Chapter 11

3.4K 87 2
                                    

It's been 2 months simula nag trabaho ako sa kaniya and there's a development naman sa pagsasama namin, bibihira nalang kami mag talo minsan wala talaga as in.

Natutuwa rin naman ako dahil kahit papaano napapalapit na ako sa kaniya, pero minsan nakakaramdam na ako ng kakaiba at sa totoo lang medyo natatakot ako.

Kung dati kapag nakikita ko siya halos maalibadbaran ako pero ngayon, I’m craving more of her presence and I think it's unhealthy to me.

Dating clinginess niya na kinaiiritahan ko, nasasanay na ako ngayon pa unti-unti.

Saan naba kasi ‘to patungo?

At dahil weekend ngayon Saturday to be exact, nasa condo niya lang kami, nasa couch at ang lola niyo nakahiga lang sa lap ko while me nagbabasa ng mga magazine.

“Hey, kwento ka nga sa sarili mo, I want to know you better.” tawag niya sa akin, sinara ko naman ang binabasa ko at nilapag sa tabi.

“Ano gusto mo malaman?”

“Anything, likes, dislikes. I know naman na pagdating sa likes nangunguna ako.” confident niyang sabi, natawa lang ako.

“Taas naman ng bilib mo sa sarili ah, pero sorry ka, si Hermione and nangunguna sa like ko.” ang ganda niya huhu.

“Bata pa si Hermione, kay Anastasia ka nalang.” she wiggle her eyebrows.

“Ayoko, matanda na ‘yon balita ko.” pang aasar ko at sumama naman ang timpla ng mukha niya.

“She’s 30 years old, okay? Hindi ganoon ka tanda.”

Ngayon ko lang nalaman ang edad niya and to be honest, hindi siya mukhang 30, 40 pwede pa, chos.

“22 palang si Kyle, pwede naba sa kaniya?”

“Duh, siya lang naman hinihintay ni Anastasia.” actually, natutuwa ako dahil nakakasabay na rin ako sa biro niya pero, huwag naman sana na ako ‘yong umasa sa huli.

Mesheket teh.

“Pero, paano nga kung mahulog siya, sasaluhin niya kaya?” I blurted out, ewan ko kung saan ako nakakuha ng kapal ng mukha para sabihin ‘yon. Bumangon siya at tumingin sa akin.

Kinakabahan ako.

“Anastasia said, she's ready.” nakatingin pa rin ako sa kaniya at siya ngumiti lang sa akin. Bakit gumaganda yata siya lalo?

“Is she afraid that she might be left alone?” dagdag niya pa, I can feel her sincerity in her voice.

“Yes, natatakot siya na baka iwanan din siya gaya ng magulang niya at maging mag isa sa huli.” lumambot naman nag expression ng mukha niya, she caresss my cheeks gently.

“Don’t worry, she’ll never leave her.” hindi ko alam pero meron sa loob ko nagsasabi na dapat akong magtiwala sa kaniya.

“Kapag ipinagkatiwala niya ba buong buo ang sarili niya, hindi ba niya sisirain?” I ask her once again, hindi niya pa rin pinuputol ang tingin niya sa akin.

Huwag kang ganiyan, baka ibigay ko talaga sarili ko.

“Ibibigay din niya sarili niya, sobra-sobra pa.” napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

“But, can Kyle do everything for her?” her question caught my attention, thinking of things I can do for her. Huminga ako ng malalim.

“Kahit ka isa-isang potato chips niya, ibibigay niya, gano’n siya magmahal, e.” sagot ko naman, dahil ngayon lang naman ako nakaramdam ng ganito, lulubusin ko na.

“Puro ka talaga kalokohan.” sabay irap niya sa akin. Mas mahal ko talaga ang potato chips ko hehe.

“Seryoso naman.” bwelta ko pa, pero iniisip ko pa rin ang sinabi niya, omg ganito ba ang confessing? charot.

Ayoko naman masayang ang weekends namin kaya yayayain ko nalang siya lumabas. Malaki na rin naman naipon ko dahil sa sweldo niya, balak ko ipagpatuloy pag aaral ko, siguro next year nalang.

Dahil din siguro riyan kaya ko tinanggap ang offer niya.

“Tara date tayo.” yaya ko sa kaniya, to be honest wala akong alam kung ano ginagawa sa date hehe. Nanlaki naman ang mata niya parang hindi makapaniwala.

“R-really?” tanong niya at tumango lang ako. Ang lakas ng loob ko ngayon ah, biglang may pumasok sa isip ko na kalokohan.

“Pero, ganito ang gagawin natin.” she looks at me confused pero nginitian ko lang siya.

“What!? Bakit shark costume?” reklamo niya habang tinitignan ang costume na binigay ko.

“Para unique! Fancy dates are overrated, let's try something new!” masiglang hayag ko.

Hinihintay ko ang sagot niya na parang pinoprocess pa rin ang lahat.

“Fine, I would love to try something new din naman.”

“Ugh! Pag tayo nag mukhang katawa tawa, humanda ka sa akin.” hindi maiwasan matawa dahil sa suot namin. Para kaming baby shark! Siya ‘yong mommy syempre ako ‘yong baby.

“Wala naman makakakilala sa atin.” sabi ko naman, naka costume na kami at nakaharap sa salamin.

“Tapos, mag lalakad tayo papuntang park.” dagdag ko pa, alam kong naiinis na siya.

“What!? No! Ayoko mabawasan dignidad ko.”

“Duh, naka costume ka naman kaya walang makakakita sa’yo, tara na!” sabi ko sa kaniya habang inaayos nag suot ko.

Baby shark dududududu

Labag sa loob niya na lumabas kami ng unit niya na gano’n ang suot. Ramdam ko ang tinginan ng mga tao pero wala akong pake, hinawakan ko naman ang kamay niya.

Finally, I found someone who can ride my weirdness.

The Obsessed Goddess Where stories live. Discover now