Pagod na ako, pagod kakaasa na maibabalik yung dati. Pagod na ako kakahintay sa wala, feeling ko naman wala ka na talagang feelings sa akin. Pero kasi feeling ko rin napaglalaruan na yung feelings ko. Ayaw mo na ata akong kausap,wala ka ng pake e. Antagal ko 'tong pinagisipan, kasi baka pagsisihan ko nanaman yung desisyon ko. Ang hirap na kasi e, lagi kang nasa isip ko. Pero siguro wala ka na talagang pake. Gabi gabi kitang napapanaginipan,hindi ko alam kung bakit. Hinihiling ko nalang sana na kahit sa panaginip magbigay ng sign na titigilan ko na 'to. Ang hirap paggising ko aasa nanaman ako. May feelings pa ako sayo,hindi naman nawawala. Titigalan ko lang kakaasa sa wala kasi ang hirap na talaga para sa akin. Parang ang saya mo ata nung wala nang kumukulit sayo, ayan hindi na talaga ako mangungulit. Stop na 'to. Hindi ko kasi alam yung iniisip mo, hindi ko alam kung may pake ka pa sa feelings ko. Hays madrama na. Sana wag mo isiping ayoko na, ititigil ko lang kasi masakit na. Hindi ako nauunang magchat kasi nahihiya ako, babae pa rin naman ako. Hindi ko rin alam kung gusto mo pa ako kausap kaya hindi na ako nagchachat ng una, wala rin naman kasi tayong topic. Hindi na ako mangungulit, ito na ata ang huli.
Nagpapakatanga,
Maris