K2

1.8K 63 2
                                    

Kanina pa ako nagdodora the explorer sa kakahanap sa Polo na iyon! Pagkatapos mag-agahan sa bahay saka sumibad at ngayon hindi ko na makita. Sa kahahanap ko sa hayop na yun ay dito na ako sa bukirin napadpad. Ang buong kabukiran dito sa Villa Carmelita ay pagmamay-ari namin. Well hindi na nakakapagtaka iyon dahil mula sa lolo ng lolo ng lolo ko ang lahat ng tinatamasa naming yaman.

"Mang Estong, magandang umaga ho. Nakita nyo ho ba si Polo?" Tanong ko sa matandang katiwala rin namin dito sa bukid.

"Ay magandang umaga senyorita, aba'y hindi ko nakitang napadpad rine si Polo. " nakakarindi talaga yang 'senyorita' na tinatawag nila sa akin.

"Mang Estong naman, diba napag-usapan na ho natin na wala na hong senyorita? Tunog saging ho kasi." Natawa naman sa akin ang matandang lalaki. Malapit ako sa lahat ng mga tauhan at empleyado sa buong rancho. Hindi kasi ako matapobre gaya ng ilan. Gayoon din naman ang mga magulang ko. Lahi kami ng mga mububuting angkan.

"Sab!!" Oh ayan na pala ang kumag.

"Oh narine na pala si Polo." Dinig kong pagbalita ni Mang Estong.

"Where have you been?" Tanong ko kay Polo.

"Sa plaza! Nagkatuwaan kami ng barkada. At saka alam mo dumaan lang kay Ceciliang aking sinisinta." Hutanes talagang umibig ang lalaking ito nagiging makata!Nakakayamot!

"Tanghaling tapat umaakyat ka ng ligaw? Aba dinaig mo pa intsik niyan ah!" Saway ko dito. Napakamot nalang ito ng ulo.

"Napaghahalataan ka ng namiss mo ko lam mo yun? Ikaw talaga Sab wala pang bente kwatrong oras akong nawawala hinahanap-hanap mo na ako. Kilig much!" ngali-ngaling batukan ko ito.

"Ouch! What was that for?!" Aba matindi umienglish!

"Tigil-tigilan mo ko! Sasamain ka sakin at sa susunod ako na mismo ang magiging dahilan kung bat ka mawawala ng bente kwatro oras, baka forever pa gusto mo?"

"Naman to oh! Di mabiro. Ano ba kasing gagawin natin? I'm ready!" Sagot nito.Ngiting-ngiti pa ito. Bakas sa mukha nito ang pagtataka nang tanggalin ko ang bota ko at itinupi ko ang pantalon ko hanggang tuhod. Nakasleeveless naman ako kaya pwede na. Biglang napawi ang ngiti ni ungas dahil mukhang kuha na nito kung anong gagawin namin.

"Sab namam eh! Don't tell me...dyan? Yan? As in? Under the sun? Oh my goodness! " reklamo nito habang minumwestra ang basang lupa at mga palay.

Ang arte talaga nitong kumag na to! Ayaw na ayaw kasi niyang nagtatanim. Bukod sa nakakadungis raw eh hindi nito matiis ang sakit ng likod niya after. Pero ako nag-eenjoy ako bukod sa natututo ako ay nakakatulong pa.

"Ang arte! Pogi ka?!" Pang-aasar ko dito. Isa-isa na nitong tinanggal ang bota niya at inangat din ang pantalon. Nabilaukan ako ng tanggalin nito ang pantaas niya.Parang gusto ko na lang siyang isako!

"Oh baka malusaw ang bench body ko nyan."  Pwede kayang tsinelasin to ngayon?  At ano raw?! Bench body?!Gutom pa ata ito. Hindi naman ganoon kapangit ang katawan ni Polo pero hindi naman ito mamuscles. Normal lang. Walang tabs and all but totally not a bench body. Kutusan ko kaya ang isang ng matauhan.

Sanay na ang mga magsasaka na nandito kami. Actually I make it to the point na twice a week bibisita at tutulong rito. Today is my charity day. Inaaalay ko ang oras ko sa pagtulong. Bukod dito ay mamaya tutungo kami ni Polo sa isang bahay ampunan para magpafeeding program na linggo-linggo naming ginagawa.

"Mukha kang gago dyan lam mo yun? Bakit hindi ka nalang magpaimpress? Nariyan si Mang Kanor oh!" Sabi ko dito. Paano ba naman panay stretching tapos bibihira yumuko.

Si Mang Kanor nga pala ay tatay ni Cecilia na nililigawan nitong si Polo. Sinulyapan nito si Mang Kanor at ang hinayupak ayan dinaig pa commercial ng enervon sa sigla. Mukha siyang nag-audition sa reality show sa pagiging bibo. Bahala siya!

Chains Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon