Nagtagumpay ang operasyon ni Marcel pero matinding hirap pa ang pinagdaanan ko makahanap lamang ng malaking halaga.Lumapit ako sa mga magulang niya pero kahit ni peso ay hindi ako binigyan. Magdusa raw kami. Ibig sabihin kahit mamatay pa ang anak nila wala pa rin silang pakialam.
Nakaramdam ako ng inis sa kanila. Sa mga panahong iyon, naalala ko ang aking mga magulang.
May mga magulang na kayang pabayaan ang mga anak alang-alang sa sariling kaligayahan. Hindi ko alam kung bakit nagawa nila ang mga bagay na iyon. ’Di man lang nila iniisip ang nararamdaman ng kanilang mga anak.
Mabuti na lang hindi naapektuhan ang utak ni Marcel.
Dalawang linggo na rin simula ng nakalabas si Marcel ng ospital. Subalit habang tumatagal, napapansin ko ang unti-unting pagbabago ng ugali ni Marcel. Mainitin ang ulo at laging nasa labas.
Minsan inabot pa ng madaling araw bago umuwi. Gaya na lamang ngayon. Pasado alas dose na ng madaling araw pero ni anino niya, hindi ko pa rin mahagilap.
Napalunok ako. Sumikdo ang sakit sa aking dibdib nang maalala kung paano ako babuyin ng matanda, makuha ko lang ang perang pinag-usapan namin.
limampu't libong piso kapalit ng isang gabing pamamalagi ko sa tabi nito. Nilunok ko ang aking pride madugtungan lamang ang buhay ng aking asawa.
Pero wala ng mas sasakit pa sa ginagawa niya sa akin ngayon. Malamig na ang pakikitungo sa akin ni Marcel.
Marahas kong pinahid ang natuyong luha sa aking pisngi bago humiga muli sa kama. Isipin ko na lang na isa lang itong panaginip.
Maaga ako nagising kinabukasan. Balak kong pumunta sa ospital para magpa-check-up. Excited na akong makita ang bunga ng pagmamahalan namin ni Marcel.
Nakaramdam ako ng tampo sa kanya. Unang beses niya itong ginagawa na hindi siya umuwi ng bahay. Masakit pa, hindi man lang siya tumawag o mag-text para hindi ako naghihintay sa wala.
Umuwi rin ako matapos ko mag-prenatal. Nagbilin din ang doktor na hindi ako puwede ma-stress dahil masilan daw ang pagbubuntis ko.
Sigurado akong magugustuhan ni Marcel na magkaroon na kami ng anak. Hindi ko pa kasi nabanggit sa kanya. Balak ko siyang surpresahin.
Dahan-dahan kong pinihit ang pangunahing pinto. Kumunot ang noo ko nang makita ang sapatos na nagkalat sa sahig, hindi lang isa kundi dalawa. Biglang tinambol ng kaba ang aking dibdib nang unti-unti kong inangat ang mukha sa pinto ng aming kuwarto.
Wala sa sariling humakbang ako palapit doon. Palakas nang palakas din ang kabog ng aking dibdib.
“Kailan mo siya iwan?”
Para akong itinirik na kandila na naghihintay lamang itong masindihan. Nanghihina ako. Pakiramdam ko, naubusan ako ng lakas dahil sa narinig.
Iiwan niya ako? No way! Parang may bumulong sa akin na ’wag magpatalo. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang lahat.
Buong lakas kong tinulak ang pinto. Halos huminto ang aking paghinga nang makita ang hubo’t hubad na katawan ni Marcel habang nakapatong sa kaniig nitong babae.
Sandali akong natigilan habang walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Nang makabawi, tiningnan ko siya nang masama ngunit hindi man lang natinag.
“Dumating na pala ang asawa mo, baby.”
Napatingin ako sa babae. “Mahiya ka nga sa balat mo, babae! May asawa na ’yang pinatulan mo!”
“Amara, get out of my house! Hindi na kita mahal!”
Para akong pinagsakluban ng langit sa narinig. I can’t believe na sabihin ang katagang iyon sa akin.
Gano’n-gano’n na lang iyon? Naglahong parang bula ang lahat?
Tinapunan ko ulit sila ng tingin. ’Di man lang siya umalis sa ibabaw ng babae. Talagang ipinamukha niya sa akin na wala na akong kuwenta sa kanya.
Tuluyan na akong humagulhol sa harapan nila. Hindi ako puwedeng umalis lalo na ngayon na kailangan namin siya. Kailangan siya ng baby namin. Kailangan ko siya!
Sa halip na umalis, lumapit pa ako sa kama. Wala akong pakialam kahit kitang-kita ko na ang buong hubad nilang katawan.
Mahalaga lang sa akin ngayon na hindi lumaking broken family ang aking anak.
Gagawin ko ang lahat hindi lang siya magaya sa akin. Kahit nanlalabo na aking paningin dahil sa mga luha na tila ayaw ng mag-paawat sa pagpatak, nagawa ko pa ring lumuhod sa harapan nilang dalawa.
“Marcel, maawa ka sa anak natin. Ayaw kong lumaki siyang sira ang kanyang mga magulang.”
Nagmamakaawa ako pero hindi pa rin siya nakinig. Hindi man lang siya nasasabik na marinig na magka-baby na kami.
“Umalis ka o kaladkarin kita palabas!” singhal niya sa akin.
Umalis siya sa ibabaw ng babae saka dinampot ang nakapatong na tuwalya sa ibabaw ng upuan.
“Leave!”
Napaigik ako nang maramdaman ang mabigat niyang kamay sa aking braso.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagtatanong ang aking mga mata kung bakit niya nagawa sa akin ’to.
Sa huling pagkakataon, muli ko siyang kinausap. Nagbabakasakali ako na magbago ang isip niya.
“Marcel, wala na ba talaga akong halaga sa iyo?”
“I’m sorry.”
Baon ang sakit, walang lingon-likod akong umalis sa kuwarto namin.
Dinala ako ng aking mga paa sa bahay namin ni tita. Gusto kong magwala dahil sa sakit pero wala ring saysay. Kahit anong gawin ko, hindi na ako balikan ni Marcel.
Buong araw akong nagmumukmok sa kuwarto. Wala akong ganang kumain. Wala akong ibang naisip kundi si Marcel.
“Amara! Nandiyan ka ba?”
BINABASA MO ANG
Slave Of Love
RomanceNapilitang magtrabaho si Amara Mendoza sa isang club sa kadahilanang hindi siya matanggap-tanggap sa mga trabahong in-apply-an niya. Hanggang sa makilala niya si Marcel Ocampo-ang lalaking nangakong mamahalin siya at ilayo sa kapamahakan. Paano kun...