FREE CHAPTER - Chapter 4

5.2K 246 13
                                    

"The hardest feeling of hoping, is being excluded to the option"

--

THIRD PERSON'S POV*

Abala ang lahat ng mga Madre at mga bata sa bahay ampunan. Nagsisihanda silang gumayak para sa mga bisitang magsisirating.

"Magsiligo na ang lahat at magsipag gayak ng inyong mga sarili. Ito ang araw na PINAKA hihintay ninyo. NGAYON gaganapin ang araw ng pagpipili.. Magsi-ayos upang maging karapat dapat"

Anunsyo ng Pinakamataas na Rango ng mga Madre.

Dala dala ang mga sabon, tuwalya at iba pang mga gamit panligo, ay sabay sabay na nagsipasok ang mga dalaga sa palikuran upang magsipag gayak.

----

Sa kabilang Banda..

Maingat na kumatok si sister sally sa pintuan ng silid ni sueda upang abisuhan ang dalaga na mag-ayos na.

"Sue?? Si Sister Sally ito. Maari ba kitang makausap sandali? May sasabihin lamang akong magandang balita"

Ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa kabilang banda. Tanging pag click lamang ng doorknob.

Indicating that she's allowing her to enter.

PAGKAPASOK ni sister sally ay pansamantalang naupo ito sa gilid ng kama ni sue habang pinagmamasdan ang dalaga na matamlay na nakaupo lamang habang yakap yakap ang magkabilang binti.

"Maligo kana anak at mag-ayos. Ngayon darating ang mga bisita."

Marahang tumango ito at walang ganang kinuha ang gamit at nagtungo sa palikuran.

Alam naman kasi niyang wala siyang tyansang mapili upang ampunin.





..

PAGKATAPOS magsigayak ang lahat ng bata ay pinapila silang lahat sa dalawang linya na kapwa magkakaharap. Na nagResulta ng paglikha ng daan para sa pangunahing panauhin. Nasa bandang dulohang bahagi si Sue at tahimik lamang na nakayuko.

"Tss, Tignan niyong lahat. Ang lakas ng loob ng babaeng may sayad na to na pumila HAHA! E tyak namang hindi siya pipiliin"

MAPANGHUSGANG saad ni tifanny kay Sueda. Ngunit hindi naman siya nito pinatulan at nanatiling nakayuko lamang.

Sa kabilang banda, nanatiling tahimik lamang si Emery sa gilid at hindi man lang ipinagtanggol ang kaibigan.. Sa kadahilanang, may tampo parin ito sa dalaga.

"TAHIMIK! Naryan na ang mga bisita"- Saway ni Sister Mora.

BUHAT sa narinig ay nagsiayos naman ang lahat ng marinig ang tunog ng makina at busina ng mga sasakyan na paparating. Lumabas mula sa mga sasakyan ang dalawang pares ng mag-asawa. Bakas sa kanilang postura na sila ay maiimpluwensyang tao.

Masayang sinalubong sila ng mga Madre.

"Magandang Umaga Mr. and Mrs. Benson gayundin sa inyo Mr. and Mrs. Lopez." pagbati nila.

"Magandang Umaga sisters!"

"Mga bata magbigay galang sa ating mga panauhin"
Maauthoridad na utos ng pinunong madre.

"Magandang Umaga po!"
Sabay sabay na wika ng mga bata.

"Heto na ba ang lahat ng mga bata sister?" Mr. Benson. Habang inuusisa ang mga ito.

The Abduction of Sueda (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon