K1

2.6K 74 6
                                    

Matulin ang pagpapatakbo ko ng kabayo kong si Bray habang nasa likuran ko si Polo at ang kabayo nitong si Beauty. Walangyang pangalan yan! Polpol talaga itong si Polo kaya napagkaitan ng pangalan ang kabayo niya.

Dinadama ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko. This is life. Napasigaw pa ako. Ito ang buhay ko sa loob ng isang taon matapos akong iwanan sa araw ng kasal ko. Malaya. Pero lahat ng ito ay magbabago kapag umuwi na ang mga magulang ko.

How I wish it wouldn't be sooner! Oh! I shouldn't think about it yet.

"Ho..Bray.." pagpapatigil ko sa kabayo ko saka ako bumaba at itinali siya sa isang puno. Maya-maya ay narinig ko ng dumating si Polo at itinali na rin ang kabayo niya.

Pinagmasdan ko ang ganda ng tanawin dito sa baba ng burol. Yeah..I think I was able to mention that I live on top of a hill. Malaki ang rancho namin dito sa Villa Carmelita. Mas pinili kong sa ibabaw ng burol magpatayo ng mini version ng mansion namin dito sa ibaba.

Nandito kami ngayon ni Polo sa paborito naming tambayan. Sa may batis para narin makainom ng tubig si Bray at Beauty. Fuck! nayayamot talaga ako sa ipinangalan ni Polo sa kabayo niya. Regalo ko kasi sa kanya iyan 2 years ago dahil sa pagiging mabuti niyang kaibigan. Well, masaya pa ako noong panahon na yun, baka pwede ko na bawiin ang kabayo kasi di na ako masaya?

"Ano ng balak mo nyan?" I rolled my eyes. Thought we're done talking about my parent's homecoming. Hindi pa pala nakamove on ang lalaking ito. Siguro dapat iemphasize ko ang period para malaman niyang tapos na ang usapan.

"Wala. "Sagot ko habang nagpupulot ng batong ibabato sa kanya este sa ilog.

"Wala? Alam mo naman siguro kung anong mangyayari sayo kapag bumalik sila. Hindi ka ba nag-aalala na baka ipilit na naman nila ang gusto nilang mangyari?"tanong nito.

"Hindi ko pa iniisip kasi wala pa naman sila." Sagot ko.

"Kailan mo iisipin? Kapag kaharap mo na sila? Tsaka malay mo mamaya nasa mansion na pala sila!"Polo said

"Bwisit ka kapag ikaw nagdilang anghel na naman naku isusumpa kita." Madalas kasi magkatotoo ang sinasabi nitong kumag na to. Paano bago noong kasal ko tanungin ba ako paano raw kung umatras si Aaron oh di ayun nangyari nga!Engkanto ata itong isang to!Ipabasbas ko kaya sa pari?

"Sorry naman! Nag-aalala lang ako sayo. Alam ko kasi kung gaano kahalaga sayo yang kalayaan mo ngayon. Paano kung ipilit na naman nila sayong tapusin ang pag-aaral mo sa Maynila o' iyong kasal?"

"Aww. Katouch. " napasimangot si gago. Bakit ba kasi niya ako pinipilit mag-isip?

"Serysong usapan." Sabi pa nito. Bigla akong bumunghalit ng tawa. At sa kanya talaga nanggaling iyong seryosong usapan huh? Nakakahiya naman sa kanya! Napasimangot naman ito sa ginawa kong pagtawa.

"Fine! Ang naisip kong paraan ay maging isang mabuti at ulirang anak." Sagot ko. Bigla naman akong napasimangot dahil ito naman ang tawa ng tawa.

"Ikaw? Magpapakabait? Guguho na ba ang mundo? Wag muna uy! Di pa nga kami nagkakatuluyan ni Cecilia ko." Tawa parin ito ng tawa. Pumulot ako ng bato at ibabato sana sa noo nito nang manahimik ito.

"Di mabiro. Seryoso ka ba doon?" Tignan mo itong ungas na to. Sabi kanina seryosong usapan. Nung sinagot ko naman ang tanong pinagtawanan pa ako.

"Lilinawin ko. Magpapakabait ako. Pero hindi ibig sabihin na isasapuso ko."

"Ha? Magpapanggap ka?"

"Oo. Naisip ko kasi na baka kapag naging mabait ako, maging maayos ang relasyon ko sa kanila. At kapag nakita nilang nagbabago ako maawa sila sa akin at makonsensya kapag ipinilit nila ang gusto nila."sagot ko

Chains Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon