang kanyang mga magulang. Inihabilin siya sa kanyang kamag-anak subalit naging kalbaryo ang buhay niya. Lumayas siy...