Enchanted 8. Demons

9.8K 364 9
                                    

"Princess." Nagulat ako dahil sa sinabi nilang lahat sa akin. Anong kalokohan nanaman tong nangyayari sa buhay ko? Puro sila taga Dark Corp tapos tinatawag nila akong Princess nila? Akala ko talaga nung una igagapos nila ako tapos sasaktan eh, pero hindi ganun ang nangyari. Para bang tinuturing talaga nila ako na prinsesa nila.

"Welcome back. Megumi." Napalingon ako doon sa nagsalita. At muli akong nabalot ng pagtataka.

"Shade?" Yun agad ang lumabas sa bibig ko. Kamukhang kamukha ng taong ito si Shade. Pero may iba sa kanya, dahil nakangiti siya sa akin. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung pisngi ko Ano naman kaya ang gagawin niya sa akin? Ngayon na ba yung simula nang pagpapahirap nila sa akin? Umiwas ako ng tingin sa kanya, naramdaman ko namang binitawan niya na yung pisngi ko.

"I'm Dwayne. Your soon to be Husband." Pagpapakilala niya sa akin. Teka ano daw?

"Teka teka. Anong pinagsasabi mo? Husband ka diyan eh hindi nga kita kilala." Sunod sunod kong sabi sa kanya. Bahala na kung papatayin niya ako kesa naman magpakasal ako sa taong hindi ko naman kilala. Gwapo siya pero it's a big no for me pa rin.

Napansin kong ngumiti lang siya sa akin na para bang natutuwa pa rin siya kahit sinabi kong hindi ko naman siya kilala. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"Sa wakas. Kasama na ulit kita." Sabi niya habang yakap yakap pa ako. Naramdaman ko yung lungkot sa bawat words na binitawan niya kaya hinayaan ko na lang muna siya sa ginawa niya. Pagkabitaw niya ay agad ko naman siyang tinanong.

"Nasaan ako?" Taka kong tanong sa kanya.

"Nasa kaharian ka na My Queen." Sabi niya sabay halik sa likod ng palad ko. Tignan mo to! Nagtatanong ka ng maayos tapos gaganunin ka? Ang creepy at weird ng lalaking ito grabe. Daig pa yung mga vampires sa napapanood kong anime dati eh. Pero infairness talaga kasing gwapo niya yung mga anime character.

"Ano bang pinagsasabi mo? Sagutin mo naman ako ng maayos." Iritado kong sabi sa kanya. Akala niya porket gwapo siya magpapadala na lang ako sa lahat ng sasabihin niya? Mas gwapo pa rin kaya si Brix no.

Hinawakan niya na lang yung braso ko, at bigla namang nagliwanag yung palad ko. Parang yung nangyari sa amin kanina ni Shade doon sa enchanted forest.

"I already claimed you." Sabi niya sabay ngisi pa sa akin. Ano raw? Agad kong inagaw yung braso ko sa kanya.

"Pwede ba? Hindi ako nakikipag biruan sayo." Sigaw ko sa kanya na parang ikinagulat niya pa.

"Naging ganyan ka na dahil nakasama mo siya no? Ayaw mo na sa akin dahil sa kanya?" Malungkot niyang sabi. Ang kulit ng taong to eh no! Sinabi ng hindi ko nga siya kilala eh.

"Hindi nga kita kilala kaya pwede bang ibalik mo na ako sa school? Baka mag-alala na sila Cassie sa akin." Sabi ko saka na ako tumalikod sa kanya tapos sinimulan nang maglakad palayo. Kung hindi niya ituturo yung daan, ako na lang ang kusang maghahanap nun.

Nagulat na lang ako at muntikan pang matumba nang bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko. Hinawakan niya ako sa bewang ko saka pa ako hinila papalapit sa kanya. Napansin kong magkamukhang magkamukha talaga sila ni Shade. Ano niya ba si Shade? Hindi ko alam kung anong pinaplano niya kasi papalapit siya ng papalapit sa akin. Gustong gusto ko siyang itulak pero napakalakas niya kaya hindi ako makawala.

"Shade tulungan mo ako." Yan na lang ang naisip ko saka ako napapikit dahil sobrang lapit na ng mukha ng lalaking ito sa mukha ko.

"Megumi!" Napadilat ako nang marinig ko ang sigaw na iyon. Tapos nakita ko na lang na tumalsik si Dwayne palayo sa akin. Hawak na ako ni Shade at tila ba galit na galit ang itsura niya ngayon.

Enchanted High (Academy of Magics)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon