Chapter 5
"Here's your tea Ma'am."
Inilapag ko sa center table ang tea set ng may nag doorbell.
Si Sir na siguro.
Agad akong nagtungo sa pinto at binuksan iyon.
"Sir," Bago ko pa man nasabi na nandito ang kapatid niya at fiancé dahil alam kong hindi niya yata nabasa ang text ko dahil wala pang ilang minuto nandito na siya.
"How are you?" he smiled at me warmly as he ruffled my hair.
"What's for dinner? The adobo you made for me was delicious. Tataba yata ako nito, I need to work out more, don't you think so?" Sabi niya sa akin habang naglalakad papunta sa sala.Niluluwangan ang tie na suot.
I was taken a back. He look at me with his gentle gaze.
Pinamulahan naman ako ng mukha sa pagkapahiya. I'm sure narinig ng dalawang babaeng nasa sala ang lahat ng iyon.
"Sir, Nasa Sala ho sina Ma'am Athika."
He wink at me and mouthed, "I know."
Napatango ako, alam niya pala why did he do that?
"I'll go set the table, then."
Dumeretso ako sa kusina at pinakulo ulit ang Sinigang bago ko inilagay sa magandang lagayan at inihanda sa dining table.
Ini check ko ulit, may sili, soy sauce, bagoong at prutas sa gilid, may umuusok na kanin at syempre ang napaka bangong Sinigang.
Kalaunan nakita kong magkasunod ang tatlong pumasok sa dining area.
Atticus made his way to the head chair, tumabi sa kaniya sa kanan si Athika at sa kabila Si Solana.
"Tami, join us." Atticus said as he lifter his table napkin.
"Eh, hindi na sir, doon na ako sa loob," Itinuro ko ang dirty kitchen.
"Salad lang naman ang kakainin mo. I know you." he smirk at me.
Nagbaba ako ng tingin, nararamdaman ko ang matalim na mata ni Solana sa akin.
This man! Why is he doing this?
Nag bow ako ulit bago pumasok sa dirty kitchen.
Hindi ko na narinig ang pinag usapan nila at Nagpasya nang kumain.
Tumikim lang ako ng kaunti ng mga niluto ko bago ako nag hugas ng mga pinaglutuan.
"We are done!" Sumilip siya sa pinto ng dirty kitchen
"I already sent them out. Kumain ka na?""Tapos na sir, magliligpit na ako." nagpunas ako ng kamay at lumabas.
Maayos na nakasalansan ang maruruming mga Plato sa Mesa.
Tiningnan ko si sir at ngumiti lang siya.
"Tulungan na kitang dalhin to sa loob."
Tumango na lang ako dahil alam ko na hindi siya pwedeng tanggihan.
Pati sa paghuhugas ay nakialam na rin siya, hindi ko maiwasang matawa nang makita siyang basang basa.
"Sinabi ko na sa inyo Sir, na ako nang bahala rito, Ayan tuloy na basa kayo." Pilit na pag popormal na sabi ko pero hindi ko ma pigilan mapangiti.
Napansin ko siyang na tigilan habang ang mata ay nakapako sa akin, umatras ako ng bahagya.
May dumi ba ako sa mukha? Masyado yata akong komportable baka hindi na ako mukhang tao.
"Sir?" untag ko sa kanya nang makita siyang nakatitig parin sa akin.
"Ah, yeah... You are right. I'll go upstairs." Biglang bawi niya sabay talikod.
Nagtataka naman ako sa asal niya.
Anong nangyari?
Mabilis kong tinapos ang kusina at pumasok agad ako sa kwarto ko nang ma siguro na wala na akong gagawin.
Tinawagan ko si Syric at ikinuwento sa kanya ang nangyari.
"Gaga! Anong peg 'nyong dalawa? Para kayong bagong kasal na nagbabahay bahayan!" tumili pa ito sa kabilang linya.
Inilayo ko naman ang Cellphone sa taenga at baka mabingi ako sa sigaw niya.
"Napaka malisyosa mo!" Singhal ko sa kanya.
"Di nga, Tamimi? Natulala siya nung ngumiti ka? Hala! Baka nahulog na si kuya mong boy! Mas mapapadali ang misyon mo kapag ganyan, umaayon sa plano ang lahat." Sabi niya na sa pormal na tono.
"I'm guilty, napakasama ng dating kapag nananakit ng tao, ang bait ni Sir tapos papaibigin ko." Himutok ko sa kanya.
"Eh, kung 'yan lang ang paraan para matapos mo ang misyon mo, for your freedom, alalahanin mo, you need to sacrifice something for the greater good."
Napatango ako kahit hindi niya naman ako nakikita, "Okay, I'll do my best."
Iyon nga ang ginawa ko, hindi naman sa nilalandi ko siya but I am showing more kindness and caring nature to him.
Hindi lang isang beses ko siyang nakitang matamang nakatitig sa akin, halos hindi ko na ma bilang.
Ang simple lang naman ng itsura ko pero bakit iba ang dating ng titig niya.
In his eyes, I saw adoration and admiration.
Isang gabi pagka uwi niya galing trabaho, sinalubong ko siya sa pinto, kakaluto ko lang ng paborito niyang adobo.
May iniabot siya sa akin na paper bags.
"This is yours, you're coming with me to Burma tomorrow for Gems auction."
Burma?
Gem auction?
Iyan iyong pinag aagawan ang mamahaling mga bato for high price!
Pero bakit kasama ako?