★~04~★

4 1 0
                                    

"Nakapasok na pala si Claire sa Avillones University?"

"Yes mrs. Zillan, nakaayon na po ang lahat sa plano."

"Well then, salamat sa pagbabantay sa anak namin ni Antonio."

"..."

"Makakaasa kang di namin sya papabayaan, Clarence."

"Please take a good care of Claire."

"We will."

-----

[3rd person POV]

"Ang Gifted Talent o mas kilala sa tawag na GT ay nakukuha sa pamamagitan ng meditation." Saad ni Ford habang minamasdan sila Claire at Via na nakaupo sa damuhan sa Likod ng opisina.

Isa itong secret places kung saan binibigyang kakayahan ang mga tao na gamitin ang kani-kanilang GT sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano ito gagawin.

"Deep concentration, clear your mind, breath perfectly." Saad ni Ford.

*sswsssswssss*

"Lumalabas na ang Aura nyo." Saad ni Ford.

Isang kulay pulang aura ang pumapalibot kay Via, palatandaan na ang kanyang GT ay nagmumula sa Dugo.

At kay Claire ay kulay puti, palatandaan na ang GT nya ay nanggagaling sa utak.

"Mahusay, buksan nyo ang mga mata nyo."

Dahan-dahang minulat ni Claire at Via ang kanyang mga mata at nakita ni Claire nagliliyab si Ford kaya't nanlaki ang ?mga mata nya.

"Ford nag aapoy ka!" Nag-aalalang saad ni Claire.

Napatawa naman nang bahagya si Ford at tsaka umupo sa harap ng dalawa.

"Ang nakikita nyo ngayon ay ang GT ko, Level 5 Blood GT." Saad ni Ford.

"Ang mga GT ay may walong Level, bawat Level ay may iba't ibang kakayahan. Pero iba ang Heart GT, ang Heart GT ay may sampung Levels." Saad ni Ford at tumayo.

"Kung ganon, itong pakiramdam na to, ito pala ang GT." Saad ni Via.

"Tama, it feels warm at nagiging magaan ang pakiramdam mo." Saad ni Ford. "Wag nyong kakalimutan ang pakiramdam na yan." Dagdag ni Ford.


"Ms. Claire, pinapabigay sa'yo nung babae sa labas kanina." Saad ng Principal at inabot ang isang envelope.

Agad na tinanggap ni Claire ang envelope at binuksan para basahin kung ano man ang nasa loob nito.

"Dear Claire,

You did well, nakapasok ka sa Avillones University. Si Principal Ivan at President Ford na ang bahala sa iyo dyan, balang-araw magkikita rin tayo. Balang araw mayayakap din kita, pangako yan.

-Aeri."

[Claire's POV]

Mommy?

Impossible...

Pero diba...

She's...

EmisiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon