Chapter Three

52 3 0
                                    

Star's POV







Isang linggo na ang lumipas mula nung naospital ako dahil kay Red, mula nung araw na yun hindi nya pa ko kinakausap hanggang ngayon. Hays! Ewan ko ba dun may topak ata. Monday ngayon nasa opisina sya ako naman eto nakatunganga sa may pool wala kong makausap dito dahil wala si Blue at Scarlet. For short iniwan nila ko dito kasama sila Manang Nelia at Ate Rita yung dalawang maid nila. Naisipan kong puntahan nalang sila ate at kuya tutal mukhang mamayang gabi pa naman ang balik nung magkakapatid. Umakyat na ko sa kwarto at nagbihis simple lang suot ko t-shirt na kulay blue at jeans tapos nakaconverse na kulay black ako, hindi nako nagabala pa na magdala ng kung ano tanging pera at cellphone lang ang dala ko. Pagbaba ko naabutan ko si Manang Nelia na nagwawalis sa may sala.







"Manang, pupunta po muna ako kela ate. Babalik rin po ako mamayang hapon"









"Ay osige, pero nagsabi kaba kay Red na aalis ka?"









"Nako! Manang hindi naman po magagalit yun tsaka kela ate naman ako pupunta e"









"Oh siya sige mag-iingat ka"









"Sige po. Salamat" Naglakad lang ako palabas ng subdivison nila, di naman kase uso tricycle dito pano lahat ng nakatira dito e puro naka-kotse. Binati naman ako nung guard paglabas ko ng gate, ngumiti nalang ako kase tinatanong nya rin kung bakit hindi ko daw kasama si Red.





Matapos ang 30 minutes na byahe papunta kela ate. I'am finally here. Pero napansin kong may padlock yung gate namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang # ni ate. Pero hindi sya sumasagot kaya si kuya Sky nalang ang tinawagan ko. Matapos ang ilang pag-ring.









"Hello. Kuya asan kayo ni ate?" Pambungad ko.









"Ay bunsoy si Sunny nasa Laguna dahil sa trabaho nya, ako naman bukas pa ang balik ko dahil andito ako kela Sherine nagbabantay ng tatay nya"









"Ah kaya pala. Sige kuya ingat nalang. Bye" Pagkatapos ay ibinaba ko na. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa harap ng bahay namin. Si ate busy dahil sa trabaho nya manager kasi sya at tingin ko nautusan ng boss nya kaya nasa Laguna yun, Si kuya ko naman nasa bahay ng girlfriend nya si Sherine para bantayan ang tatay nya dahil may sakit. Hays! Ano to forever alone ako? No choice akong bumalik sa bahay nila Red dahil wala rin naman akong mapapala dito dahil hindi ko dala ang duplicate key ko. Pagdating ko sa bahay nagtataka si Manang Nelia dahil 2 oras lang daw ako nawala tapos andito na agad ako, sabi ko nalang biglang sumama yung pakiramdam ko. Dire-diretso nako sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Matutulog nalang siguro ako tutal wala rin naman akong gagawin.







Red's POV







Mag-aalas otso na ng gabi ng makauwi ako sa bahay, pagpasok ko ng pinto pansin ko tahimik ang paligid. Sinalubong naman agad ako ni Manang Nelia.









"Manang may himala ba? Parang ang tahimik ata ngayon"









"Nako Red si Blue naglalaro ata ng computer sa kwarto nya samantalang si Scarlet naman e nakatulog na kakaantay kay Star na magising" Umupo ako sa sofa sa sala namin habang minamasahe ko yung sentido ko. Masyadong maraming gawain sa opisina bwisit!









"What happened to Star?" Takang tanong ko kase sa tuwing uuwi ako dito kahit ganitong oras na nakikipaglaro parin yan kay Scarlet oh di kaya makikipag inisan kay Blue pero ngayona ng sabi ni manang e tulog daw.











"Umalis sya kaninang umaga pupunta daw sa ate at kuya nya tapos wala pang 2 oras e bumalik agad mukhang malungkot. Tapos dumiretso na sa kwarto nyo nung tinignan ko naman tulog na kaya hindi nako nag-abalang gisingin pa siya" So magmula kaninang umaga hanggang ngayon ay tulog parin sya? Matibay! Tsk. Umakyat nako sa taas at pumasok sa kwarto ng nakita ko ang itchura ni Star. Dapat nga masanay nako dahil sa araw-araw na nakikita ko yang tulog dito. Tulo pa ang laway. Minsan naisip ko babae ba talaga to? E mas malakas pang humilik kesa sakin tas tumutulo rin minsan ang laway malikot pa matulog. Hindi ko nalang pinansin at nagshower nako tapos natulog narin sa SOFA! Take note sa SOFA ako natutulog ngayon dahil ayaw nyang katabi ako, sino ba naman ang may gustong tumabi sa kanya habang natutulog sya? Pambihirang babae.





——————

Im Married???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon