May 24, 2020
Nanaginip ako...may pumasok sa kuwarto ko dahil kita ko sarili ko na tulog pa at nakaharap sa dingding, halos itim siya, matangkad, payat na nakayuko sa akin naramdaman ko ang ilang pagtulo ng basa at malamig na tubig mula sa kanyang buhok, pero mas nagutla ako nung dinilaan niya ako sa kaliwang bahagi ng pisngi na naramdaman ko din at naigalaw ko ang katawan ko ngunit mga mata ko'y hindi ko pa maimulat. Nawala ang 3rd POV ko sa aking sarili na ilang minuto bago pa sumunod ang aking mga mata na magmula, doon ko itsinek ang kaliwang balikat at pisngi ko na basa. Hindi ko sigurado kung pinaglalaruan lang ako ng aking kaisipan.
Updated: Agosto 17, 2020 binalitaan ako ni Pareng Camille, nagpunta siya sa akin ukol sa kasamahan namin sa ICCC sa santa cruz na bago ito magsara eh, nagkaruon kami ng magagandang memorya, malapit ako sa kanya kasi hinahangaan ko ang mga bading. Isa si kuya Christian sa pamangkin ng dean namin at kahit bakla tanggap ito ng lahat pati ng kanyang tita na dean namin, namatay siya sa motorsiklo umuulan daw noon tapos pagod galing trabaho kaya na-aksidente siya.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Dread
Horror[OLD] An old compilation but, changed the title of it. Some that happens here comes true some I don't know, I just see things...