Simula

9K 94 3
                                    


Minsan lang sa buhay ang maikasal sa taong mahal mo. Sa taong handa mong ibigay ang lahat. Marriage is a sacred thing for me. Gaya nga ng sabi ng ilan hindi ito kanin na kapag sinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo na lang.

Kaya masaya ako! My happiness is beyond infinity. Finally! Maikakasal na ako sa lalaking matagal ko ng pinangarap. Sa lalaking buong buhay ko atang tiningala at ngayo'y abot kamay ko na.

To my man, Aaron Paul Delacruz. I'm excited but I can't help but to feel nervous too. Magkahalong saya at lungkot pero namumukod tangi ang saya na nararamdaman ko ngayon. 

"Wow! bespren! Iba pala talaga kapag ikakasal! Nagmuka kang taong hinulog sa langit." Natawa na lang ako sa reaksyon ni Polo kahit pa alam kong inaasar lang ako nito. He's my best buddy. Magkababata kami. Actually hindi siya supportive sa maagang pagpapakasal ko. 20 yrs old pa lang kasi ako at hindi ko pa natatapos ang pag-aaral ko. Hindi naman din ako buntis para magpakasal ng maaga. Pero ito ang gusto ko. Matapos akong ayain ni Aaron na magpakasal di na ako nagdalawang isip na umoo. My parents had doubt also pero nagawa parin nila akong suportahan.

"Salamat bespren!" Sabi ko dito.

"Selfie tayo bespren!" Sabi nito sabay kuha ng phone nya at tapat sa mukha namin.

"Ready na po tayo in 20 minutes!" Sigaw ng coordinator.

Bumaba na ako sa lobby ng hotel na tinutuluyan namin. Isa ito sa mga hotels na hawak ng papa. Agad kong nabungaran si papa na ngiting-ngiti. Si mama naman ay nagpipigil sa pagluha dahil baka masira ang make-up nito.

Nang makarating kami sa simbahan ay hindi masidlan ang kabang nararamdaman ko. There was this thought na tila gusto kong umatras. Huminga ako ng malalim. Binuksan na ang pinto ng simbahan. Nagliwanag ang paligid ko lalo na nang matanaw ko ang mapapangasawa ko. Nakayuko ito at mukhang malalim ang iniisip.

Kinakabahan din siguro siya?

Dahan-dahan na akong magsimulang maglakad. Kasama ko ang papa na siyang mag-aabot ng kamay ko kay Aaron. Kumpleto ang lahat. Ang pamilya ko at ang mga Delacruz. Lahat sila suportado sa kasalang ito.

Pinigilan kong maluha.

"Take care of my daughter Aaron." Tango lang sinagot ni Aaron. Nagtataka man ako sa ikinikilos niya ay isinawalang bahala ko lang. Baka nga kinakabahan siya? Nanatili kong hinuhuli ang mga mata nito pero hindi talaga nito magawang tumingin.

Nagsimula na ang seremonya. Nagtanong si father kung mayroong tumututol. Kinabahan pa ako nang biglang tumahimik at biglang pumailanlang ang ubo ni Polo. Natawa tuloy kami maliban sa katabi ko na parang wala ang focus. Isinantabi ko ang panlalamig ko. Buong oras kong tinitigan si Aaron hanggang sa nagtanong na si father.

"Do you take Aaron Paul Delacruz to be your husband? Do you promise to be there to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days in your life?"

Ngumiti ako at tumingin kay Aaron. Sinalubong nito ang tingin ko kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Finally!

"I do." Sagot ko.

"Do you take Isabella Graciella Mendoza to be your wife? Do you promise to be there to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days in your life?"

Tinignan ko si Aaron habang naghihintay ng sagot niya. Agad akong kinabahan nang nakita ko kung paano ito lumunok na parang nahihirapan sumagot.

He is probably just emotional right? Kumbinsi ko sa sarili. Pero unti-unti akong nilalamon ng takot nang ilang minuto pa siyang hindi makasagot at inulit na ni father ang tanong. Dinig ko nang nagbubulungan ang nga tao. I even heard his mom getting his attention. Why? What's wrong?

Chains Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon