BATA SA NAKARAAN

6 1 0
                                    

Ang panaginip kong ito ay malimit ko ng ikinukuwento sa ina ko, kapatid, at mga pinsang close ko. Noong taong 2010 nagsimula ang kakaibang panaginip ko nasa pinaglanguyan kami nung tatay ko sa majayjay (may linta!) (/>m<)/

Napasambit ako na wow peaceful kaso nagutla ako sa isang batang babae na maiksi ang buhok na kulay itim ang kanyang buhok. So sino ito? Ako kasi yung dreamer na kapag hindi ko kilala yung mga tao sa paligid ko ay kikilalanin ko. Nang lapitan ko itim ang mga mata niya at humiyaw siya na ikinagising ko. (at bibihira lang ako makatanda ng parte ng mukha ng isang tao sa panaginip, malimit laging walang mukha)

Sumunod na gabi gusto kong malaman ang batang yun kaso natatakot akong hiyawan niya ako na ikamatay ko nang dahil sa bangungot. Nang nakita ko siya galit na galit siya at tinanong ko na "Wala akong ginagawang masama saiyo tsaka sino ka bakit nasa lugar ka ng panaginip ko?" hindi niya ako sinagot bagkus nawala siya na kung saan sinusubukan niya kung matatakot muli ako sa ikatlong subok niya ay natakot ako pero pagdating ng pang-apat nawala na ang takot ko.

Hindi sunud-sunod ang panaginip ko sa batang yun malimit ibang bata na nasa baku-bakong lugar tapos nawawala sa kagubatan na walang dahon oo as in patay na puno tapos bigla silang nawawala.

Sa tatlong beses na napanaginipan ko ang bata muli nakatingin na siya sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko tsaka niyaya sa hindi ko mawari bakit may maliit na bahay sa gitna ng batuhan? Dahil doon pa rin ang lugar sa majayjay (/?_?)/

Doon nawala yung batang babae at may isang malaking lalaki na half naked na kulay brown ang kulay ng balat as in madilim na brown "Ah bisita kain ka muna" sambit niya. Naka-upo ako sa isang kawayan na upuan at ganun din ang lamesa na kung saan sa ibabaw ng kawayang mesa ay may dahon ng saging na nakalagay doon ay isang inihaw na karne; sa totoo lang hindi baboy at mula sa panginip kinukutuban na ako...dahil ang nasa ibabaw ay inihaw na tao. Hindi matandang tao kung hindi bata.

Nasa isip ko baka ang batang yun pero bakit ko nakikita ito? Dahil mahilig ako sa isaw? <3 w <3 pero ang isaw ay bituka ng manok. Kaya nagtataka ako at sabay sabi kong "Naku po busog pa kasi ako" may dumating pang isang lalaki ang ngalan niya ay Patrick Garcia na artista sa Pinas pero teka bakit siya? Kausap niya ang lalaki at kinain niya ang karne mula sa lamesa nang lumabas ako hindi naman ako pinigilan at doon nakita ko ang batang babae, hindi siya nakangiti pero nawala din siya agad at doon nagising muli ako.

Ngayon ay 2018 maraming pinipeke ang mga tao na may larawan silang katabi ay multo maraming gumagawa ng kuwento papansin lang o papopular...paki-usap huwag nyong pagtawanan ang mga kaluluwa o tawagin sila gamit ang mga ouija board na yan na wala naman kayong alam! Hindi nga hindi yan laruan sa katunayan yang 'Zozo' na sinasabi nyong demonyo? Ay hindi demonyo bakit? Ang Zozo sa paniniwala ko ay ang mga kaluluwang pinagtritripan nyo na hindi nyo isinasarado ang pintuan kase hindi nyo maiintindihan ang kabilang dimensyon; kung hindi nyu intindi PAKIUSAP tigilan nyo ang gamitin ang ouija board, spirit of the glass o kung ano mang kagamitan nyo na pangtawag sa mga espirito. Paano kung sila ang tatawag saiyo habang nakain ka ng paborito mong pagkain? Para lang tanungin ka ng 'patay ka na ba?' 'bakit ka namatay?' 'sino ang pumatay?' huwag kayong magsasabi na sino ang pumatay sa kanila na hindi mo naman hahanapin itinanong mo lang kase for FUN.

Pero itong panaginip kong ito hindi for FUN o POPULAR isang babala o mesahe ang gusto kong malaman nyong lahat hindi laruan ang mga espirito.


Taong 2016 dahil sa kaibigan namin ng kapatid ko na si Ian Trinidad isang cosplayer at I.T. na yata ngayon eh mahilig siya sa Vocaloids ayos kaso hindi ko alam yun so hinanap ko sa internet ang vocaloids na ito na nagrekomenda ang youtube ng kanta ng vocaloid nakakuha ng pansin sa akin ang pinamagatang (Oliver) Secrets of Wysteria (Vocaloid Original) pinakinggan ko medyo creepy pero nang inalam ko ang liriko nito...

Kinilabutan ako. Inaamin ko dama kong may nasa likuran ko that time pero inalam ko at hindi ako tumigil kahit na nakatindig na ang lahat ng balahibo sa braso, batok at hita ko. Sa link sa baba ang nakuha kong impormasyon.

Nanghina ako ilang taon na din ang lumipas as in anim hindi ako nakakain ng madami yung bang sapat na kailangan ng katawan ko matapos kong malaman ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanghina ako ilang taon na din ang lumipas as in anim hindi ako nakakain ng madami yung bang sapat na kailangan ng katawan ko matapos kong malaman ito. Hanggang ngayong taong 2018 hindi ko malilimutan ang bata sa nakaraan.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

DreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon