X: City Lights

207 18 0
                                    

"Anong nangyari?" Nahihirapan na umupo ako sa higaan. I feel like my body was beat up. Wala akong lakas. My head tingles. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari sa akin.

Jason and Ella stood from the end of the bed. Marahas silang napabuntong hininga.

I don't like their expression. "Ano na? Nahuli niyo ba?" Please say yes.

"Nakatakas siya."

"Are you two serious?"

"Apat sila," napahalukipkip si Jason at umigting ang panga, "talagang gumawa pa sila ng grupo."

"Grupo?"

"May hinahanap sila sa eskwelahan kaya nila inatake ito. Hindi pa namin alam kung sino o ano. Nakipag ugnayan na kami sa iba pang kasamahan namin at hindi rin magtatagal mahuhuli rin sila. Sa ngayon, wala munang pasok sa paaralan niyo."

"Si Eve. How is she?" My mind flashes back to how she protected me. Her tears stained cheeks. I want to know why she made a such a sad face. "She's okay, right?"

Tumango si Jason at napabuntong hininga naman ako. Salamat naman! I don't know if I can forgive myself kung may nangyaring masama sa kanya dahil sa akin.

"Ikaw, anong narararamdaman mo?" Lumapit si Ella at binigyan ako ng tubig.

"I feel like shit." I noticed I'm in a well lit room. Nakakasilaw nga ang ilaw na pumapasok sa mga bintana. "Asan ba tayo?"

"Yati."

"Yati?" Kaya pala kanina pa kami gumiwang giwang.

"Nagkakagulo sa lungsod ngayon. May mga reporters sa labas ng bahay ni Kila kaya dito ka na namin dinala," paliwanag ni Jason.

Dahan-dahan na bumaba ako sa kama. My knees are shaking pero pinilit ko parin makalabas sa maliit na kwarto. Jason and Ella followed me at the back of the yacht kung saan may two seater na sofa. Pabagsak na umupo ako dito at nasapo kaagad ang ulo nang bigla itong sumakit.

"Ihahanda kita ng makakain," paalam ni Jason at naiwan kami ni Ella na nakatingin sa malawak na karagatan.

"May number ka ba ni Eve?" Alam ko na malabo pero tinanong ko pa rin.

"Wala syempre. Tatawagan mo?"

"I just want to talk to her." At may gusto rin ako na itanong.

"Gaano na ba kayo ka close? Ayaw ka sana niyang iwan sa amin ni Jason. Nagalit pa nga, kailangan ka raw niya dalhin sa hospital. Sinabihan ko nalang na kami na ang maghahatid sayo."

"Really?" Kung tutuusin, Eve and I aren't exactly close. Purely teacher and student lang talaga ang relasyon namin. "Kahit ibang estudyante naman siguro ang nasaktan, magagalit pa din siya. Hindi ba talaga nasaktan si Eve? Pagkaalala ko muntikan na kami mahagisan ng upuan."

"Saktong dumating noon si Oyo."

"Another Grim Reaper?"

"Mas nakakataas."

Dumating si Jason na may dalang pagkain at kape. Nainis pa si Ella dahil hindi siya dinalhan, ako lang. Naglaho ng parang bula si Ella at pagbalik may dala ng pagkain at sinipat pa niya si Jason na napaliko-liko nalang ng ulo.

Dumating ang gabi, nanunuod kami ng balita sa malaki na TV nang may tumawag kay Jason. Gulat ang kanyang naging reaksyon nang sagutin ito at mabilis na lumapit sa amin.

"Nahuli na ang isa sa kanila," anunsyo niya.

"Paano yung tatlo?" kaagad na tanong ko.

"Ini-interrogate na siya para malaman kung saan ang kanilang hideout. Ella halika ka na."

She, Who Came Back (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon