Chapter 1

3 0 0
                                    


SUNOD-SUNOD ang luhang pumapatak sa aking pisngi matapos maihatid sa huling hantungan si Tita Mely.

Namatay si tita sa sakit na leukemia. Dahil doon, kailangan kong maghanap ng trabaho upang mabuhay ko ang aking sarili.

Ibig sabihin din n’yon, titigil na ako sa pag-aaral. Hindi ko man lang natapos ang fourth year high school dahil sa nangyari kay tita.

Napalunok ako ng laway nang maalala ang sinabi sa akin ni tita noon.

“Naghiwalay ang mga magulang ninyo dahil may ibang babae ang inyong ama. Patawad kung kayo ang nagsakripisyo sa kasalanan ni Kuya Jessie.”

Magkapatid sina Papa Jessie at Tita Mely. Malaki ang utang na loob ko kay tita. Hindi na siya nag-asawa simula noong kinuha niya ako sa mga magulang ko.

At ngayon, wala na ang kaisa-isang taong nagpalaki at nagmahal sa akin. Simula rin noong nagkaisip ako, sinasabi ko sa aking sarili na hindi na ako magpapakita sa kanila.

Makalipas ang isang linggo, naghanap agad ako ng trabaho. Nag-apply ako bilang saleslady sa isang botika pero wala ng bakante.

Sinubukan ko sa iba ngunit gaya ng nauna, hindi na rin naghahanap ng aplikante.

Kaya naman wala akong nagawa kundi umuwi at magpahinga muna sa bahay. Habang naglalakad, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko si Tita Mely.

“Kailangan ko pa nga ng isa, eh. Kulang pa sila.”

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae na kasalukuyan kong nakasalubong sa daan.

Hindi ko sila pinansin bagkus nagmamadali na lamang akong naglakad upang makarating sa bahay.

“Huwag ka basta-basta susuko, Amara. Kaya mo ’to. Kakayanin mo!” paalala ko sa aking isipan.

Sana nga lang, maging madali ang buhay na tatahakin ko. Dumiretso ako sa kuwarto at pasalampak na umupo sa kama.

Hinilot ko ang sintido nang bahagya itong sumakit. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto.

Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita. Nagtataka man, tumayo na lamang ako upang pagbuksan ang taong nasa labas ng pinto.

“Magandang araw po–”

“Sino po sila?”

“Ma’am, nahulog n’yo po kanina sa daan.”

Kunot-noo kong tinapunan ng tingin ang kanyang kamay. Napalunok ako at mabilis na kinuha ang aking ID.

“Maraming salamat po!”

Ngumiti ang babae. Saka ko lang naalala na siya ang babaeng nakasalubong ko kanina sa daan.

Matapos magpasalamat, nagpasya na akong isara ang pinto ngunit naudlot din iyon nang magsalita ulit ang babae.

“Ma’am, baka gusto mo magtrabaho sa bar.”

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Niluwagan ko ang pinto at buong tapang siyang hinarap.

“Mukha ba akong bayarang babae?”

“Hindi naman po iyan ang ibig kong sabihin, ma’am.”

Marahas akong bumuntonghininga bago isinara ang pinto. Uminit ang dugo ko sa babaeng iyon. Gawin pa yata akong pokpok. Ipinilig ko ang ulo bago bumalik sa aking silid.

Saka ko na iisipin ang trabaho. May iniwan pa namang pera si tita sa akin. Pagkasyahin ko na lang muna.

Kinabukasan maaga pa lang gising na ako. Sinubukan ko ulit maghanap ng trabaho. Sa pagkakataong ito hindi ako nabigo. Natanggap ako bilang cashier sa isang ’di kalalakihang store malapit lang sa eskwelahan na pinasukan ko noong grade six pa lamang ako.

Slave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon