Kabanata 11
MeetingMaaga akong nagising kinabukasan at agad na nag-ayos sa sarili. Naghanda ako para sa pagpunta sa planta. Alas sais pa lang at makapal pa ang fog sa labas pero lumabas na ako. Hindi na rin ako nang-abalang maghanda pa ng pagkain para kay Kheeno, kasi alam kong hindi rin naman nito kakainin ang handa ko. At saka hindi ko nga rin alam kung umuwi ba ito o dito ba natulog iyon. Ayaw ko ng abalahin pa ang sarili kong tingnan siya, and I am disappointed in the end.
I blew a loud breath and put my chekerd funnel on my waist.
Siguro nagsisimula na akong masanay na minsan lang nandito si Kheeno. Unti-unti na akong nasasanay na ganito na lang talaga kaming dalawa. He will never love me the way I do. Kasi alam kong napipilitan lang siya. Alam naming dalawa na wala kaming pag-asa sa isa’t isa. Ako lang kasi talaga itong mapilit.
Tinawagan ko ang driver sa mansion para magpasundo. Pagdating ko sa planta ay iilan pa lang ang nandito. Karamihan ay iyong mga driver ng mga sasakyang babiyahe papuntang syudad pa ang mga nandito. Bukod sa mga pang-gabing mga tauhan.
The sun starts to rise and the fog slowly fades away. Pinagmamasdan ko ang paglitaw ng araw na makikita sa taniman. Ang ganda nitong tingnan. Isa ito sa senyales na simula na naman ng panibagong hamon sa buhay. Panibagong araw na naman para lumaban sa buhay. Panibagong pag-asa para sa mga taong katulad kong patuloy na umaasa.
“Magandang umaga, Señorita McKenna.” Nginitian ko ang isang trabahante nang dumaan ito sa gawi ko.
“Magandang umaga rin ho, Mang Esmi, nag-umagahan na ho ba kayo bago pumunta rito?” tanong ko kaya ngumiti ito.
“Tapos na ho, Señorita, maaga ho talaga kaming nag-uumagahan para maaga akong makapunta rito. Sobrang aga niyo yata ngayon, Señorita, hinatid ho ba kayo ni Sir Kheeno rito?”
Pinanatili ko ang ngiti sa labi ko kahit hindi naman talaga ako natuwa sa tanong ni Mang Esmi. Wala rin naman kasalanan si Mang Esmi kung bakit natanong niya iyon, malamang, ang alam niya ay mag-asawa kami ni Kheeno, kaya nag-e-expect siyang hinatid ako ng asawa ko rito. Ayaw ko namang makita nilang hindi maganda ang pagsasama namin ni Kheeno. Ang alam kasi nila ay kinasal kami dahil mahal namin ang isa’t isa.
“Nagpasundo ho ako sa driver galing sa mansion para kuhanin si Thunder, Mang Esmi. Hindi ko na ho inabala si Kheeno kasi may maagang meeting ho iyon sa kompanya. Sige ho, Mang Esmi, maglilibot-libot lang ho muna kami ni Thunder sa taniman habang hindi pa tirik ang araw,” paalam ko, at agad naman akong tinanguhan nito.
Nang makalayo si Mang Esmi ay agad akong napabuntonghininga. Tinunggo ko si Thunder na nakatali sa puno ng narra. Thunder has been my horse since I was fourteen years old, regalo ito ni daddy sa akin sa fourteenth birthday ko. Thunder became my best friend when my mother died, I cried on him and told him what I feel, hanggang ngayon ay si Thunder pa rin ang takbuhan ko.
Nagpasya akong maglibot-libot sa taniman habang hindi pa mainit ang araw. Sariwa na hangin ang sumasalubong sa akin habang tumatakbo ng marahan si Thunder patungo sa medyo distansiyang bahagi na ng pinyahan. Nasa malapit na ako sa kagubatan, kung saan may bangin sa gilid at nakikita ko na ang Manolo Fortich sa kaliwang bahagi ko at ang Camp Philips naman sa kanan.
The sun shone on me and the wind died down to little more than a gentle zephyr.
I closed my eyes and enjoyed the moment. Ang sarap sa pakiramdam. Just watching the beautiful scenery in front of me, meditates on me already. It relaxes my mind and I feel like something heavy lifted from my heart.
“Ah! This is life,” I murmured and smiled languidly.
I jumped off my horse and tied him up in the stone beside me.

BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES-COMPLETED
RomancePlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...