Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3

Nagbabasa ako sa isang online site for Chinese translated novels nang may kumatok sa dorm room ko.

Bumangon ako kaagad at nag bukas ng pinto.

"Taliah Minerva Milano? Ikaw na lang mag isa rito, finally... Tumawag na ang amo mo at pinapahatid ka na."

Tumawag si Mr. Carlisle? Namimilog ang mata ko sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

I remembered his face vividly on my mind.

Nakangiti akong tumango sa caretaker,
"Sige po, mag eempake na ako ngayon din!"

"Aantayin ka ng shuttle bus sa parking lot. Bilisan mo."

Hindi ko na siya sinagot at agad ko ng hinablot ang bag ko at inayos ang mga gamit ko roon.
Kaunti lang naman kaya mabilis akong natapos.

Hinatid ako ng shuttle bus sa isang malaking subdivision sa Forbes.

May bahay naman kami sa probinsya, malaki rin pero wala man lang yata sa kalingkingan ng mga bahay na nadadaanan ng bus na kinalulunanan ko.

Huminto ang shuttle bus sa isang mataas na gate na kulay itim.
It has an inticrate design, bawat hugis ng bakal na naka disenyo ay napapalamutian ng ginto.

'Of course! He's a jeweller!' Untag ng isip ko. Oo nga naman.

"Dito ka na Tami, ingat ka. Huwag matigas ang ulo at baka masisante ng amo." Bilin ng caretaker sa akin bago ako bumaba.

"Salamat ho, ingat kayo." pinanood ko muna silang umalis bago ako nag doorbell.

Kalaunan may nag bukas sa akin, isang may edad nang babae na naka uniform na para g scrub suit na kulay violet.

"Ikaw ba si Tami? Halika pasok ka, ako si Nana Robina, o Nana Robing na lang Itawag mo sa akin. Pasensya ka na at natagalan ang pagsundo sayo, kararating lang kasi ni Sir mula Egypt kaya hindi naasikaso kaagad."

Egypt? Anong ginawa niya don? Ma report nga mamaya kay Syric.

"Ayos lang ho, Nana.." Nagpipigil talaga ako na makapag English. Nakasanayan na kasi sa trabaho halos iba ibang lahi ang nakakasalamuha namin nila Syric kaya hindi maiwasang nasanay ako.

Ayokong mahalata nila na peke ako kaya nagpupumilit akong mag straight magsalita ng tagalog.

"Sunod ka sa akin, dadalhin kita sa kwarto mo tapos tuturuan kita ng mga dapat mong gawin. Mayamaya pa iyon bababa si Sir kapag nag dinner na."

Sumunod naman ako na parang maamong tupa.
I have huge respect to the elderly dahil lumaki ako sa grandparents ko kaya masaya ako na may nakatatanda sa akin na pwede akong e guide sa trabaho.

"Dito ang kwarto mo, sa akin naman ang katabi nito." Binuksan ni Nana ang isang kwarto na may katamtamang laki, may bathroom at malalaking cabinet sa loob.

Pumasok ako roon at inilapag ang gamit ko sa kama.

Lumabas si Nana at nagsimula na akong e tour sa buong bahay.

Hapon na ng matapos kaming maglibot, ipinakilala na rin sa akin ang tatlong guard na naka duty.
Sabi ni Nana e sila lang daw ang pwedeng mag pakita kasi nakakubli ang ilan.

'Taray, parang shadow guards.' bulong naman ng pilyang bahagi ng isip ko.

Sa kusina naman ako dinala ni Nana.

"Mahilig kumain si Sir Atticus, hindi nga lang halata dahil likas na matipuno ang katawan." Sabi ni Nana habang binubuksan ang red at nag labas ng mga Ingredients.
"Marunong ka bang magluto hija?"

Nagulat ako sa tanong niya pero agad ding napatango.
"Opo, marunong naman po."

"Paborito ni Sir Atticus ang Sinigang, kahit ano basta Sinigang, kakainin niya iyon at syempre, adobo. Ganoon din, kahit ano basta adobo kinakain niya. Huwag lang gulay." bahagyang napatawa si Nana.

I raise a brow, Kalalaking tao ayaw ng gulay?

"Sa breakfast naman kapag working days, hindi kumakain dito sa bahay yan, kaya ginagawaan ko ng sandwich para makain niya sa sasakyan o pagka dating sa opisina. Hindi kasi siya basta basta kumakain ng mga take out food. Kaya ang kinukuha kong kapalit ko e iyong marunong talagang magluto."

Napatango ako sa sinabi ni Nana.
So, he's also picky.

It's normal dahil isa siya sa kilalang tao sa Alta sosyedad. Mahirap maungusan ng kalaban.

Tinulungan ko si Nana na maghanda ng hapunan saka ako gumawa ng sarili kong salad.

"Iyan lang ba ang kakainin mo Tami?" Manghang sabi ni Nana noong nagsimula na akong kumain.

"Yes po, I'm fine with this, I don't usually eat dinner." dirediretso kong sabi bago nanlaki ang mga matang napatigil sa pagsubo.

Fuck! Hindi dapat ako nag eenglish.

"Hindi ko ako kumakain ng Dinner Nana."

Sasagot pa sana si Nana Robing nang bumukas ang pinto ng dirty kitchen.

"Na? Where's my food?" a soft baritone voice filled the entire kitchen.

Agad akong napatayo at awkward na yumuko.

"Sir Atticus! Akala ko sa study ka na kakain kaya hinahanda ko na para iakyat. Siyanga pala Sir, si Tami, iyong papalit sa akin habang wala ako."

Nag Angat ako ng tingin sa lalaki.
Again, I was stunned, even more than the first time I saw his picture.
The reality is more breathtaking. Ang gwapo!

"Sir, hello po. I'm..."Tumikhim ako saka tumingin sa kanya ng deretso.
"Tami Milano po Sir."

Tumango siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Naipaliwanag na ba ni Nana lahat sayo ang mga gagawin mo?"

Tumango ako at medyo nangiti kay Nana, "Opo sir,"

"Good. Nana, dito na ako kakain." Naghila siya ng upuan sa harap ko.
"This is all you'll eat?" itinuro pa nito ang Plato ko na may salad.

"Yes Sir, ito lang po." I don't know what was with this man but his entire presence is enough to bring out the demure me, feeling ko hiyang hiya ako which is unacceptable for a top tier Secret personnel like me.

"No wonder you look petite, you're eating grasses." Ismid niya bago nagsimulang kumain nang makitang nailapag na ni Nana ang mga pagkain sa harap niya.

"What are you waiting for? Continue eating." Utos niya sa akin na ikinatingin ko kay Nana.

Nagkibit balikat naman si Nana sa akin bago nagsalin ng tubig sa baso niya.

"I don't think it's appropriate to eat with the boss." I didn't even know that I voice out my thoughts.

"Really? Who said so? I read in your resume that you were once a part time tutor and you were an achiever back then in high school. Kaya ka siguro magaling mag English." Sabi niya habang kumakain.

I was stunned amazed on the way he eat his food, he is clearly enjoying it but you can't see any mistakes, ni hindi mo mahahanapan ng kapintasan, pinong pino ang kilos kahit pagnguya.

"Kumain ka na Tami," Sabi ni Nana na nakapag balik ng huwisyo ko.

Nahihiya man ay pinilit kong ubusin ang salad na ginawa ko.

"Nana will go back to her hometown for emergency purposes, kaya lahat ng ginagawa ni Nana at dapat matutunan mo na bago siya umalis, I don't want trouble in my own household." Bilin niya sa akin bago umalis ng kusina.

Nag focus ako sa pagkain hindi ko man lang namalayan na tapos na siya.

Agad akong tumulong magligpit.

Tomorrow will be my first day. I hope I can stand his presence, for my mission to complete.

HOUSEMAID SERIES : HIS PECULIAR VARLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon