VIII: Motocross

182 20 0
                                    


"May allergy po kasi ako sa isda," nahihiya na tanggi ko kay mama sa inabot niya na isda sa akin. Sabay na napatingin naman silang lahat sa gawi ko nang sinabi ko iyon.

"Naalala ko ang anak ko sayo," ani ni mama na ibinalik ang isda sa malaking plato. Escabeche ito. Amoy palang alam nang masarap.

And then a sudden realization hit me - Oo nga pala, nasa katawan ako ni Kila! Which means hindi ako allergic sa isda. Pero huli na para bawiin ko pa ang sinabi. Baka sabihin lang nila na nag iinarte ako.

"Elaine po, diba? I'm actually friends with her," hayag ko.

"Talaga iha?" Namamangha ang itsura ni mama. "May maganda siyang kaibigan pero hindi man lang niya binanggit sa amin," may pagtatampo na himig niya. "Saan kayo nagkakilala?"

Kaagad ako nag-isip ng sagot. "Ah, sa set po ng isang movie."

"Artista ka din?"

"Chicks ka ba ni ate?" singit naman ng kapatid ko. Muntik pa ako mabilaokan.

"Alice!" saway ni mama.

"Bakit? Babaero naman talaga si ate Elaine since iniwan ni ate Devine," may pa ngisi pa siya kay Eve.

Si Eve naman napayuko at nilaro laro ang pagkain niya.

"Hindi," pagtanggi ko kaagad, "friends lang talaga kami ni Elaine. At hindi siya babaero, misunderstanding lang ang lahat dahil sa mga post ng mga derogative tabloids. Alam niyo naman sila, basta may pang click bait." I smiled nervously.

"Oo nga naman," pagtango ni Alice, "Minsan na nga may na link kay ate na lalaki. Si ate nakikipag date sa lalaki? Ang laking joke!"

Ang sarap talaga niyang kurutin sa tagiliran at batukan.

"Alice, kumain kana riyan. Ikaw talaga inaabala mo ang bisita natin," sabi ni Papa at pinasadahan ako nang may paumanhin na tingin. Ngumiti lang ako bilang ganti at ipinagpatuloy na ang pagkain.

The conversation moved on to a more funny stories at hindi na ako ang topic nila kaya nakahinga na ng maluwag. Alas nuwebe na rin ng gabi nang makaalis kami ni Eve sa bahay nila mama at ihahatid na sana ako sa bahay ni Kila nang may tumawag sa kanya.

Naka connect ang cellphone ni Eve sa kotse at naka loud speaker ito kaya rinig ko ang usapan nila ni Rafa.

Apparently, dumating si Sam, whoever that is, at magkikita-kita ang mga kaibigan ko sa barracks. Syempre, hindi pwedeng hindi ako kasali kaya pinilit ko talaga si Eve na isama ako.

Fortunately, after fifteenth minutes ay napapayag ko rin siya. Eve kept talking about how it's late at kailangan ko na raw umuwi. Pero sorry siya, I'm persistent at hindi ko talaga siya titigilan.

Huminto ang kotse ni Eve sa parking lot ng barracks at pagkatanggal pa lang niya sa seatbelt ay may lumapit na kaagad na babae sa pinto. Long haired at boyish manamit ito. Matangkad at may tattoo sa leeg. Pagkalabas sa kotse ni Eve, sinalubong kaagad siya ng yakap ng babae.

"Sino yan?" tanong ko kay Jacob na pinagbuksan ako ng pinto.

"Si Sam," aniya at pasimpleng inakbayan ako sa balikat.

May inis na hinawi ko ang kamay niya. "Kaibigan niyo?" Parang wala ako dito ah, hindi man lang ako tinapunan ng tingin nitong si Sam. Si Eve naman ang laki ng ngiti.

"Oo. Gusto mo ipakilala kita?"

"Wag na. Baka madistubo sila."

Matagal na naghiwalay sina Eve at Sam sa pagyayakapan na tila miss na miss ang isat- isa. Nauna na nga ang dalawa sa paglalakad na parang may sariling mundo dahil puro tawanan at kwentuhan nalang ang naririnig ko. Nakasunod lang kami ni Jacob sa likuran nila at nagtungo sa bench kung nasaan sina Iris at Rafa na kinakawayan kami.

She, Who Came Back (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon