Tinupad ni Marcel ang pangakong dadalaw siya sa bahay. Hindi na rin niya ako pinabalik sa club simula noong kinuha niya ako roon.Tatlong linggo na ang nakalipas. At sa mga araw na nagdaan, hindi ko namamalayan na unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Siguro dahil nagkikita kami araw-araw kaya napalapit agad ang loob ko sa kanya.
Mahirap ipaliwanag pero iyon ang sinasabi ng puso’t isip ko. Alam ko rin na hindi mangyayari ang naiisip ko dahil mayaman siya samantalang ako, galing sa iba’t ibang lalaki ang ikinabubuhay. Masakitan man ngunit iyon ang totoo. Subalit isa lang ang sigurado ako– malinis ako kahit sa bar ako nagtatrabaho.Amara. . .”
Natigilan ako sa pagsubo ng kanin nang marinig ko ang pamilyar na boses.
Nandito na naman ang pamilyar na pakiramdam na tila ayaw akong tantanan.Dahan-dahan akong lumingon para lang magulat. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin bitbit ang isang kumpol ng bulaklak.
Hindi ako nakaimik. Panay pa rin ang paglunok ko ng aking laway.
“Will you be my girlfriend?”
Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Pinahid niya iyon gamit ang hintuturo saka niyakap ako nang mahigpit.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Para akong nananaginip ng gising.
“Marcel,” bulong ko. Narinig ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Kumalas siya mula sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.
“Gusto ko makilala mo ang parents ko.”
“Marcel, sigurado ka ba rito?”
“Yes. And I want to marry you.”
“Marcel, hindi ito biro. Tiyak na hadlangan tayo ng mga magulang mo.”
Kinabig niya ako at hinawakan sa baywang.
Gusto kong magbunyi dahil sa narinig pero natatakot ako sa kung ano ang kahihinatnan nito. Alam kong hindi ako matatanggap ng pamilya niya kapag malaman nila kung saan ako pinulot ni Marcel.
TAHIMIK kong pinagmasdan ang labas ng sasakyan papunta sa bahay nila.
Hindi ako maaaring magpatalo sa takot. Mahal ako ni Marcel at ramdam ko ang bagay na iyon. Sana lang paninindigan niya ang mga salitang binitawan niya sa akin.
“Nandito na tayo,” bungad niya sa akin nang maiparada ang sasakyan sa harap ng malaking gate.
Malaki ang bahay ng mga magulang ni Marcel. May swimming pool at harden sa likurang bahagi ng bahay.
Lumabas siya sa sasakyan saka ako pinagbuksan ng pinto. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob baon ang pangako ni Marcel na ipaglaban niya ako sa kanyang mga magulang kahit ano pa man ang mangyari.
Tama ako. Kailanman hindi nila matatanggap ang katulad kong bayaran. Pero kahit gano’n ang aking trabaho, wala akong inaapakang tao.
Sunod-sunod ang paglunok ko ng aking laway nang makita ang itsura ng kanyang ina.
Titig pa lang nakamamatay na. Maarte at maldita. Sabayan pa na laging nakataas ang isang kilay.
“Are you out of your mind, Marcel? Pakakasal ka sa babaeng bayaran?”
“Mama, mahal ko si Amara. Nandito ako para sabihin sa inyo na pakasalan ko siya at wala na kayong magagawa,” mahinahong sagot ni Marcel sa kanyang ina.
“Alam mong hindi ka puwedeng magpakasal, Marcel!”
Wala akong nasabi sa mga oras na iyon. Yumuko lamang ako at nakikinig sa usapan nilang mag-ina.
BINABASA MO ANG
Slave Of Love
RomanceNapilitang magtrabaho si Amara Mendoza sa isang club sa kadahilanang hindi siya matanggap-tanggap sa mga trabahong in-apply-an niya. Hanggang sa makilala niya si Marcel Ocampo-ang lalaking nangakong mamahalin siya at ilayo sa kapamahakan. Paano kun...