Chapter 7

3.2K 83 4
                                    

Sorrel's Point of View

NAKASIMANGOT ako habang nag re-review sa library, Agustuss went to Manila and didn't even bother to tell me! What's the point of being his wife when i don't even know where my husband goes?


"Ma'am Sorrel—" hindi ko na pinatapos ang guard ko, "Tell him i don't want to talk to him. Tell him to not go home also, hindi ko siya hahayaang pumasok sa bahay kaya sayang lang ang pag uwi niya," sambit ko, "Pero, Ma'am—" hindi ko na muli siya pinatapos.




"Ayaw ko ng marinig. Sabihin mo sa amo mo kung anong sinabi ko," seryosong sabi ko, tumango na lamang siya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko atsaka ko inopen ang messages niya.




From: Husband

Misis huwag ka ng magalit, hindi ko sinabi sayo kasi hindi naman importante. Kausapin mo na ako, Misis. Sige na naman oh...

From: Husband

Misis naman, kausapin mo na ako

To: Husband

Bumili ka na ng bahay dyan sa Manila, wala ka ng uuwian dito sa Sta. Estrelita. Kahit umuwi ka sa bahay ngayong gabi, hindi ko hahayaang makapasok ka. Kaya huwag ka na lang umuwi.

From: Husband

Misis naman, pauwi na po ako


To: Husband

subukan mo gago


AGAD akong lumabas ng library, "Uuwi na ako," sambit ko sa mga guard ko, agad naman nilang niligpit ang mga ginamit ko at sinundan ako palabas. Maayos naman ang pag papatakbo nila ng kotse hanggang sa nakarating na kami sa bahay, naiyukom ko ang kamao ko ng makita kong nandon na ang sasakyan niya.





Inabutan ko siya sa salas, "Didn't i tell you not to come home?!"




Nag e-echo ang boses ko sa loob ng bahay, "Misis naman, bakit ba—" hindi ko na siya pinatapos, "Jusko naman, Agustuss! Asawa mo ako pero ni paalam hindi mo magawa? Ano ako, palamuti lang sa bahay? Walang paalam ganon?" galit na galit na ani ko, napayuko naman siya. Tinuro ko ang pintuan, "Lumabas ka, Agustuss, ayaw ko ng ulitin pa ang sasabihin ko,"





Akmang mag sasalita pa siya ng lingunin ko ang mga katulong na nasa gilid, "Kapag pinapasok niyo si Agustuss ngayong gabi, tatanggalan ko kayo ng trabaho," sambit ko atsaka ako pumanhik sa taas. I don't want to shoo him away but he made me.





Remembering that he doesn't even tell me where he goes, it makes me mad. Anong gagawin niya sa Manila? Sinong ka meet-up niya? Mababaliw na yata ako sa kakaisip.






Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako umaakto ng ganito. Dati naman ayos kang sakin kahit umalis siya ng paalam. Pero ngayon. . . Ewan ko.





Humiga ako sa kama atsaka ko kinuha ang cellphone ko. Nag message ako kay Primrose. I know she's busy with her child, Serene. Pero, gusto ko ng kasama lalo na at hindi ko maintindihan ang sarili ko.





From: Primrose Dawn

Sure sige, gusto mo bang sunduin ka namin ng Ate? Tutal nandito pa kami sa Police Station.



To: Primrose Dawn

Yes please i don't really want to stay in the house:(



From: Primrose Dawn

okayy labas na ikaw, wait mo kami ni Ate diyan, sandali na lang🥰🥰





Bumangon ako at nag tungo sa banyo, i took a quick bath and right after i dress up i picked up my heart shaped tote bag and put on my extra clothes. Kinuha ko rin ang reviewer ko atsaka ako lumabas ng bahay, "Ma'am, saan po kayo pupunta?" hindi ko sila pinansin.





Lumabas ako ng gate at doon ay nakita ko si Agustuss na nasa loob ng kotse niya, nang makita niya naman ako at agad siyang lumabas. "Saan ka pupunta, Misis ko?" nag aalalang tanong niya, "Imma sleep over at Primrose', she'll pick me up here. Pumasok ka na sa loob," malamig na ani ko.







Nagulat ako ang bigla niya akong yakapin. "Sorry . . . I'm sorry, love. Hindi ko sinasadya na hindi sabihin, sorry. It's just it's not important and i don't want to disturb you," aniya, tinanggal ko ang yakap niya ng makita ko ang sasakyan nila Primrose, "Aalis na ko," madiing ani ko atsaka nag lakad patungo sa kotse.






HATING GABI na pero gising pa kaming tatlo. Wala pala si Serene kaya naman kaming tatlo nila Ate Astrid ang magkakasama sa iisang kwarto. "Ano bang problema, Sorrel?" tanong ng Ate ni Primrose. Huminga ako ng malalim bago nag salita.





"I don't know, i got mad at him. Hindi siya nag paalam sa akin or kahit nagpasabi man lang na pupunta siya sa Manila, di ba it's my rights naman as her wife na malaman ang whereabouts niya?" sagot ko, "Oo naman, mali naman talaga si Gov doon. . . He should've told you, pero bakit umabot sa point na ayaw mong makita siya?" sagot niya.





"Gusto kong mag isip, Ate Astrid.  Hindi ko alam, before kahit naman saan siya pumunta, i don't care. Pero ngayon, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Galit ako kasi wala siyang paalam o pasabi," sagot ko, "Maybe because you're worried. You love him?" sambit ni Primrose.






Natigilan ako.





Hindi ko mahal si Agustuss. Hindi. Alam kong arranged marriage lang lahat, hindi ko siya mahal. I've heard a lot of i love you's from him, to be honest wala akong dapat ikatakot. Teka . . .





Do i love him?





"Looks like you're confused if you love him or not," ani ni Ate Astrid dahilan para mapatingin ako sa kaniya, ". . . Stay here for three days. Don't text, call or see him and you'll know the answer if you love him or not," dagdag niya pa.






I sigh. "Effective ba yun?" i asked, parehas silang tumango na magkapatid.





Pero sa tingin ko kaya ko naman ang tatlong araw.




Iyon nga na hindi nag paalam, nagalit na ako at halos tupiin ko na siya sa walo. Iyon pa kayang tatlong araw na ni text wala?





"I'll stay here with you, with Serene. . ." ani ni Prim, i smiled. "Sige, i'd love to have bond with Serene too . . ." nakangiting ani ko, kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay iyon kay Ate Astrid.






"Tignan mo, babaliwin natin di Gov. . ." kumindat siya sa akin. Napailing na lamang ako.




Sa tingin ko naman matagal ng baliw sa akin ang isang yon. Bakit kakailanganin pang baliwin ko siya?








S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Agustuss Alcantara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon