4th year hayskul ako at required sa MAPEH namin ang dumalo sa C.A.T. na kung saan sa pagkakatanda ko ay ilang araw kami sa aming paaralan. PGMNHS yan ang paaralan ko at dyan ako graduated, may ilang bago na gusali sa paaralan na yan hanggang ngayon kung dati madami akong karanasan dyan ngayon wala na malamang umalis na ako eh. Anyways lahat ng mga dumalo sa C.A.T. ay may sariling tulugan malas kami ay wala. Kaya pinayagan kami ni Sir San Juan sa palacol building na matulog dahil kailangang 5am nasa harapan na ng Gabaldon Building ay dapat maagang magising. Mostly ang gising ko ay 3:30 ng umaga kase maraming naliligo sa Gabaldon ng umaga syempre kapag andun ka ng maaga sa mismong baba ng gusali ay may dagdag na puntos ang kateam mate mo.
Nalaman ko na sa oras na 3:30 maraming naliligo 3:10 ng umaga ang naging gising ko nung sumunod na araw. Dahil sanay ako matulog sa malambot ay hindi ako masyadong makatulog kahit noong unang araw pero ngayong pangalawa ko lang naranasan. Mga bandang 12:56 ng umaga nasa bandang kanan ko sina Shayra, Paula (nitong 4th year ko lng sila kaklase) at KC (dati kong kaklase noong 3rd year) isang boses babae na nahuhulog pababa at humihiyaw ito pero hindi lumalagpak. Paulit-ulit. Tiningnan ko baka sina Shayra pinagtritripan ako ngunit nakatingin siya sa akin pati at nadinig ko muli ang boses ng babaeng humihiyaw na nalalaglag mula sa 4th floor o siguro'y sa pinakaroof top ng gusali dahil nasa 1st floor lang kami ng palacol.
"Nadidinig mo din?" tanong ni Shayra sa akin at mahina lang ang boses niya. Tumango ako bilang 'oo' na sagot tumingin ako sa kaliwa ko na may mga kaklase pa akong kasama pero mga tulog kami lang ang gising.
"Titigil din siguro yan" sambit ko
"Sana nga hindi ako makatulog sa kakahiyaw niya" dagdag niya.
Pinilit kong matulog at nagising ako sa galaw ng armchair na sa bandang harapan ko ang ilang mga bangkuan o armchair namin na nakapatong-patong para may malawak kaming galawan at tulugan na pinaayos pa ng guro ko na si sir San Juan. Ngunit doon may ilang mga kalansay na sundalo ang pinapalagitik ang mga daliri sa arm chair habang nakatingin sa gawi ko silaw sila ng ilaw sa bintana, ngunit wala akong nakitang aninag ng liwanag sa puwesto nila na dapat ay mayroon. Sa takot ko inisip ko na lang na namamalikmata lang ako. Pag gising namin pwede na kaming tanghaliin dahilan at last day na ng aming CAT na umatend muna kami ng last challenge at matapos bandang tanghali ay kanya-kanya kaming impis ng mga pinaghigaan at gamit na naroroon sa kuwartong yun. Konting kuwentuhan pero nawala ang kuwentuhan nung isa sa mga kaklase ko nagsingit na "Nakita nyo yung tatlong anino sa harapan kagabi?"
"Hay naku natatakot ka kaya saiyo nagpapakita" sambit ng kausap niya
"Nakita ko yun tatlong sundalo nakatingin nga sa gawi ko eh" singgit ko na medyo kinikilabutan na ang iba dahilan at nagtanguan bilang pagsang-ayon. Naroroon ang guro ko "Hay naku nananaginip lang kayo" sambit niya
"Sir hinde nung unang gabi may babaeng nahuhulog pero ayaw lumagpak ang nadidinig ko nakita nga din niya eh" turo sa akin ni Shayra sinambit niya ang ngalan ko pero hindi ko sasabihin dito.
"Oo nga ser hindi ako makatulog sa kakahiyaw niya"
"Tsaka ser bago pa kami makitulog sa palacol may nakita si Paula sa rooftop na may hawak na ilaw" sambit ni KC na sa sobrang kinikilabutan ang iba nag-alisan na lang sa takot. Naiwan ako kinausap ako ni ser kasi kakilala niya ang nanay ko at doon din nagtuturo.
"Nakita at nadinig ko ang mga pinagsasasabi nyo pero...huwag mo na lang ipagkalatan na alam ko din" sambit niya na para sa akin sikreto na lang namin pero dahil sinabi ko dito hindi na ito sikreto ;)
Nagtataka ako bakit ang dami kong nakikita sa paaralang ito at nang itinanong ko sa aking mga magulang...ang tanging sambit nila.
"Bata pa nga ako may nakikita akong pugot na ulong sundalo sa Saudi eh" sambit ng tatay ko 'nung buhay pa siya' (ang saudi ay sa dulo ng guevara kung nag-aaral ka dun alam mo ang saudi J )
"Anak, dati kasing kampo yan ng mga sundalo noon hapon at amerikano na dating sumakop sa atin isa sa mga kanilang kampo ang guevara at central school" sambit ng aking ina.
So para saiyo coincidence lang kaya ito? O tinitindigan ka na...ng balahibo ikaw ha.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Dread
Horror[OLD] An old compilation but, changed the title of it. Some that happens here comes true some I don't know, I just see things...