[Claire's POV]
Kahit kailan talaga ang weird ni daddy, but thanks to him makakpagtapos na ako ng highschool.
Since nalapit na matapos ang taon ko, susulitin ko na ang pagiging Senior high ko. Madami siguro akong gagawin kapag college na ako.Senior High? Yes, mag c-college pa lang ako, pero grabe na makapagbigay si daddy kala mo talaga mawawalay ako sa kanila eh malapit lang Apartment ko sa bahay namin.
But he's so overprotective.
"Cheer up Claire, kaya mo yan." Saad ko sa sarili ko habang nakatayo na ngayon sa harap ng school na aking papasukan.
Di ko akalain na ganito pala ito kalaki, iba talaga ang nasa picture at sa personal no, gaya nung kaibigan ko sa picture lang matangkad, choz!
"Hello Claire? Ikaw ba yung bago?"
Nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon at napagtantong isang babaeng mukhang Grade 1- 2, grade 12 po.
"Uhh, oo?" Sagot ko at binalik ang tingin sa building.
"Via is my name, pareho ata tayo ng section." Saad nya.
"Section A ka rin?" Tanong ko at tumango ito.
"Sabay na tayo pumasok, itutour na rin kita sa lugar na ito." Saad nya at humawak sa kamay ko na ikinabigla ko. "Don't worry, wala namn malisya ang paghawak ko ng kamay mo. Maliban na lang kung..."
"Bakla ka." Saad nya at ngumisi.
"A-ako?! Hindi ha!" Angal ko at umiwas ng tingin. Damn this girl, pero I like her presence, as a friend!
"Well, let's go." Saad nya at sinundan ko na lamang sya papasok sa loob.
~~~~~
Di naman pahirapan ang paghahanap ng room ng Section A, dalawang kaliwa isang kanan at kaliwa, kaliwa at kanan bago papasok sa pangalawang pinto at kaliwa, kanan, deretcho at kaliwa tapos unang pinto ang Class A.
Di mahirap diba?
"Ito na ang Section A." Saad nya at binuksan ang sliding door.
Ang akala ko ay normal na classroom lang ito pero...
"Woa!"
Namangha ako sa nilalaman nito dahil hindi lang ito isang kwarto, sa loob ng kwartong ito at may iba't ibang kwarto.
"Classroom, CR, Lockers, Music room, Library, Science lab, at sariling Canteen?!" Napatanong ako sa kanya.
"No, actually it's cafeteria." Saad nya at sinamahan nya ako sa locker ko.
"You have your Student ID?" tanong nya at kinapa ko ang bulsa ko tsaka kinuha ang ID.
"Eto."
Tinignan nya ang ID ko harap at likod sabay tingin sa lockers pasalit-salitan. "Ito ang locker mo, 256_A." Saad nya.
"Pero, paano bubuksan wala naman akong susi?" Tanong ko at napahalinghing sya sa tanong ko.
"Swipe your card here." Saad nya at tinuro ang nakalagay na 'swipe here'
BINABASA MO ANG
Emisious
عاطفيةHindi mawawala ang pagsubok sa buhay, lalo na sa kwento ng buhay ni Claire na maraming nangyayare sa buhay. Halos sumuko na si Claire pero kakayanin nya at gagawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Makakaya kaya ni Claire na malampasan ang lahat...