Marami akong gustong itanong sayo, halos 1 month na ata akong nag attempt na ichat kita at itanong kung bakit nagawa mo sakin to. Never ko naman naisip na gagawin mo sakin to kasi ang saya saya ko kapag nakikita kita or kapag nakakachat kita pero tila naglaho yung kasayahan na yun at napalitan ng lungkot dahil sa ginawa mo akong saranggola. Wala naman akong natatandaan na ginawang masama para gantuhin mo ko, iniwan mo ko sa ere. Hindi ka nagparamdam halos 2 weeks, lagi kong kinakausap yung bestfriend ko kung anong tingin niya kung bakit hindi ka nagpaparamdam saakin. Ang sabi lang niya nasa ibang lugar ka daw, oo alam kong nasa ibang lugar ka dahil sa mga pictures mo pero ni ha ni ho wala akong natanggap.
Nagsimula tayo noong nasa second year high school ako, naalala ko pa noon na tinatanong ko kung may payong ka kasi umuulan noon. Napagkamalan pa nga kitang bakla, di ko talaga akalain na mafofall ako sayo. Hanggang sa naging close tayo, wala atang araw na hindi tayo nag aasaran, dahil sayo bawat araw nagiging masaya ako. Dumating pa nga sa puntong sinabihan akong mangaagaw sa isa sa mga kaklase natin dahil daw inagaw kita sabi ko naman wala kang gusto sakin kaya wag siyang magalala. Pero one day, ewan ko ba kung bakit napaamin ako at kinagulat ko naman na sinulat mo rin sa papel na gusto mo rin ako at take note katapat pa natin yung babaeng nagsabi saking mang aagaw ako. Naikwento mo pa nga sakin na yung papel na pinagsulatan ko tyaka pinagsulatan mo ay inuwi mo pa sa bahay niyo. Sa tuwing nag chachat tayo at bumabanat ka lalo na pag birthday ko hindi ko maiwasang ngumiti kasi sa bawat end ng pagbati mo laging may "stay pretty", ikaw lang ata nakaappreciate at naniniwalang maganda ako. Sobrang pinagsisihan ko noong araw na hindi kita pinansin kasi umabot yun hanggang nag third year tayo hindi parin tayo nagpapansinan, sa chat lang tayo nagkakausap. Naalala ko pa nga noong gumagawa ka pa ng ways para magpansinan tayo, isa na yung sinuggest mo na tatanungin mo kung anong oras na, kapag ikaw gumagawa ng move,hindi gumagana,pero pag ako gumagawa,gumagana. Hanggang sa grumaduate na tayo at hindi parin tayo nagpapansinan, nagpapansinan nga ng kaunti pero hindi masyado. Malungkot ako noon kasi alam kong hindi na kita makikita araw araw kasi ako at ikaw ay lilipat ng school. Pero hindi naging hadlang yung hindi tayo nagkakasama kasi lagi naman tayong magkachat pero parang kulang parin. Lagi naman akong pumupunta sa dati nating school pero di tayo magkitaan kse iba iba ang schedule natin. Walang nakakaalam na hanggang first year college tayo, mag M.U parin tayo. Ayoko pa pumasok sa isang relasyon kasi pinangako ko na after graduate ng college ako magkakaboyfriend kaya hanggang dun MUNA tayo.
Kung gusto natin malaman kung sino parin yung nasa puso nating dalawa ang laging tanong natin ay "cno?". 3 years yun at hindi parin nag babago ang sagot natin sa isa't isa. Nagtanong ako sayo dati kung hanggang sa pag graduate natin ay ako parin ba ang sagot sa cno mo at sinabi mong pwedeng hindi pwede ding oo at sinabi mo pa na nangingibabaw na ako parin ang sagot doon sa tanong ko. Loyal na loyal ako sayo kasi iniiwasan ko talaga yung sobrang nagiging kaclose kong mga lalaki. Sure na sure ako na ikaw na, na sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapaligaw kasi hinihintay nga natin ang isa't isa.
Dumating na nga yung ayaw kong mangyari at ganon na nga. Hindi ka nag paramdam saakin at nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin yung "cno?" at ang sagot mo ay "ikaw" at dahil nga nag aalangan na ako na ako parin sinabi ko "weh? Alam kong hindi na." "Ikaw rin ba ganun na?" "So ganon ka na nga?" At ang pinaka ayaw ko na sinabi mo ay yung "Oo eh ganun na nga." Durog na durog yung damdamin kong yun dahil sa sinabi mong yun, sobrang sakit talaga yung araw na yun na pinagsisihan ko na chinat pa kita pero mabuti na rin yun para malaman ko na yung totoo.
Sobrang sakit. Pero hindi ko narin alam kung tama ba yung gantong nararamdaman ko kasi hindi naman naging tayo. Ilang beses na akong naghanap ng mga ways kung paano mag move on pero ayaw gumana sakin. One time nga hindi ko napigilan yung sarili kong ichat ka, nagpalusot nalang ako sayo na wrong send yun.
Sobrang nakakalungkot. Nakagawian ko narin kasi na araw araw na may nagchachat sakin at palaging ikaw yun pero darating rin pala yung araw na hindi kana ulit magchachat sakin, magchachat nga pero hindi na katulad ng dati. Pilit kong pinapalakas yung loob ko, 3 days akong hindi umiyak kasi alam kong hindi ako emotional pero unti unting nag reregister yung sakit kaya iniyak ko nalang lahat tuwing gabi.
Umaasa parin ako hanggang ngayon at ganun parin yung nararamdaman ko sayo, ewan ko nga kung bakit naniniwala pa ako sa forever. Umaasa parin ako na isang araw ichachat mo ulit ako ng parang dati. Sobrang namimiss kita pero ewan ko kung namimiss mo rin ako. Everytime na nakikita kong nagpopost ka sa facebook, nasasaktan ako. Sobra kasi akong naatach sayo at isa ito sa natutunan ko na wag masyadong maatach sa isang tao kasi kapag iniwan ka, ikaw yung sobrang masasaktan.
Kahit ganun yung naranasan ko sayo Team Positive parin ako, iniisip ko na lang na marami pang nagmamahal saakin katulad na lang ng family and friends ko at lalo na si God.Balang araw makakamove on rin ako at tuluyan nang mawawala yung feelings ko sayo. Hanggang dito nalang.
Goodbye for now.
Your ex-m.u,
Maris