Sulat 2 (Maris)

27 0 0
                                    

January 23,2016 noong tayo'y ulit ay nagkausap. Nasa supermarket ako noon at nakikiwifi dahil walang wifi sa bahay. Pagbukas ko ng aking messenger ay nagulat ako dahil kasama ka na sa group chat. Nabuhayan ako kasi andoon ka na.
Aba'y bumanat ka pa na miss mo na ako at lagi mo kong iniisip,kaya pala lagi kitang napapanaginipan. Hindi ako naniwala noong una na ikaw yon kasi iba na yung way mo sa pagchat. Namiss ko yung dating way mo kapag kachat mo ako. Namimiss ko rin yung hanggang madaling araw paguusap natin.
HINDI ko na napigilan at chinat kita ulit, after 9 months eto nanaman tayo. Nagreply ka naman at sobra nanaman akong kinilig. Nagflashback lahat ng magandang alaala natin. Namiss ko yung dating tayo. Pero sabi mo hindi mo pa alam kung bumalik na ba yung feelings mo saakin. Ganyan naman eh, ikaw tong nagsawa ako naman yung naiwan. Ikaw tong nawalan ng feelings pero heto pa rin ako at umaasa na maibalik yung dating tayo. Sana naman marealize mo rin yung mga paghihirap ko para kalimutan ka kaso kahit anong move on ko ikaw parin ang tinitibok ng puso ko. Andito ako palagi at handang magpakatanga sayo. Wala eh, mahal kita. Sana naman masundan pa ito at patuloy tayong maging okay. Ibalik natin ang dati. Lagi mong tandaan na mahal pa rin kita at hindi magbabago yon.
Mahal ka pa rin,
Maris

A letter for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon