Chapter 3

3.8K 83 8
                                    

Agustuss' Point of View

SOBRANG late na kaming nakatulog ni Sorrel kagabi dahil sobrang dami niyang school works. At samantalang ako naman ay marami namang trabaho na tinapos, kinailangan kong tapusin agad dahil pupunta kami ni Sorrel sa Singapore sa Biyernes.



Ayaw ko ng may isipin pa ako. Gusto kong mag enjoy.


Pinagmasdan ko si Sorrel na kasalukuyang natutulog pa, nakatalikod siya sa akin at yakap yakap niya ang isang SpongeBob na stuff animal. Malaki iyon at masarap yakapin. It was Sorrel's favorite.




Dahan-dahan akong bumangon atsaka ako dumiretso sa table para hugutin lahat ng naka charge, parehas na parehas ang cellphone namin ni Sorrel kaya kinailangan ko pang i-on lahat para makita ko kung alin ang sa akin.



Sumalampak ako sa sahig atsaka ko inayos ang bag niya, napailing-iling na lamang ako dahil may ilan pang pinag balatan ng chocolate sa bag niya, maging lukot na papel ay nandirito. Inayos ko ang binder notebook niya at ang pencil case niya, i also made sure that her pens are working.




Chineck ko ang pad papers niya maging ang mga lesson copy niya at inilagay iyon sa bag niya ng maayos. Chineck ko rin ang wallet niya at napa iling iling na lamang ako dahil tanging card lang niya ang laman niyon. Tumayo ako atsaka ko kinuha ang wallet ko.




Nilagyan ko ng limang libo ang wallet niya at limang isang daan. Inilagay ko rin ang isa sa mga black card ko na talagang pinasadya ko para sa kaniya, kapag naman binigay ko 'to sa kaniya ay malamang sa hindi niya tanggapin.




Sa bukod na tote bag ay doon ko nilagay ang laptop at ang iPad niya.



Pagkatapos ay inihanda ko na ang susuotin niya para ngayong araw, kulang green na polo shirt na may print na "POLITICAL SCIENCE" sa likod at sa kanang manggas ay doon naka print ang first name niya na "SORREL NEVAEH A."



Sorrel Nevaeh - Sorrel Heaven.




Nilabas ko na rin ang skinny jeans niya atsaka ko nilinis ang rubber shoes na paborito niya, pagkatapos ay hinanda ko na ang bath tub niya. Ilang sandali lang ay nagising na si Sorrel, habang nasa tub siya ay ako naman ay nasa shower room. Ihahatid ko siya sa University kaya kailangan na makapag bihis na rin ako.





HABANG kumakain kami ay medyo tulala si Sorrel, "Hey, are you still sleepy?" tanong ko sa kaniya, umiling siya. "Hindi naman, gusto ko ng kape galing sa coffee shop," sambit niya, "Okay, dadaan tayo mamaya. Now, eat ka na muna," sambit ko, tumango siya.




"Nakita mo na ba iyong schedule ko?" tanong niya, tumango ako. "Nag tutugma naman ang schedule natin, kaya ayos na iyon," sagot ko, "Sunduin mo ulit ako mamaya ha? Hihintayin kita sa may labas ng University," tumango ako, "Basta hintayin mo ako doon lagi, sasamahan ka ng mga bantay mo hanggat wala ako," tumango siya.



HABANG nasa byahe hindi ko maiwasang mapangiti, ang saya saya niya sa Iced Coffee niya tapos ang pinapatugtog niya pa sa kotse ay ang paborito niyang Taylor Swift song.



"May pupuntahan ako mamaya, may gusto ka bang pasalubong?" sambit ko, hindi ko alam . . . Gustong-gusto ko talaga siyang binibilhan ng mga bagay bagay.




"Gusto ko ng takoyaki iyong maraming cheese tapos spicy sauce," sambit niya, tumango-tango ako. "Okay, anything else?" umiling siya, "Umuwi ka lang ng maaga, ayaw kong mag hintay kasi nalulungkot ako," mahina ang boses niya sa huling sinabi niya.




". . . Tapos pwede ba na turuan mo ulit ako ng Math mamayang gabi?"




KASAMA ko si Khalil habang nag lalakad lakad ako sa Mall sa Manila, kakatapos ko lang makipag Meeting at dahil mamaya pa naman ang labasan ni Sorrel.



"Nagustuhan niya ba yung mga damit?" tumango ako, "Hmm, sino ba yung namili non? Girlfriend mo ba?" umiling siya, "Hindi pa, nililigawan ko pa lang," sagot niya, "Tinanong kasi ni Sorrel, nagustuhan niya kasi yung style,"





Napatingin ako sa relo ko, "Tara na, baka ma traffic tayo mamaya. Magagalit ang asawa ko," sambit ko.



MAAGA naman kaming nakarating sa University ni Sorrel, kaya naman napag desisyunan ko na mag libot muna sa loob. Sinilip ko rin siya at napangiti na lang ako dahil tahimik lang siyang nakikinig at nag te-take down notes.




"Anong ginawa niya ngayong araw?" tanong ko sa isang guard, "Nasa klase lang, Gov. . . Wala silang vacant ngayon," sagot nito, ". . . Atsaka, may ilang nag tangkang lumapit kay Ma'am kanina na mga lalaki, manliligaw ata,"






Agad na sumama ang timpla ko, "Pero, hindi naman ho namin hinayaan na makalapit kay Ma'am. Hindi rin naman ho napansin si Ma'am kasi busy," tumango na lamang ako, "Tell her i'll be waiting on the car,"






NANG pumasok si Sorrel sa kotse ay iniabot ko sa kaniya ang gusto niyang pasalubong, maging ang bagong bag na binili ko kanina na gagamitin niya sa school. "Oh, okay na 'tong bag ko. . . Bakit bumili ka pa ng bago?" sambit niya, hindi ko na lamang siya sinagot at nag focus na lang ako sa pag mamaneho.






Knowing na may gustong manligaw sa kaniya . . . Pinanghihinaan ako ng loob.





Ako ang asawa niya, pero hindi naman sa akin ang puso niya.





Pag minamalas ka nga naman.





I don't look like a husband to her, i look like a fucking sugar daddy.



"May problema ba?" mahina ang boses na tanong niya, umiling na lamang ako. "Wala, kumain ka na. Pag dating tuturuan na kita agad, gusto kong mag pahinga," seryosong sambit ko, "Kung may problema ka, sabihin mo sa akin," seryosong sagot niya.





NANG makarating kami sa bahay ay nauna na siyang bumaba, napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang nagalit siya sa akin.




Sinundan ko lang siya sa kwarto at napailing na lang ako dahil nasa bathroom na agad siya, iniligpit ko ang mga gamit niya atsaka ko siya ipinag handa ng damit. Nag handa na rin ako ng damit ko.




Napatingin ako sa bandang pintuan ng bathroom at akmang mag sasalita nang maunahan niya ako. "Hindi mo na ako kailangang turuan, salamat na lang," sambit niya atsaka kinuha ang damit. Pumasok siyang muli sa banyo at doon nag bihis.







Napakamot na lamang ako sa sarili kong ulo.





Fuck.





She's mad. Really mad.






S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Agustuss Alcantara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon