Star's POV
Nagising ako sa mala-sirena ng bumberong boses ni Scarlet. Aba! naman kahit bubulol-bulol yan e ang tinis ng boses nyan nakakakilabot.
"Wake up ate! Kuya said pupunta tayong rwesort" Wala kong planong bumangon pa sana dahil inaantok pa 'ko. Pero nung narining ko yung resort.
"Oh talaga? Saan daw? Ngayon na ba? Teka wait hindi pa 'ko nakakapag-ayos" Dire-diretsong sabi ko sabay takbo papuntang cr para gawin ang aking morning rituals. Narinig ko nalang na sumara yung pinto, lumabas na siguro si Scar.
After 1 hour natapos ako sa pag'ligo, pag'aayos ng gamit. Bumaba nako pero iniwan ko parin yung mga gamit ko sa taas syempre mamaya pinag-titripan lang pala ako nun ni Scarlet mapahiya pa 'ko. Pagbaba naka-busangot na mukha agad ni Red ang sumalubong sakin.
"What took you so long? We've been waiting for you for almost an hour" Bwisit naman na lalaki to oh ang aga-aga nag-eenglish.
"Ate let's gow na, im sow excited" Napanganga naman ako so totoo nga.
Si Red naka plain white shirt at jersey shorts si Blue naman naka sando tapos naka jersey shorts din, samantalang si Scarlet naka shades at naka one piece na -_- Ako naman naka v-neck na red shirt tapos shorts short lahat kami nakatsinelas lang. Hohoho! MASAYA to.
Syempre dali dali akong umakyat ulit sa taas kunin yung backpack ko. Nagmamadali akong bumaba at tumakbo sa may gate pag sakay ko palang ngingisi-ngisi nako haha. Kung kahapon malungkot eto ako ngayong parang baliw. Buong byahe ako nakangiti samantalang ayun tulog ang tatlo haha. Im sooooooo eggzoited!!!
"Psst. Red, Blue, Scarlet andito na tayo!!!" Masayang sabi ko pero mukhang hindi umepek dahil walang nagising.
"Ehem! Ehem! One, two, three!" Tsaka ako bumwelo.
"OH MHY GOSH!!! SUNOOOOOG!" Malakas na sigaw ko!
"Shit. Shit! Asan ang sunog?" Natatarantang sabi ni Red muntikan pa nga malalag sa upuan nya e.
"Ah hehehe" Napeace sign nalang ako. Pero ang sama parin ng tingin nila. Hayst! Hihihi.

BINABASA MO ANG
Im Married???
RandomKASAL? Isang mabigat na resposibilidad, matagal bago paghandaan ng mga magkarelasyon, isang Holy Matrimony. Pinapangarap ng bawat babae'ng tulad ko pero dapat kapag kinasal ka daw dun lang sa taong mahal mo at mahal ka. Pero pano kapag nalaman mong...