Chapter 17

2.9K 74 3
                                    

I slowly opened my eyes at bumungad sa akin ang puting kisame, may naririnig din akong tunog ng machine. I scan the place, tumingin ako sa tabi ko at nakita ko ang babaeng natutulog, dito talaga siya natulog hindi ba nangangalay leeg niya?

Inayos ko ang buhok niya na nakaharang sa mukha, ang ganda niya talaga, nakangiti akong pinagmamasdan siya. Hindi siya makabasag pinggan kapag natutulog, ang amo kala mo hindi dragon pag gising.

I can't see any imperfections, she's perfect, I sadly smiled, she's way out of my league.

Sabagay, if she doesn't feel the same way about me, okay lang naman, right? At first, hindi naman niya obligado i reciprocate ang nararamdaman ko. It doesn't mean that I like her, she needs to like me also.

Ayokong gustuhin niya rin ako dahil lang sa gusto ko siya, I want her to like me dahil ‘yon ang nararamdaman niya.

“Ang ganda mo.” mahinang usal ko.

Tinignan ko ang nasa ilalim ng kumot ko, naka hospital gown pala ako kaya pala ang comfy, pwede ba i-uwi?

She's mad at me, right? Dapat hindi ko siya ginagalit, I know she's tired from her work.

Napansin kong paunti-unting bumukas ang mga mata niya, nakangiti lang ako habang nakatingin sa kaniya, bigla siyang bumangon.

“Are you okay? Thirsty? Hungry? Tell me, Kai, okay?” may pagaalalang tanong niya, please, Anastasia, huwag ka naman ganiyan kaya mas lalong hindi ko nagpipigilan nag sarili ko na gustuhin ka.

Nakatingin pa rin ako sa kaniya.

“Water nalang.” sabi ko at agad siyang pumunta sa dispenser. Pagkabigay niya sa akin agad akong uminom.

“Tatawag lang ako ng doctor.” tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto.

Makaraan ang ilang minuto bumalik na siya kaya agad akong napaayos ng higa.

“How is she, doc?” tanong niya, nakikinig lang ako sa kanila.

“She’s okay na, pwede na siyang umuwi mamaya.” sabi niya, buti naman, ayoko na rito.

“What happened to her pala doc?”

“Overfatigue.” he said at tumingin naman sa akin si Ana, hindi ko alam kung ano ekspresyon niya.

“Dahil ata sa sobrang pag t-trabaho kaya nangyari sa kaniya, ’yon. Nabugbog ang katawan niya ng sobra kaya nagkaroon siya ng mga pasa.” litanya niya, hindi ko maiwasan maguilty, I saw she clenched her fist.

“O-okay, doc. Thank you.” sabi niya at umalis na ang doktor, patay.

Pauwi na kami pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Hindi siya nag d-drive, remember ‘yong sumundo sa akin no’n? Si John sa umaga at Joana sa gabi.

Nang makarating na kami sa unit niya, hindi niya pa rin ako kinakausap, nakaupo lang siya sa couch. What an idiot, Kyle. Huminga muna ako ng malalim at nilapitan siya.

“Explain.” malamig na sabi niya, at agad akong umupo sa tabi niya.

“T-the doctor is right, I-i over work myself.” mahinang paliwanag ko at nakayuko lang.

“Why?” tanong niya, kumuha muna ako ng lakas ng loob.

“Nahihirapan akong sabihin.” totoo naman, I’m having a hard time to express my feelings.

“I need you to tell me, why.” may diin sa tono niya.

“C-cause I want to be the best for you.” I bit my lower lips, please, don't breakdown.

“I-I can't say kasi natatakot ako, kung sasabihin ko man sa’yo, gusto ko sana may maipagmamalaki na ‘ko.” ang tanga ba ng rason ko?

“H-hindi ko naman dapat ‘to maramdaman but, I can't stop myself.” unti unti akong tumingin sa kaniya.

“Stupid.” I heard she said, hindi naman ako nasaktan, totoo naman.

“Idiot.” dagdag niya pa, kaya kong tanggapin ang lahat.

“Hindi mo ba alam kung gaano ako nag alala sa’yo.” halatang naiinis na siya, hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot.

“Do you think that hindi ka pa best sa akin.” biglang may kung ano sa loob ko na nabuhayan.

“I saw all your hardworks,” she clenched her fist, “that made me proud of you.” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

“I hate seeing you like this! Ayokong napapahamak ka dahil sa mga iniisip mo. If you think that you're not good enough, then let me slap you!” nakaramdam naman ako ng palad na dumapo sa mukha ko, baliwala ang sakit, tumingin ako sa kaniya at nakita kong namumula na mga mata niya, did I made her cry?

“tell me, ‘yan lang ba ang rason?” tanong niya pa. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin.

“I—” I close my eyes, sabihin mo na, Kai, para wala kang pagsisihan, bahala na kung ano maging resulta, at least, nakaamin ka.

“I like you.”

The Obsessed Goddess Where stories live. Discover now