CHAPTER 4

72 3 0
                                    

DALAWANG buwan na akong nakatira sa poder ng aking tiyahin. Ang buong akala ko ay tutuparin niya ang kaniyang ipinangako sa aking ama na aalagaan niya ako at pag-aralin. Subalit hindi niya iyon tinupad. Bagkus ay ibenenta niya ang buong lupain ng Itay ko at ginastos para sa kaniyang pagsusugal. Sobrang hirap at sakit ang dinanas ko ngayon sa kamay ng aking tiyahin. Inalipin nila ako at ginawang kaawa-awa.

Sinasaktan nila ako kapag hindi ko sinusunod ang kanilang inuutos. Lalo na si Stella, ituring akong parang aso. Pinapahiya ako sa maraming tao. Minsan, naitanong ko sa aking sarili kung bakit ako nasa ganitong sitwasiyon. Gaano ba kalaki ang nagawa kong kasalanan. Bakit ko dinanas ang ganitong paghihirap.

Habang umiiyak sa isang madilim na silid ay tinangka kong tapusin na lamang ang buhay ko kahit alam kong kasalanan ito sa Diyos. Hindi ko na kaya, gusto ko na lang na mamatay kaysa maghihirap ako. Nang akmang sasaksakin ko na sana ang aking sarili sa hawak kong patalim, ngunit biglang bumukas ang pinto. Nagulat man ngunit galit ang nababanaag ko sa mukha ng aking tiyahin nang mabungaran niya ako. Mabilis siyang humakbang palapit sa akin at inagaw ang hawak-hawak kong patalim.

“Gusto mo na bang magpakamatay, Aprielle!” sigaw nito sa akin kasabay ng kaniyang paghablot sa aking buhok. Napaigik ako dahil sa sakit na aking naramdaman. Kinaladkad niya ako palabas ng silid at dinala sa likod ng bahay. Tiniis ko ang sakit, pakiramdam ko ay pati ang buong anit ko ay matatanggal na.

“Ito naman ang gusto ninyo, hindi ba, Tiyang? Kaya hayaan nʼyo na akong mamatay!” sigaw ko sa kaniya kaya pabalang niya akong binitiwan dahilan ng aking pagkasubsob sa simento.
“Huwag mo akong gawing kriminal!” nanlilisik ang mga mata nitong sigaw sa akin.
“Bakit, inosente pa ba kayo sa ginagawa ninyo sa akin, Tiyang! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo at pinapahirapan ninyo ako ng ganito. Naging mabuting kapatid sa inyo si Tatay, nangako pa kayo sa kaniya na aalagaan nʼyo ako ng mabuti at pag-aralin. Pero ano itong ginagawa ninyo sa akin, inalipusta at ginagawa ninyo akong alila at sunod-sunuran sa inyo na parang aso.” mahabang wika ko habang humahagulhol.

“Tumigil ka!” Sabay sampal sa akin ng malakas na siyang ikinabaling ng mukha ko sa kabilang side. Sapo ko ang aking pisngi habang patuloy na umiiyak. Samantalang ang kaniyang anak na si Stella ay pinagtatawanan lamang ako. Natutuwa pa siya sa ginagawa ng kaniyang ina sa akin. Ni katiting na awa ay wala man lang akong nababanaag sa kaniyang mapanghusgang mga mata. Masyadong malupit si tiya Roda sa akin, minsan pinapakain pa nila ako ng panis na kanin. Trinato nila ako na parang baboy. Pero mas mabuti pa ang mga baboy nakakain ng maayos samantalang ako makakakain lamang kapag may tira silang pagkain.

“Ito ang tatandaan mo Aprielle, hinding-hindi ka na makakaalis sa sitwasiyon mo ngayon dahil  habang buhay ka nang ganiyan!” galit na sigaw nito sa akin. Humakbang ito palayo sa akin at pumasok na sa kanilang bahay habang ako ay nanatiling naka-luhod sa lupa.
Hindi ako makapapayag, kailangan kong makatakas sa impyernong bahay na ito. Sobrang hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila sa akin.

“Tulongan po ninyo ako Inay, Itay,” walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Nanatili lamang akong nakaluhod sa lupa kahit ramdam ko na ang hapdi at kirot sa aking tuhod.
“Hoy! Hindi ka na maririnig ng mga magulang mo dahil matagal na silang nakabaon sa lupa.” tiningnan ko nang masama si Stella, habang aliw na aliw ito sa ka-pi-picture sa akin.

NANG gabing iyon ay lumayas ako sa impyernong bahay ng aking tiyahin. Pumunta muna ako sa dati naming tinitirhan ngunit may iba nang nakatira roon. Isang masaganang luha na naman ang umagos sa aking mga mata. Miss na miss ko na sila inay at itay. Naalala ko pa noon na palagi kaming nakatambay sa lilim ng puno na iyon, masayang nagkukuwentohan at nagbibiruan. Nakaramdam na naman ako ng pagkirot sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan, sa tuwing nalulungkot ako ay kumikirot ang puso ko.

Hanggang Kailan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon