★~05~★

3 1 1
                                    

Claire's POV

"Bakit kaya tayo pinatawag Claire?" Tanong ni Via na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at tinuon ang atensyon sa paglalakad papunta sa Office ng Principal.

----------------------------
Principal's office
---------------------------

Pagkabukas ng sliding doors ay bumungad samin ang Principal, Si Ms. Vic, si Ford, at ang lalaking nakangiti sa Gitna nila.

"Nandito na pala kayo." Saad ng principal.

"Bakit nyo po kami pinatawag?" Tanong ko sa principal.

"Kayong dalawa ay malilipat mula sa Section A, papunta sa Section S-III." Saad ng principal at binigay ang isang color Yellow na Pass at may tatak ng aming paaralan.

"Simula ngayon ay parte na kayo ng S-Class, ngunit hindi magiging madali ang inyong ranggo." Saad ni Ford.

"Bakit naman?" Tanong ni Via.

"Dahil simula ngayon, hindi na normal na guro ang magtuturo sa inyo." Saad ni Ms. Vic at inabot ang tig-isang itim na Briefcase samin.

"Simula ngayon, ako na ang magiging adviser nyo."

Napalingon na lamang kami at tsaka napagtantong nasa likod na namin ang lalaking kaninang nakangiti sa harap namin.

"Hello, my name is Professor Kyle Goldee." Pagpapakilala nya tsaka bumalik sa kanyang pwesto sa isang iglap lamang.

"Goldee dahil sa may ginintuang puso ako." Saad nya tsaka namula ang kanyang mukha.

ಠಿ-ಠ eh?

"Pero seryoso, ang puso ko ay gawa sa purong ginto. Isa akong experimental species, pero tao pa rin talaga ako."

(∵)?

"Mahabang istorya." Saad nya tsaka tumungo, mukhang disappointed sya kasi kahit ang iba ay di sya naintidihan.

"Ngayong taon lang ito naganap, at alam namin na may tinataglay kayong kakaibang GT kaya't nilagay namin kayo sa S-III." Saad ni principal.

"Magiging kaklase nyo rin ako, kailangan ko rin na bantayan itong si sir. Kyle." Saad naman ni Ford at may kumatok sa pinto.

"Tuloy ka." Saad ni principal at pumasok ang isang lalaki na desente ang pormahan at may katangkaran, may hawak din itong briefcase.

"Pasensya na't nalate ako." Saad niya at naglakad papunta sa tabi ni Ms. Vic.

"And this is Mr. Ken, magiging teacher nyo rin sa Class S-III." Saad ng principal.

"Ang laman ng briefcase nyo ay ang mga kagamitan na kung saan ay di makakapatay ng tao pero pwede nyong gamitin sa mga missions na ibibigay ng presidente." Saad ni Mr. Ken.

"Like? What missions?" Tanong ko.

"I'll discuss it sa room nyo, sumunod kayo sakin." Saad ni sir Kyle at nawala nanaman sya at tanging after merge na lang nya ang naiwan ngunit nawala rin ito agad.

"Paano kami susunod?! Di kami marunong mag teleport!!" Saad ni Via.

"He's not teleporting, sadyang mabilis lamang sya kumilos." Saad ni Ms. Vic at napafacepalm na lamang.

EmisiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon