Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Walang buhay kong tinungo ang pinto at pinagbuksan ang taong nasa labas.“Ikaw po pala Madam Lennie.”
“Amara, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ng asawa mo. Kung gusto mong bumalik, bukas ang club ko para sa iyo.”
Nangangatal ang aking labi tanda ng aking paghikbi. Umiling ako. Hindi na ako babalik sa lugar na iyon kahit na anong mangyari.
Kaya kong mabuhay nang hindi na bumalik do’
“Salamat na lang po.”
“Ikaw ang bahala. Pero kung kailangan mo ng trabaho, pumunta ka lang doon. Saka, huwag ka masyadong mag-isip. Makalimutan mo rin ang lalaking iyun.”
Tumango ako bilang tugon. Nagpaalam na si Madam Lennie kaya bumalik na rin ako sa aking silid.
Muling tumulo ang luha sa aking mga mata nang sumagi na naman sa isip ko ang nangyari. Sana lang masaya siya ngayon. Sana hindi siya nagsisisi na nagawa niya ito sa akin.
Napangiwi ako nang biglang kumirot ang puson ko. Ngayon ko lang naalala na may inosenteng nadadamay dahil sa kapabayaan ko. Buong araw kasi akong hindi kumakain.
Tinambol ng kaba ang dibdib ko nang napagtanto ko ang ginagawa. Kinapa ko ang pagitan ng mga hita ko.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang dugo mula sa aking kamay. Dala ng takot na baka malaglag ang anak ko, dali-dali akong lumabas ng kuwarto kahit namimilipit pa ako sa sakit.
“Kumapit ka lang, baby. Huwag mo akong iwan.”
Pumikit ako nang maramdaman na naman ang pagsakit ng tiyan ko.
“Pakibilisan naman po!” utos ko sa driver.
Ilang minuto ang matuling lumipas, nasa ospital na kami. Naka-alalay sa akin ang isang nurse. Bumagal rin ang paghinga ko. Para akong mawalan ng ulirat anumang oras. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nagdilim na ang paningin ko.
NAGISING ako dahil sa ingay na nagmula sa labas. Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Puting bubong ang unang bumungad sa akin. Agaran kong sinipat ang sarili. Napalunok ako nang makita ang dextrose na nakasabit sa gilid ng kama.
“Gising ka na pala.”
Napatingin ako sa bukana ng pinto. Nakatayo roon ang isang lalaki habang nakasuot ng puting damit at may istetoskop na nakasuksok sa bulsa nito.
Guwapo at matangos ang ilong. Hindi ko mawari ngunit iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito.
“Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa iyo?”
Umiling ako. “Okay na ako. Ang anak ko?”
“Ligtas na siya,” sagot nito nang hindi tinanggal ang mga mata sa akin.
Nakalabas din ako pagsapit ng hapon. Hinatid ako ni Doktor Troy Villaforte sa bahay.
Hindi ko alam kung bakit pumayag akong magpahatid sa kanya gayong ngayon pa lamang kami nagkakilala.Nagkibit-balikat na lamang ako. “Maraming salamat po sa–”
“It's okay, Amara. Paano, kita na lang tayo sa susunod.”
Nahihiya akong tumango. Pumasok na ako sa loob matapos siyang sumakay sa kanyang kotse.
Inabala ko ang sarili sa panonood ng palabas sa TV. Tama si Madam Lennie, makalimutan ko rin si Marcel. Hindi man ngayon ngunit alam kong darating din ang tamang panahon.
Marahas akong bumuntonghininga bago pumasok sa kusina. Nagugutom ako kaya nagpasya akong magluto. Pero nadismaya ako nang wala man lang akong makitang puwedeng kainin.
Laglag ang balikat na bumalik ako sa sala. Wala rin akong pera. Saan ako kukuha ng pambili kong pagkain?
“Tao po! Amara!” dinig kong tawag sa aking pangalan. Dali-dali akong sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Doktor Troy na nakatayo sa labas ng pinto. May bitbit siyang plastic bag.
Ano kaya ang sadya at bakit siya bumalik? Para masagot ang sariling tanong, pinagbuksan ko na lamang siya ng pinto.
“Dok, bakit–”
“Para sa iyo.”
Inabot niya sa akin ang hawak na plastic bag.
“Groceries?”
BINABASA MO ANG
Slave Of Love
RomanceNapilitang magtrabaho si Amara Mendoza sa isang club sa kadahilanang hindi siya matanggap-tanggap sa mga trabahong in-apply-an niya. Hanggang sa makilala niya si Marcel Ocampo-ang lalaking nangakong mamahalin siya at ilayo sa kapamahakan. Paano kun...