DATING bestfriend,
Estranghero na ba talaga ang tingin mo sa akin? Parang dati lang magkasama pa tayo sa galaan, magkasama kapag tatakas para gumala,magkasama sa pag rereview, magkasama sa pangaasar,at marami na tayong pinagdaanan na magkasama. Magkakampi tayo sa tuwing may umaaway sa isa't isa, halos hindi na nga tayo mapaghiwalay noon. Naalala ko pa dati na sa sobrang depressed nating dalawa,umiyak tayo ng magkasama. Nagsabihan ng mga problema at nilabas ang lahat ng sama ng loob. Nagsasabihan pa tayo ng mga sikreto dati, na walang dapat makaalam nito kundi tayong dalawa lang. Parehas tayong malakas ang trip, kaya nga kala ko perfect match na tayo. Na kahit sayo lang ako magkaforever, forever bestfriend. Ngunit wala ngang permanente sa mundo, nawala ang pagkakaibigan natin. Kumupas ang mga masasayang araw natin, napalitan ng mga araw na malungkot dahil hindi ka na parte ng buhay ko. Nagtataka nga ako bakit biglang nangyari ito, inaamin ko may kasalanan rin naman ako. Kaso ang hindi ko matanggap ay ang pamamlastik mo sa akin at sa iba pa nating kaibigan, kala ko ba galit ka sa mga plastik? Ay pwedeng love yourself bes? Nakatagpo ka lang ng bagong kaibigan, siniraan mo na kami. Big deal kasi sa atin ang pamamlastik pero bakit nagawa mo sa amin yun?
Tinuring ka namin bilang isang kapatid pero ito ang igaganti mo.
Salamat rin sa pangbablock sa facebook at pag-unfollow sa twitter at instagram, masyado ka sigurong guilty para magawa mo yun.Nagpapasalamat pa rin ako at nakilala kita dahil sa halos isang taong pagkakaibigan, masasabi kong may natutunan ako.I learned that If you are a friend, it means you were chosen. You were chosen to stay in someone's life, but you did not choose to stay. Also, not everyone will stay at the end. Some people will come to your life and change it and I am very thankful to my friends who stayed at the beginning until now. Treasure the time and moments that you have with your friends because you don't know what will happen in the future.
Your ex-bestfriend,
Emma