Chapter 01

3 0 0
                                    

"Good morning!"

Halos lahat kami na nasa hapag ay napangiwi ng bumungad ang maaliwalas na mukha ni Dianne.

"Anong meron?" Tanong ni Tiffany na naudlot sa pagsubo ng hotdog.

"Wala naman" ngiting sagot ni Dianne bago naupo sa tabi ko.

"Naku, girl, 'yang masayang gising mo baka masira mamaya pag pasok sa ENSU." Ani Amy.

ENSU or Elferrer National State University.

Napangiwi si Dianne sa sinabi ni Shania. Alam ko ang ibig niyang sabihin dahil sila lang naman ang panira ng araw naming mga section Gold.

"Subukan lang nila sirain ang good mood ko today." Ingus ni Dianne bago mag simulang kumain.

Kaming pito ay magkakasama sa iisang boarding house. Si Dianne, Tiffany, Marian, Shania, Sunny at Amethyst. We're friends too.

"Parang tinatamlayan akong pumasok" walang ganang sabi ni Amethyst.

"Girl, don't. Masama" natatawang sabi ni Shania.

Pagkatapos naming kumain ay kanya kanya na kaming gayak para pumasok. Then after that we have a service.

Nagkukulitan lang kami sa buong byahe papuntang University at sabay sabay na kaming bumaba ng makarating kami roon.

"Sana walang sumalubong na malas today" pasimpleng dasal ni Dianne.

Natawa naman si Amethyst sa kaniya. "Kawawa ka naman kung meron man. Ano ba kasing napanaginipan mo at ayaw na ayaw mong masira?" Nakangisi niyang tanong. Sumibangot naman si Dianne.

"Basta! Ayukong masira ang araw ko!" Sabi niya at mabilis na naglakad. Nagtawanan nalang kami at napailing iling.

"Baka naman napanaginipan ang prince charming niya" sabat ni Sunny.

"Che!" Singhal ni Dianne saka nagpatuloy sa pagdadasal niya. "Lord, please. Kahit ngayong araw lang." Aniya.

Nagkukulitan at asaran kami ng sabay sabay kaming mapahinto dahil may mga empakto lang naman na nakaharang.

"Ano ba 'yan. Ang hina ko naman sayo, Lord" nakasimangot na sabi ni Dianne.

"Ano 'yun? May sinasabi ka?" Sabat ni Calix kaya nagulat si Dianne at nagtago sa likuran ko.

"Scary baby" ngisi ni Calix.

"Shut up" inirapan siya ni Dianne.

"Mariano..." Bumaling ang tingin ko sa tumawag ng pangalan ko.

Ang lalaking tagapagmana ng kaharian ng mga peste.

I raised my brow to him. Ngumisi lang naman siya at mayabang na lumaoit sakin kaya napaatras ako pero masyadong malalaki ang hakbang niya kaya agad siyang nakalapit. Binaba niya ang mukha niya at napapikit nalang ako ng maramdaman ang hininga niya sa gilid ng leeg ko bago bumulong.

"You forgot your reward. Do you want to claim it right now?"

Nanindig lahat ng balahibo ko sa batok ng marinig iyon. Agad akong napamulat at nanlalaki pa ang mga mata ko saka siya buong lakas na tinulak.

"Damn you!" Inis na sabi ko saka mabilis na tinuhod ang 'ano' niya na kinagulat niya. Narinig ko din ang singhapan ng mga nanonood samin.

"Fuck!" Mura niya at napahawak sa gitnang hita niya.

"What the..." Rinig kong sabi ng isa sa kaibigan niya.

Pero bago pa siya makaganti sakin ay mabilis na akong tumakbo at hindi alintana ang mga kasama.

Section Gold Vs. Section SilverWhere stories live. Discover now