Chapter 02

2 0 0
                                    

"Potangina niyo Silver!"

Mga basurang nag kalat mula sa labas ng pinto hanggang loob at mga tumba pa ang mga bangko at magugulo. Parang dinaanan ng bagyaong habagat ang buong classroom.

Inis kong sinabunutan ang sarili ko saka inis na kinuha ang isang trash can na naktumba at pinagpupulot ang mga basura saka muling inilagay sa loob ng trash can.

"What are you doing, Queen?" Nagtatakang tanong ni Charley pero hindi ko siya pinansin.

"No, Queen, hindi pwedeng tayo ang mag lilinis niyan" inis na sabi ni Kristen.

Hindi ko sila pinakinggan. Pagkatapos kong maglagay ng basura ay tumayo ako at muling lumabas ng classroom.

"Gusto niyo ng laro? Well hindi ko kayo uurungang." Madiin kong bulong bago naglakad papunta sa kabilang dulong classroom.

"Queen, saan ka pupunta?" Takang tanong ni Alexus na kaisa isang lalaki samin but I didn't respond.

Ang alam ko lang ay nanggagalaiti ako sa galit. Sinusubukan talaga ako ng mga Silver na 'yan. Well hindi ko sila uurungan!

"Hey, sundan natin si Queen!" Rinig kong sabi ni Amethyst.

"Tama, hindi pwedeng siya lang ang susugod" sabi naman ni Marian.

"This is it! Makakaganti na rin!" Parang excited pang sabi ni Antonette.

"Exciting 'to!" Sabi naman ni Dianne.

"Here we go!" Sigaw ni Trixie.

Tuloy tuloy lang kami sa paglapit sa kabilang dulo nitong 4th floor ng 4th year building.

Yes. Duluhan ang dalawang section na hindi magkasundo at kahit kailan ay hindi magkakasundo.

Nang nasa tapat na kami ng classroom nila ay bumungad sa amin ang mukhang relax na mga mukha nila. Mga nakataas ang paa sa lamesa ng pitong dwarfs ni Snow White. At ang mga gago ay ginawa pang bar ata 'tong classroom nila dahil nadatnan kang naman namin na may mga babaeng kung makapalupot at oarang sawa sa pitong dwarfs.

Dire-diretso akong pumasok sa classroom nila na kinatigil nilang lahat at walang pasubali kong itinaktak ang ang laman ng trash can sa harapan nila at inis na binato ang trash can pagkatapos.

"What the fuck?!" Gulat na sigaw nila.

"What's wrong with you people?" Tanong ni Leo na may nakasabit pang dalawang babae sa tigkabilang gilid niya kaniya.

"Kayo! Kayo ang problema namin!" Balik kong sigaw sa kaniya. "Talagang hindi niyo kami tatantanan hangga't hindi namin kayo pinapansin, huh? Well, eto na. Papansinin na namin kayo." Nagngingitngit ang kalooban ko sa pagkasuklam sa kanila.

"Ano na namang pag aakusa niyo samin?" Tumayo si Kaizer at maangas na sumandal sa mesa niya at nag cross arms.

"Aakusa? Well, hindi namin kayo aakusaan kung wala kayong ginagawa!" Inis na sabi ko.

"Ginagawa?" Natawa siya ng sarkastiko. "Sa pagkakaalam ko wala kaming ginagawa" maang maangan na sabi niya na sinang ayunan ng mga classmates niya.

"Walang ginagawa, huh? Talaga? Then who the heck are messing that trash on our room?" matapang na singit ni Tiffany.

"Aba malay namin? Bakit pag may nagkakalat ng basura sa room niyo, kami na agad?" sabat sa kaniya ni Aries.

"At sino pa bang sisisihin namin bukod sa inyo?" Taas kilay na tanong ni Antonette.

"We don't know" Kibit balikat na sabi ng isa sa kaklase nila na katabi ni Tonet.

"Linisin niyo ang kalat sa classroom namin." Natigilan sila sa sinabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Section Gold Vs. Section SilverWhere stories live. Discover now