K4

2.9K 98 21
                                    

Parehong hindi maipinta ang pagmumukha namin ni Polo pagbaba ng van. Today is doom's day! Or rather doomed day!

Langhap na langhap ko ang pollution ng kamaynilaan. Namimiss ko na tuloy ang bahay ko sa villa. Kahapon lang ulit ako nakadaan doon para kuhanin ang ilan sa mga gamit ko.

We are infront of a two-storey apartment. Dito ako nakatira noong nag-aaral pa ako. There are a lot of memories stuck in here, ayoko na sanang dito manuluyan kaya lang...

"Pinasasabi pala ng daddy mo na tumawag ka kapag nakarating na kayo rito. Oh paano Graciella, mauna na ako sa inyo ni Polo at ako'y babyahe pa sa probinsya, iyon nga palang sasakyan mo, gusto mo bang ipahatid ko?" Tanong ng driver namin.

"Sige kuya, maraming salamat po, mag-iingat ho kayo."

Saglit kong tinapunan ng tingin ang kabuuan ng apartment mula rito sa labas. I sighed.

"Sigurado kang dito mo gusto manuluyan?" Polo asked. Kanina pa ito abala sa pagtetext, kaya ngayon lang ako pinansin, maubusan sana ng load!

"Bakit? Anong masama?"

"Akala ko ba gusto mo magmove on? Alam mo naman na dito madalas noon si A--"

"Siguro nga kulang pa lahat ng ginagawa ko para makalimot, siguro sa ganitong paraan mas madali ko iyong magagawa. Iyon bang tipong hangga't maaari may sasampal sa akin ng katotohanan, kung kinakailangang may video pa para paulit-ulit kong ireplay kung paano ako iniwan, why not, ganoon ako kadesperadong makalimot, kahit masakit, kung ito lang ang paraan. "

"Video? Gusto mo ng video? Marami akong kilalang may kopya noong kasal--"

"Bwisit ka talaga!" Singhal ko dito.

Literal talagang may video?! Damn Polo! Hindi talaga makausap ng matino, kung hindi ko lang kailangan to ngayon, ipapatapon ko to sa amazon river!

"Doon ang kwarto ko sa taas, dito ka sa baba. Mauuna na ako sayo. We need to rest then we'll go to school first thing in the morning, "

Napasimangot na nman ito.

"Do I have to go back to school as well? Di ba pwedeng magtrabaho nalang ako?"

"Nope." Sagot ko dito. Hindi ito sumagot kaya nagdiretso ako sa loob ng kwarto ko.

I roamed my sight around my room. Am I in a middle of moving on? Mag-iisang taon narin naman ang nakakalipas diba? Maybe mom is right. That heartless guy has already moved on, lahat sila nakamove on na, ako nalang ba ang nakastuck dito?

I shook my head.

Hindi dapat iyon ang iniisip ko. I have to protect my freedom. I have to find out who that Montecillo is.

Nakakatanga lang na apelyido lang ang nalaman ko. But I can't fish more informations from dad. Knowing him, maghihinala iyon and worst mabulilyaso ang plano namin ni Polo.

Inayos ko ang bagpack ko. Napabugha ako ng hangin. I can't believe I am really here again! Dito sa eskwelahan na ito kung saan minsan naniwala akong may forever!

"forever..." I smirked.

"Walang forever. Kami lang ata ni Cecilia ko may forever." Dinig kong pang-aasar ni Polo.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Forever agad? Hindi ka pa ng sinasagot, forever na?" Bigla tuloy itong napasimangot kaya tinawanan ko.

Maya-maya ay nagpaalam na ito para pumasok sa first class niya. Hindi naman regular course ang kinuha nito. Vocational lang, something about IT, parang ganoon. We will be staying here for a year or so, hanggang sa matapos ko ang degree ko at makumbinsi ko kung sino man ang Montecillio na iyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chains Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon