Chapter 7

3.5K 96 2
                                    

Hindi ko alam kung ano trip nitong babaeng 'to, kung hindi lang sana siya maganda baka ano, ano.

Wala lang.

"Are you effing kidding me?" I asked her but she looks unbothered dahil sa sinabi niya, engagement, huh.

"Sorry kung mang t-trip ka, huwag ako, bye." paalam ko sana sa kaniya at naglakad pa punta sa pinto. Bubuksan ko sana ang pinto pero ayaw mabuksan kahit pihitin ko ang lock, ayaw pa rin!

"Bakit ayaw mabuksan?" nakakunot na tanong ko, she just shrugged her shoulders.

"I don't know, pumayag ka raw muna." sagot niya, mahabagin sana mabigyan pa ako kahit kaunting pasensiya sa babaeng 'to.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko habang ang babaeng 'to nakaupo lang at tinitignan ang mga kuko niya.

Pero, pera rin 'yon, Kai. Huwag mo nalang isipin ang kabaliwan ng babaeng 'yan.

Huminga muna ako ng malalim at pilit pinapalkma ang sarili.

"Fine, pumapayag na ako." sagot ko at bigla niya iniangat ang ulo niya at ngumisi sa akin.

"Good, now pag-usapan na natin ang trabaho mo." sabi niya at lumapit ako sa kaniya, naupo rin ako.

"Stay in ka." narinig ko siya, ano raw? Stay in?

"At bakit naman?" tanong ko, jusko hindi nga ako makatagal kahit isang minuto sa babaeng 'to tapos stay in pa?

"May problema?" biglang nag-iba ang aura niya kaya umurong ang dila ko, kaya umiling nalang ako.

"Good, then feel free to use everything, kung ano sa akin, sa'yo na rin maliban lang sa kwarto na color red, hindi mo pwedeng buksan." she pointed the red door and I nodded

"Eh, saan ako matutulog?" tanong ko.

"My room." sagot niya, t-teka, abuso na 'to, ah?

"A-ano? Ang laki-laki ng lugar mo tapos sa kwarto mo lang ako matutulog? Mas pipiliin ko nalang matulog sa couch." para naman nalungkot ang mukha niya.

"Ayaw mo ba akong katabi?" may lungkot sa boses niya at nakayuko ang ulo niya, jusko bakit na ko-konsensya ako?

"Sige na, hindi na kita pipilitin, sorry kung-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na.

"Fine! Oo na, payag na ako." I frustrated said, iniangat niya ang mukha niya at bumalik nanaman sa pagiging mataray.

"Good, papayag ka naman pala." she rolled her eyes, mas mabilis pa sa light kung mag shift ng mood ang isang ito. Marami pa siyang sinabi, blabla.

"Gets?" 'yan nalang ang naintindihan ko, at tumango ako.

"Teka, ano meron sa pulang kwarto na 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Nothing, mahahalaga lang." she said but hindi ako kumbinsido, pero ayoko naman mangialam kaya tumango nalang ako.

"Kailan ako magsisimula?" tanong ko sa kaniya.

"Ngayon." sagot niya, kailan ba ako hindi bibiglain ng babaeng 'to?

"And.... ngayon ka rin lilipat." ngumiti lang siya na para bang wala lang sa kaniya ang lahat, I sighed, hindi talaga ako mananalo.

"Fine, just let me get my things." tumayo ako at tumayo rin siya.

"Oopss, huwag mo akong pipigilan." pagpipigil ko sa kaniya.

"Duh, bubuksan ko lang naman ang door, ayaw mo ba?" mataray na sambit niya, okay pahiya ako ro'n ah.

Bakit nung ako bumukas ng pinto, ayaw?

"Have you heard about lock?" tanong niya, is she insulting me?

"Whatever." sabi ko sa kaniya at nilagpasan siya.

The Obsessed Goddess Where stories live. Discover now