Chapter 5

6 1 0
                                    

Tina

Ohayo, tina nga po pala from Luba, Abra. Ang araw na ito ay ang araw kung saan mag-eexam kami para sa course na kinuha namin, if nakapasa ka ay automatic na in ka na sa course na gusto mo, if not then deretso ka sa non-board course.

I love math and I have a hobby in drawing, or should I say painting. I want to become a future engineer, a civil one.

From luba, 3 to 4 hours ang travel papunta dito sa bangued, magiging problema kapag nagstart na ang klase, so nakiusap si mama kay tito na makitira ako sa kanila while studying here.

Nandito na ako sa terminal ng jeep, si Tito ay nandito na din para sunduin ako, hindi naman kasi problema if doon muna ako sa kanila eh, gustong gusto niya nga para may kasama 'yong asawa't anak niya lalo na't member siya ng Army, minsan lang siyang umuwi kada buwan.

"Tina! Dito!."Rinig kong tawag sa name ko so tinignan ko if sino 'yon, si tito lang pala.

Kinuha ko na ang mga gamit ko after kong ibigay ang pamasahe ko sa driver ng jeep, then dumeretso na kay tito, agad niya namang kinuha ang mga gamit at isinakay ito sa kotse niya.

"Tito, hintayin niyo nalang po ako sa bahay niyo, dederetso kasi ako sa school for my entrance exam, don't worry po alam ko naman na po if saan 'yon,"I informed him, I gave him my widest smile as my assurance that I can handle my self.

"Sure ka dyan? Nako pamangkin! Lagot ako kay Tanya kapag may nangyaring masama sa'yo, ihahatid nalang kita,"di siguradong sagot niya, he knows that I not yet familiar here in bangued kaya siya ganyan.

"Trust me tito, I got this and paano ako matututo if palagi niyo nalang akong binibaby, I'm college na po, I can handle my self na, wag na po kayong mag-alala kasi your pamangkin is smart,"and with that iniwan niya na ako, hindi naman sa hindi ko gustong ihatid niya ako, gusto ko lang na matuto kung paano nga sumakay dito.

"Kuya, sa Asist nga po,"sabi ko sa driver na nasa pila ngayon, may nakita akong nakaupo na sa loob, dalawang babae, and I bet na same school kami ng pupuntahan, may nakita kasi akong papel na dala nila katulad ng sa akin.

After maybe 5 minutes nakarating na din kami dito sa UA. After magbigay ng pamasahe 'yong mas maliit na babae ay tumayo lang sila doon sa harap ng gate, inoobserbahan nila ang paligid.

I approached them, nakipagkilala ako sa kanila, mabait iyong mas maliit which is kia, while 'yong isa is mahiyain, si Nyx naman iyon.

Sa una hindi ako pinapansin ni Nyx dahil nga nahihiya pero kalaunan ay naging comportable run siya na ikinatuwa ko.

All my life ngayon lang ako nakaencounter ng magkaibigan na ayaw talaga nilang iwanan ang isa't isa, sana all nalang sa kanila dahil ako never akong nagkaroon ng totoong kaibigan.

After naming kumain ay umuwi na ako agad dahil aalagaan ko pa ang pamangkin ko.

Sana ay makita ko ulit sila, I will surely miss them, their vibes feels like home, even though kakakilala ko lang sa kanila, feeling ko kahit saglit lang ay nakahanap ako ng totoong kaibigan. Meeting them is one of my achievements here in UA.




Kia

Naalimputangan ako dahil sa ingay na nagmumula sa sala, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako after kong magpalit ng damit galing sa school.

"Aysh, ingay naman! Alam niyo naman na may natutulog eh!." Badtrip kong sabi sa kanila. Nandito na naman kasi 'yong kapatid ko kasama 'yong mga barkada niya.

"Chill lang sis, baka mahulog puso mo wala pa namang sasalo sayo,"ani ken, isa sa mga barkada nya na barkada ko na din.

"Kayo kasi ih! Nabitin tuloy ang tulog ko, makaalis na nga nakakahiya naman kasi sa inyo!."Inis na wika ko bago umalis don, naisipan ko namang pumunta kina Nyx.

Lutang akong naglalakad ng may isang bumunggo sa akin, tinignan ko siya ng masama pero laking gulat ko na si Aera pala, isa sa mga taong laging nang-iinis sa akin, minsan na niyang sinira ang name ko sa mga tao, kaya ayon nagkaroon ako ng issue dahil sa kaniya.

"Ano ba, bulag ka ba, ha?!." Inis nitong sigaw sa akin. "Aba teka, ikaw na nga itong bumangga sa akin, ikaw pa itong galit? Sa ating dalawa ikaw itong may chance na umiwas pero sinandya mo pa talaga!."Gigil na gigil kong sabi sa kaniya, I can't control my emotios, nanginginig ako sa galit, ramdam ko nadin ang paglabas ng mainit na likido mula sa aking mga mata.

"Omg, Kia!."May sumigaw sa likod ko pero hindi ko siya pinansin. "Kia, why are you crying?."Tanong pa ng isa pero hindi ko din siya pinansin. "Anong ginawa mo ha, bakit umiiyak si kia? Taena mo!."Again, tanong na naman nong isa. "Oo nga, you bitch!."Sigaw ng isa sabay sugod kay Aera.

"Waahh hoy chel! Tama na 'yan!."And with that nabalik ako sa realidad. Gagi bakit nandito ang mga ito? Susme I need to stop chel!.

"Hoy babes tama na nga! This is not the time para gumanti,"makahulugan kong sabi sa kaniya, tinignan niya lang ako at hindi na itinuloy ang balak na pagsapak sa buset na babaeng iyon at dahil doon ay nagkaroon siya ng time para tumakbo.

Niyakap ako ni chel at ganon din ako sa kaniya, she is more than my friend, she's my second cousin. She knows everything about me and vice versa.

"Pasali naman kami!."Sigaw ni Jamby, tinawanan naman namin siya dahil don.

Meet my friends, Jamby Valeros, Rachel De Dios, Jeah Deverra and of course si Nyx.

Some of our friends na mas nakakatanda sa amin called us Banyo Queens, you want to know why? Well it's for me to know and for you to find out haha charot syempre I will share it to you.

Kapag kasi may nagbibirthday sa amin na magbabarkada or kahit sino man sa mga relatives namin ay pumupunta kaming lima, syempre may pavideo oke sila tapos kinakanta namin iyong banyo queen ng paulit-ulit, dahil don ay naging theme song na namin ito, sa song na iyon ay may mga kaniya-kaniya kaming line na kinakanta, and that song is serve as our theme song.

Chasing Dreams Where stories live. Discover now