Chapter 6

3.9K 119 14
                                    

“Kai, pumunta ka sa office pinapatawag ka ng bagong manager natin.” bungad sa akin ng kaibigan ko, oo nga pala, wala na si panot. Nginitian ko siya bago tumuloy.

Naglakad na ako papunta sa opisina ng bagong manager namin, sana mabait hindi katulad nung lahi ni avatar, kulang nalang guhitan ko ‘yon ng arrow sa tuktok ng ulo.

Nasa tapat na ako ng pinto at huminga muna ng malalim, kaya mo ‘yan. Kumatok muna ako at may narinig ako kaya pumasok na ako.

“Sit, Miss Kyle Vinson.” a man I think in his mid 30’s ang nakita ko, ngumiti siya at mukhang mabait naman dahil magaan ang aura ko sa kaniya. Nginitian ko rin siya at umupo sa harapan niya.

“I’m Dionysus Magallanes, you can call me ‘Dio’ nalang not manager or any fancy call.” sabi niya, tumango lang ako.

“Bakit niyo po ako pinapatawag?” tanong ko, pinagsaklop niya ang mga palad niya at pinatong sa ibabaw mg lamesa.

“We need to talk about something, the owner of this shop ay nangangailangan ng magta-trabaho sa kaniya, and sabi niya ikaw daw ang piliin ko.” he said, napakunot naman noo ko, ano raw? Natahimik kami at nakatingin lang ako sa kaniya, gano’n din siya sa akin, blink twice if you need help, Kai.

“Ha?” ‘yan nalang ang nasabi ko.

“Hatdog.” sagot naman niya at tumawa lang habang ako seryoso na nakatingin sa kaniya, bakit baliw yata mga tao ngayon?

“Hahambalusin kita.” I blurted out, shit nakalimutan ko manager pa rin siya, huminto siya at ngumiti lang sa akin sinasabing ayos lang.

“Don’t worry, I think mataas naman ang ibibigay sa’yo ro’n, ano okay ba sa iyo?” dagdag niya pa at parang kinukumbinsi ako, napaisip naman ako.

“Kailan po ba ako pupunta?”

“Ngayon, may susundo sa’yo.” sagot niya, wait! Agad-agad? Hindi ba pwedeng bukas or sa susunod na?

“Sige, siguro payag kana, pumayag kana kung hindi baka pasabugin niya ang ulo ko.”  hindi ko maintindihan ang sinabi niya bandang dulo pero satingin ko parang natatakot siya.

“Okay, pasabi nalang kung susunduin na ako.” sabi ko at nakita ko lumiwanag ang mukha niya, kinamayan niya ako bago umalis.

Nandito ako ngayon sa labas, sabi hintayin ko raw dito, e, ang tagal naman bakit kasi filipino time! I’m impatiently waiting outside and tapping my shoes. May humintong van sa tapat ko, tatakbo na ba ako? Napalunok ako at medyo kinakabahan. Shit, I can't move sana naman hindi ako kuhain, wala akong pantubos!

May lumabas sa driver seat na naka itim na polo at lumapit sa akin, seryoso lang siya at napaka manly ang hitsura, matangkad siya hanggang dibdib lang ako. Huminto siya sa tapat ko.

“Ikaw ba si Kyle?” malamig na tanong niya, nakatingala lang ako, I gulped.

“Y-yes, M-mr.” utal kong sagot at nakatingin lang siya sa akin, shit mukha naman akong kakanin nito.

“Oh My G! Ikaw pala ‘yan, infierness gandara si ateng!” biglang naging pambabae boses niya at hinawakan ang buhok ko, may pahawak hawak pa siya sa bibig niya, my jaw dropped.

“Gorabels at baka ma-jombag aketch ni Miss Gorgeous! I’m John sa umaga at Joanna sa gabi.” hinawi pa niya ang buhok niya na kunwari mahaba, nakatingin lang ako sa kaniya at bigla niyang hinila ang braso ko para pumunta sa sasakyan.

Habanb nasa biyahe tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, kinukwento niya about sa mga naging boyfriend niya.

“Straight ka ba?” tanong niya habang ang mamaneho.

“Oo naman, kala mo sa akin.” sagot ko, napaisip naman ako.

“Wehhh, I smell something....hmm ayoko nalang mag talk.” sabi niya.

Nang makarating na kami, nalula ako dahil sa taas ng building, ang tataas.

“Miss girl, tara na pasok na tayo.” yaya niya at sumunod naman ako, nakakakapit lang siya sa braso ko, shemay nagmumukha akong tingting dahil sa kaniya. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang pinakamataas na floor.

Nang makarating na kami huminto kami sa isang malaking kwarto at kumatok naman siya.

“Madzam here na si baby girl!” sabi niya, ano? Baby girl daw? Nakatalikod ‘yong swivel chair kaya hindi ko makita kung sino ‘yon, unti-unting humarap ‘yon at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Siya!? Akala ko biro-biro lang na siya ‘yong may-ari nung shop? Nakatulala lang ako sa kaniya, at ganoon din siya sa amin, ang hot.

“John.” saway niya at biglang bumitaw sa akin itong katabi ko.

“Sorry na, ito na lalabas na po, babush!” paalam niya at lumabas sa pinto, sandali! Ano? Iiwanan lang niya ako rito? Nakalabas na siya at kami nalang dalawa.

“Why don’t you come here, I won't bite.” narinig ko siya, at tumitingin lang sa papel, lumapit naman ako at umupo sa couch.

“Not in the couch, sa tapat ko.” malamig na sabi niya, pare-parehas lang naman inuupuan ‘to, I mentally rolled my eyes, lumipat ako sana naman masaya na siya.

Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin, nagsusukatan lang kami ng tingin, bakit naman ganiyan siya ka ganda.

“Pag uusapan natin ang magiging trabaho mo.” sabi niya at tumango lang ako.

“Follow me.” tumayo siya at ako rin, lumabas kami sa kwarto at sumakay sa elevator. Bumukas at napunta kami sa parking lot, aalis nanaman? Sinundan ko lang siya, ang bilis naman maglakad nito.

Huminto kami sa isang sasakyan, may logo ng kabayo. Pumasok siya sa loob at ganoon din ako. Tahimik lang siya na nag d-drive at ako naman ninanakawan siya ng tingin.

Huminto kami sa isang condo? Pero bakit ano gagawin ko rito? Bumaba siya at ganoon din ako, kahit hindi ko alam ang nangyayari sumunod nalang ako.

Pumasok kami sa elevator at may pinindot siya na floor, hindi ko nakita. Nang makarating na kami bumungad sa aki ang malaking kwarto, hindi biro ang laki nito kumpara sa iba.

She swipe the card and open the door, pumasok naman kami sa loob, I roam my eyes around, ang ganda. Kitang kita ko ang siyudad.

“Kailangan ko ng taga linis.” narinig ko siya at  nasira naman ang iniisip ko, ano raw? Tagalinis? I laughed.

“What’s funny?” seryosong tanong niya, I compose myself.

“Ano taga linis? Pinapunta mo lang ako para riyan?” she nodded, unbelievable.

“Huwag na, aalis nalang ako.” lalabas na sana ako bigla siyang nagsalita.

“Fifty thousand or one hundred thousand a month with bonus.” napahinto ako at tumingin sa kaniya, naka upo siya habang naka cross legs, ano?

“At ano naman ang bonus?” tanong ko.

“Engagement.” sagot niya, siraulo ba ‘to?

The Obsessed Goddess Where stories live. Discover now