V: Gummy Bears

245 33 0
                                    

I placed another jar of gummy bears on top of Eve's desk. Ubos na kasi yung una ko na ibinigay. This is also my peace offering sa nangyari noong linggo. I got mad when she's just worried for my safety. I also understand kung nahihiwagaan siya sa pagtawag ko sa kanya ng Eve. I'm the only one who calls her by that nickname and hearing Kila says it might have confused her.

It's not Eve's fault. Kaya hindi na dapat ako nagalit sa kanya.

Leaving the room, I went to my locker. Bago na ito at kulay asul gaya ng iba. Naalala ko tuloy na ngayon na ulit papasok ang mga batang pasaway matapos ma suspend ng isang linggo. Habang ako ay may limang araw pa sa paglilinis dito sa school.

Ang unfair. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko.

Matapos makuha ang lahat ng kakailangin, I headed back to Eve's classroom. Dumating na siya at kaswal na kumakain ng gummy bears habang may tinitipa sa loptop niya. Napangiti nalang ako. Paborito parin pala niya ito.

May lumapit na studyante at humingi ng gummy bears. Binigyan naman niya ito at nakangiting bumalik ang estudyante sa upuan nito. May isa na namang humingi ng makitang kumain ang isa hanggang halos silang lahat ay humingi na kay Eve.

Napasimangot ako. Baka maubos nila!

"Professor, pwede ba malaman kung saan yan nabibili?" May nagtanong na isang kaklase.

"Ito? May nagbigay lang sa akin nito," sagot ni Eve.

Sa Larry's Candies & Chocolate ko yun nabili. Malapit lang dito sa school. Sasabihin ko nalang sa kanila mamaya sa labas para hindi nila pagtulongang kainin ang gummy bears na binili ko para kay Eve.

"Kila, pagkakatanda ko may dala ka ring ganyan kanina. Saan mo nabili?"

"Huh?"

"Yung gummy bears."

This feels like a hot seat. Everyone's eyes are now on me. Lalo na kay Eve na muhkang naghihintay din sa sagot ko.

"Ah, doon lang sa Larry's."

"Magkano?"

"450."

Siguro naman hindi ako paghihinalaan ni Eve na ako ang nagbigay ng gummy bears sa kanya? Hindi lang naman siguro siya ang may hilig kumain non dito sa buong eskwelahan? I need to calm down. Ang daldal kasi nitong si Ethan.

"Ay, ang mahal naman!"

Syempre, I wouldn't buy cheap candies for Eve.

Fortunately, the bell rang at nagsimula na ang klase. I can't bear another minute of Eve's stare drilling on my face. I recognize that look too well. She's suspicious. And I don't exactly like being under scrutinize by those two eyes of hers.

Kagabihan, naglilinis ako ng sahig sa music room ng mapansin ang batang lalaki na sumisilip sa bukas na pinto. Nilapitan ko ito at tinanong, "Asan ang kasama mo? Nawawala ka ba?" I looked too my left and to my right pero walang tao.

The kid shook his head and didn't say anything kaya hahawakan ko saan ito sa balikat para igaya sa security guard sa labas. Pero ang kamay ko ay lumagpas lang sa katawan niya.

"Shot, you're a ghost," I said almost breathlessly at napaatras.

"Nakikita niyo po ako." It wasn't a question but a statement. He's smiling!

Tumalikod ako at lumabas sa kabilang pinto at tumakbo.

"Ate, hintay po!"

Gusto ko lang naman ng matiwasay na buhay. Free of stress and problems. Peaceful! But I can't have any of that when there's ghosts wherever I go. Hindi na yata ako masasanay. Ella and Jason can't do anything about it either. If the ghost is not on their list or jurisdiction, they're not allowed to touch them.

She, Who Came Back (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon