Tagalog Kowts. <3

92 0 0
                                    

1. Wag kang maging sweet sa isang tao, lalo na kung iba ang laman ng puso mo. Dahil pag yan nahulog sayo. Madadagdagan na naman ang taong aasa sa mundo.

2. Sa panahon ngayon, kuko mo na lang ang patay na patay sayo.

3. Magtetext tas pag nireplyan di na magtetext. Paasa!

4. Kung gusto mo talaga ang isang tao, wag mo ng pakawalan, lalo na kung ako yun.

5. May mga taong gustong gusto natin kaso may nakaharang na salitang hindi pwede.

6. Bago mo sabihin na ayaw mo saken, itanong mo muna kung gusto kita.

7. Simula nang nasaktan ako joke na lang ang salitang i love you.

8. Huwag magmamadali sa pagmamahal. Hindi yan unahan, patagalan yan.

9. Pag nag assume ka, asahan mong masasaktan ka.

10. Lahat ng bagay nagbabago. Isama mo na rin ang feelings ko para sayo.

11. Tandaan: pictures lang ang tino throwback hindi feelings.

12. Alam mo ba kung anong malapet sa puso? Edi lungs. Ikaw lungs, sapat na.

13. Magtetext ka, magrereply ako. Mawawala ka, maghihintay ako. Ganyan tayo e.

14. Tunay na effort? Yun yung taong maghihintay para sa taong mahal nya kahit hindi sya sigurado kung may mapapala sya.

15. May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo pa rin maiwasan ang masaktan.

16. Hindi lahat ng tawa ibig sabihin ay masaya. Minsan tumatawa ka lang para makalimutan ang sakit na ipinadama nya.

17. Kapag umiyak ako ng dahil sayo. Napakaswerte mo. Hindi dahil napaiyak mo ako, kundi dahil senyales ito na minahal kita ng todo.

18. The best relationship ay yung maraming nakakaalam pero walang nakikialam.

19. Paano mo ipaglalaban ang isang tao kung di mo naman alam kung ano ka sa kanya?

20. Kung mahal kita noon, kalimutan na lang natin ngayon. Dahil kung uulitin ko pa yun. Mas mabuti pang ikwento mo na lang sa pagong.

21. Kung nakaya mong iwasan ako at hindi magparamdam wag kang mag alala. Dahil kaya kong ibalik ang araw na hindi kita kilala.

22. Simple lang naman ang kailangan mong gawin para hindi ka masaktan. Iwasan ang magmahal na ang turing sayo ay kaibigan lang.

23. Walang kwenta ang kagwapuhan kung wala kang respeto sa mga kababaihan.

24. Minsan kahit imposible, hindi natin maiiwasang umasa.

25. Madapa na nga lang masakit na, e yung mahulog ka pa kaya nang walang sumasalo.

26. Bakit ang hirap mag move on? Kase ayaw mo pa. Kase umaasa ka pa. Kase hindi mo pa matanggap. Kase mahal mo pa.

27. Sabe mo move on? Bakit nanjan ka na naman sa timeline nya?

28. Yung kawalan nya ng oras sayo ay sapat na pruweba para masabing hindi ka mahalaga sa kanya.

29. Ang babae di yan washing machine para paikutin. At mas lalong hindi dryer para itimer.

30. Yung hindi naman kayo, pero parang kayo.

31. Ex na nga ng kaibigan mo, syinota mo pa. Ano yan? Sagip kapamilya?

--------------------------

A/N: HIT FOLLOW OR VOTE BUTTON! THANKSSSS!

-iloveseyn14

Love Quotes. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon